NAKAUPO si Julius sa bench at kapiling ang isang bote ng alak na hindi nila naubos ni Maurice kanina. Nakatapis pa rin siya ng tuwalya at nag-iisip ng magandang gawin. Balak lang naman sana niyang pagbigyan si Maurice sa gusto nitong mangyari. Subalit iba ang naging kinalabasan at malaking kasalanan ang nagawa niya. Nanlalamig si Julius sa natuklasan na para bang binuhusan siya ng napakalamig na tubig at nahimasmasan. Makailang ulit pa niyang nilakumos ang mukha sa pag-aakalang panaginip lamang ngunit totoo talagang nangyari at hindi iyon mabura. "Sino mag-aakalang v*rgin pa ang babaeng iyon?" sambit niyang mag-isa at tinungga ang alak na sinalin sa baso. Hindi siya makapaniwala na v*rgin pa si Maurice at siya pa ang nakakuha niyon. Ang buong akala niya ay kabit ito ng ninong niya. Nagk

