Chapter 1: Introduction

1075 Words
Matalik na magkaibigan sina Randy Mantilla at Rupert Freecz. Bata pa lang sila ay parang magkapatid na ang turingan ng dalawa. Pareho silang galing sa may kayang pamilya pero mas higit ang yaman ng mga Freecz kumapara sa mga Mantilla. Ngunit kahit na ganoon maganda ang kanilang mga ugnayan. "Kapag nagkaanak ka ng babae at kung lalaki naman sa akin, sila na lang ipakasal natin para maging magkapatid na tayo," saad ni Rupert sa kaniya. "Oo, buh!" masayang sagot ni Randy sa kaniya. Tumungo sa bansang America si Rupert dahil isang americano ang ama nito. Nag-aral si Rupert ng Business sa bansang America at samantalang si Randy ay nakapagtapos ng kursong guro. Makalipas ang labing-pitong taon, nagkita muli ang dalawa at dito na rin nakapagpatayo ng business si Rupert. Makalipas pa ang limang taon ay nakapag-asawa ang dalawang magkaibigan. Nagkaanak ng babae si Randy kay Dhanna at ipinangalan niya itong Daisy. Isang mukhang-anghel na bata. At si Rupert ay nagkaanak naman ito kay Erylle ng isang anak na lalaki at ipinangalan niya itong Chrollo. Ipinanganak si Chrollo sa bansang America at doon na rin nakapagtapos ng kolehiyo bilang isang abogado. At si Daisy ay isang bussiness and management at nagtatrabaho na ito sa kumpanya bilang isang sekretarya. "Chrollo---" tawag ng daddy niya habang nakahiga siya sa kama. Ayaw nitong bumangon dahil sa totoo lang daw ay ayaw nitong umuwi ng Pilipinas. "Yes, dad--" "Get ready, we were going to Philippines together with your mom," saad naman ni Rupert sa kaniyang anak. "But we talked about it, dad. Remember?" pagrereklamong tanong ni Chrollo sa kaniyang daddy. "Follow what I want, Chrollo. Otherwise, you will not inherit my company!" "Okay, I will follow you dad!" Napakalaking kumpanya ang mamanahin ni Chrollo sa kaniyang ama. Kaya lagi itong nakasunod sa kaniya at isa pa, hindi niya kayang tanggihan ang gusto ng kaniyang ama para sa kaniya. Hindi pa niya alam ang kasunduan. Ito ay tungkol sa arrange marriage at sa susunod na taon na iyong mangyayari. Lagi namang magkatawag sina Randy at Rupert. "How's your daughter? Alam na ba niya ang napagkasunduan natin? " Tanong ni Rupert sa kaniyang kaibigan sa kabilang linya. "H-Hindi pa eh. Humahanap pa ako ng tiyempo," sagot naman ni Randy. "Alam naman ng mga asawa natin ang arrange marriage na gagawin natin hindi ba? So, sa susunod na taon pa naman at mas magandang magkakilala muna sila, Randy-boy." "Oo, naman, mas magandang paglapitin muna natin sila." Pumayag naman si Chrollo na umuwi muna sa Pilipinas. Nang makauwi sila sa Pilipinas, siya na ang nagiging assistant ng daddy niya sa pamamalakad ng kanilang kumpanya. Doon niya nakilala si Amery Laurente na isang modelo sa isang kilalang brand ng damit. "Damn, she is very beautiful," wika ni Chrollo sa kaniyang sarili. Nilapitan ni Chrollo si Amery at hindi naglaon ay niligawan niya ang dalaga. Naging magkasintahan sila at kahit napakaarte ni Amery, mahal na mahal siya ni Chrollo. "Babe, when are we going to your mansion?" tanong ni Amery sa kaniya. "Tomorrow babe, I promise..." saad niya sa dalaga. Pumunta sila sa mansion at sa unang pagkakita pa lang ni Don Rupert ay hindi na niya nagugustuhan ang dalaga para sa anak. Hindi rin pinansin ni Erylle na mommy ni Chrollo ang dinalang dalaga ng binata sa kanilang mansion. Nang makauwi si Amery, kinausap nila si Chrollo. "Hindi ko siya gusto para sa iyo, Chrollo," seryosong tugon ni Don Rupert sa kaniyang anak. Umupo si Chrollo sa sofa. "Lahat naman dad, at mom, ayaw ninyo para sa akin. I love Amery at siya ang pakakasalan ko dad!" "Kung gusto mo rin siyang pakasalan, mas mabuti pang wala ka nang mamanahin sa akin. Pinag-usapan na natin ito, Chrollo at isang mabuting babae ang nakalaan para sa iyo!" Tumayo si Chrollo sa kaniyang kinauupuan at sinagot nito ang kaniyang daddy. "Ano dad?! 'Yong babaeng nagngangalang Daisy na naman?! Anak ng kaibigan mo ang gusto mong ipakasal sa akin?! Are you insane dad?! Ni hindi ko pa nakikita ang mukha nang babaeng iyon!" Sinuntok ni Don Rupert ang kaniyang anak. "Ano ang gusto mo? Ang babaeng maarte na iyon na halos ibalandra ang katawan niya sa mga magazine? Are you out of your mind?" "No, dad. I love Amery at hindi matutupad ang gusto ni'yo para sa akin. I have my own life, dad!" "Sige, kung magmamatigas ka. Wala kang makukuha sa akin ni piso, Chrollo. Mamayang gabi, makikilala mo na si Daisy! at wala ka nang magagawa sa gusto ko!" Napaupo sa sahig sa Chrollo at ayaw nitong maghirap siya at wala siyang mamanahin sa kaniyang ama. Kinabukasan ay naganap na nga ang pagpapakilala ni Rupert kay Daisy at kasama nito ang pamilya niya. Ayaw man ni Daisy subalit ginagawa niya ito para hindi magalit ang kaniyang ama. Nagulat si Daisy dahil hindi niya akalaing napakaguwapo pala ni Chrollo. Nagulat din si Chrollo na mas maganda si Daisy kumpara kay Amery. Pero ang minamahal ng binata ay ang kaniyang kasintahan. "This my son, Chrollo," pagpapakilala ni Don Rupert sa kaniyang anak. Ngumiti naman si Randy at nakipag-shake hand ito sa binata. "Heto pala ang anak ko, si Daisy." Nagtinginan ang dalawa at napag-usapan na nila kung kailan gaganapin ang kasal. Sa susunod na taon pa sana nila gagawin ang ganitong desisyon subalit naging matigas ang ulo ni Chrollo sa kaniyang mga magulang. Nagkaroon na rin ng engagement party at pagkatapos ng party pinuntahan ni Chrollo si Amery. "B-Babe--" humihikbing tawag ni Chrollo sa kaniya. Biglang sinampal ni Amery si Chrollo. "Ang sinabi mo sa akin na mahal mo ako? Tapos mababalitaan kong magpapakasal ka lang sa isang hamak na sekretarya ng cheap na kumpanya?" Niyakap ni Chrollo si Amery. "Hindi ko kagustuhan iyon, Amery! I love you." "Ano ang gagawin mo ngayon? Magpapakasal ka na? siyempre ano pa ba ang magiging role ko?!" Hindi kumibo si Chrollo at nag-isip siya ng paraan. "Sige ganito, magpapakasal ako kay Daisy bilang kagustuhan ni daddy. Pero sana manatili tayong magkarelasyon. Once na nakuha ko ang kumpanya, magfa-file ako ng divorce para magkasama na tayo. Isipin mo na lang na ginagawa ko ito para sa'yo, Amery." Kahit masakit sa loob niya pumayag na ang dalaga sa kagustuhan ng binata. "I love you babe. Magiging maayos din ang lahat," saad ni Amery at saka niya hinalikan sa labi si Chrollo. "I love you too, babe. Please trust me to my plan," at saka niya mapusok na hinalikan sa labi ang kaniyang kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD