Chapter 7.2 - Jasmine's New Life.

1134 Words
Chapter 7.2 - Jasmine's New Life. Written By: CDLiNKPh Nang makarating sa Manila ay nagulat pa siya sa laki niyon at laki ng mga buildings. Para siyang isang tipikal na probinsyana sa ikinikilos niya. Doon kasi sa islang pinanggalingan nila ay puro kagubatan ang makikita mo. Ni walang kalsada at mga tindahan. Tila ba tago sa sibilisasyon. ---- NAPAPAILING na lang si Brandon sa kainosentehan ng mukha ng babae ay hindi mo aakalain na isa itong kriminal. Napakaganda ng ngiti nito... Hindi tuloy niya maiwasang hindi matitigan ang babae. Wala yatang lalaki ang hindi magkakagusto rito sa unang tingin. Nang biglang mapagawi ang tingin nito sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay namula nang husto ang mukha niya lalo na no'ng ngumiti sa kanya ang babae! Ano ba itong nangyayari sa kanya? Sa paglilibot nila sa Divisoria ay ibinili niya ito ng mga mumurahing damit na nagustuhan din naman nito. Nangupahan sila sa isang maliit na apartment doon at nagpakilala bilang mag-asawa. Hindi rin alam ni Brandon kung bakit iyon ang sinabi niya sa land lady samantalang maaari naman niyang sabihin na kapatid niya ang babae. But for some reason, parang ayaw niya na may ibang lalaki ang aaligid sa babae kapag nalaman ng iba na single ito. Isipin pa lang niya ay parang nagpupuyos na ang dibdib niya sa galit. Hindi rin naman nagreklamo ang babae at parang wala pang karea-reaksyon sa sinabi niya na mag-asawa sila. Parang ayos lang naman dito. Pagdating sa loob ay inayos na agad nila ang mga gamit nila. Mukha talaga silang mga bagong kasal sa mga ginagawa nila. Shit! Ano ba itong pumapasok sa isip niya? Kanina pa niyang pinagpapantasyahan ang babaeng ni hindi naman niya kilala. Hindi siya ganoong mag-isip, hindi siya malisyosong tao lalo na sa mga walang kamalay-malay na babae. Bukod doon, nang magkabangga ang kamay nila kanina ay biglang parang nag-init siya. Hindi pa siya nakaramdam ulit ng ganoon simula no'ng mamatay noon ang asawa niya. Hindi kaya iba na ang nararamdaman niya para sa babae? Ah, hindi pwede. Hindi siya pwedeng may maramdaman na kahit ano para sa babae lalo pa at hindi naman talaga niya alam kung ano ang pagkatao nito. Para siyang sumasabak sa gyera na walang sandata. Hindi siya pwedeng mainlove rito! Para maitago ang nararamdaman ay nagsungit siya. "Hindi ka ba talaga marunong makiramdam, ha?! Sa haba ng binyahe natin, hindi ka man lang makaisip magluto? Nakikitira ka lang dito sa poder ko kaya dapat kumikilos ka rin! Pumunta ka sa kusina ngayon din. Magsaing ka!" Singhal niya rito. Para namang natakot ito at agad na kinuha ang bigas na iniabot niya. Nakahinga siya ng maluwang ng umalis na ito. Kailangang makaisip na siya ng paraan para mailayo ito sa landas niya. Hindi kasi niya nagugustuhan ang mga nagiging reaksyon ng katawan niya sa tuwing malapit ito sa kanya. Ang pag-uutos dito na magsaing at magluto ay isa palang pagkakamali dahil sinunog lang nito iyon! Naabutan pa niya na hindi lang ang pagkain ang nasusunog nito kung hindi ang mismong kawali na! Natataranta na pinatay niya ang kalan at binuhusan pa iyon ng tubig para hindi kumalat ang apoy! "Ginagalit mo ba talaga ako?! Ano'ng ginawa mo rito? Sinaing at itlog na nga lang, nasunog mo pa?! Ganyan ba talaga kapag nagkaka-amnesia? Nagiging tanga na rin?!" Hindi niya mapigilang hindi mapasigaw. Kung natuloy ang sunog ay sila pa ang mananagot sa lugar na iyon lalo pa at nangungupahan lang naman sila. Marahil ay nasaktan ito kaya umiyak ito. Natuliro na naman siya. Weakness talaga niya ang mga babaeng umiiyak sa harap niya. Sa isang iglap, para bang naglaho ang galit sa dibdib niya at napalitan iyon ng pagkaawa. Parang mas siya pa ang nasasaktan na nakikita niyang umiiyak ang babae. Mukhang hindi na talaga normal ang nararamdaman niya. To think na wala pang isang linggo na magkasama sila. Inalo niya ito, pilit naman nitong itinatago ang mukha mula sa kanya. "Sorry na. Huwag ka nang umiyak, pwede?" Namumulang sabi niya. "Alam ko naman na may sakit ako pero hindi mo naman ako kailangang sabihang tanga!" sabi pa nito sa pagitan ng pag-iyak. "Oo alam ko, mali ako. Sorry na. Huwag ka na kasing magalit, nabigla lang ako. Alam ko nang hindi kita dapat sinabihang gano'n kaya pinagsisisihan ko na ang ginawa ko. Bati na tayo, okay? Ako na lang ulit ang magluluto kaya umupo ka na roon." Kahit siya ay nagulat sa lumabas sa bibig niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay humingi siya ng tawad sa isang tao. "Talaga?" Parang bumukas ang pinto ng langit para sa kanya nang ngumti na ito. "Yeah, kaya huwag ka nang umiyak. Papanget ka kapag umiyak ka pa riyan na parang bata." Nagbigay na siya ng isang mabait na ngiti rito. Sumunod na ang babae sa kanya at siya na nga ang nagluto para rito. Nasiyahan siya nang purihin nito ang luto niya kahit sanay na naman siyang napupuri. Samantalang sa ibang tao ay parang balewala lang naman sa kanya kapag pinupuri siya. Ano bang mayroon ang babaeng ito at napapasaya siya nito sa mga maliliit na bagay lang? Kinakabahan na siya sa naiisip niya. Hindi niya gustong isipin pero iyon lang ang nakikita niyang dahilan sa mga nararamdaman niya. Mukhang nagkakagusto na talaga siya sa babaeng ito na hindi naman niya kilala. "Alam mo naman siguro na ang pagkakakilala nila sa atin ngayon ay mag-asawa tayo hindi ba?" Bukas niya nang usapan. Namula naman ito sa sinabi niya. Lihim siyang kinilig sa nakita. Sa panahon ngayon ay mayroon pa palang babaeng nagba-blush. Ipinaliwanag niya rito ang mga impormasyon na sasabihin nito sa mga magtatanong dito tungkol sa pagiging 'mag-asawa' nila. Nakinig naman ito sa mga sinabi niya. "Ang pangalan ko ay Brandon." "Alam ko na. Narinig ko na sinabi ni Mang Nestor ng ilang ulit ang pangalan mo, Brandon," sambit nito sa pangalan niya. Muli ay naroon na naman ang pagkasiya niya nang banggitin nito ang pangalan niya. Parang iyon na yata ang narinig niyang pinaka-espesyal na salita sa buong buhay niya. Ibang-iba sa pandinig kapag nanggaling ang tawag ng pangalan sa babaeng gusto mo. Wait! Babaeng gusto niya? Talaga bang inaamin na niya sa sarili niya na gusto nga niya ang babaeng ito na malaki ang ngiti sa kanya ngayon? " Siya nga pala, Brandon, e ako, ano naman ang magiging pangalan ko?" Biglang tanong nito. "Jasmine. Simula ngayon ay iyon na ang itatawag sa 'yo ng lahat." Bigla na lang iyong lumabas sa bibig niya. Hindi niya alam kung bakit ibinigay niya ang pangalan ng kanyang namayapang asawa sa babae. Ngumiti ito. "Jasmine? Maganda. Sige, iyon na lang," inosenteng sabi ng babae. Iyon na ang umpisa ng pagbabago ng buhay ni Brandon. Buhay na magiging makulay dahil sa pagdating ni Jasmine sa buhay niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD