CHAPTER 8.1: Jasmine’s Rival In Love.

3239 Words
CHAPTER 8.1: Jasmine’s Rival In Love. Written By CDLiNKPh Unti-unting nagdilat ng mga mata si Wesley na ang unang pumasok sa isipan ay ang hanapin si Amber. Pero sa halip na si Amber ay ang kaibigan nito na si Reina ang nakita niya. Umaliwalas ang mukha ng babae at tinulungan siya nitong umupo sa kama. Doon nailibot ni Wesley ang paningin sa paligid. Purong puti ang kulay ng kwartong iyon at may nakadikit na santo sa pader na napapaligiran din ng rosary. Walang duda. Nasa St. Phoenix Hospital siya. Doon na bumalik sa isipan niya ang mga nangyari. Ang sumabog na barko. Ang paghihiwalay nila ng hawak ni Amber habang lumulubog na iyon. Pinilit niyang lumangoy para sagipin si Amber pero natangay na ito nang malakas na alon ng dagat kaya hindi niya ito nailigtas. “Nasaan si Amber? Nasaan ang asawa ko?!” Halos mataranta siya sa pagtatanong. Marahil ay natuliro si Reina sa naging reaksyon niya kaya naman tinawag pa nito sina June at Gypsy. “Hindi pa nakikita si Amber. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin siya ng mga rescuer," mahinahong sagot ni Gypsy. “Bakit hindi pa sya nakikita? Ilang araw ba akong natulog? Paano na lang kung napunta sa isang mapanganib na isla ang asawa ko? Ginagawa ba nila ng maayos ang trabaho nila? Hindi sila dapat tumitigil sa paghahanap kay Amber!" Ni hindi na naiisip pa ni Wesley ang sarili niyang kalagayan. Wala siyang ibang gustong gawin ngayon kundi ang hanapin lang si Amber. Kung maaari nga lang sana na siya na mismo ang maghanap dito ay ginawa na niya. "Relax. Hindi ka pa malakas para mag-alala ng sobra-sobra sa kanya. We're worried about her too but you need to be strong first in order to find her," sabi naman ni June. "Paano ko magagawang magpakalma sa ospital na ito kung alam ko na maaaring nasa panganib ngayon ang asawa ko?! Paano kong magagawang magpagaling habang siya ay maaaring naghihirap kung nasaan man siya ngayon?!" Tuluyan nang tila nagwala si Wesley. Pinipilit niya na alisin ang mga nakakabit na aparato sa katawan niya pero pinipigilan naman siya ng mga babaeng nasa paligid niya. Hanggang sa tumawag na ng mga nurse at doktor sina Gypsy at Reina. Tinurukan siya ng mga ito ng pampakalma na agad nang nakapagpalabo ng mga mata niya. Alam niya na sinadya siyang patulugin ng mga ito para hindi na siya magwala. Wait for me, Amber. I'll come to you wherever you are. I will save you... Iyon na lang ang tanging naibulong ng puso ni Wesley hanggang unti-unti na siyang nawalan ng malay at tuluyan nang nakatulog. "KAWAWA naman si Wesley. He's really worried about, Amber. Ni wala na siyang pakialam sa sarili niyang kalagayan, basta makita niya lang ang asawa niya." Halos maantig ang puso ni Reina habang tinitingnan si Wesley. Kahit sa pagtulog nito ay binubulong nito ang pangalan ni Amber. Nilalamon siya ng kunsensya niya. May alam siya sa may kagagawan kung bakit nawala si Amber pero hindi siya pwedeng magsalita dahil alam niya na siya at ang pamilya naman niya ang mapapahawak. Kilala niya si Jared. Nagawa nitong pasabugin ang isang barko kung saan maraming tao ang nadamay dahil sa ginawa nito kaya hindi na siya nagdududa na makakaya rin nito na ipapatay siya kapag nagsalita siya. “Ayoko mang sabihin ito pero may posibilidad na patay na si Amber,” cold na sabi ni June. “June! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Syempre buhay si Amber! Buhay ang kaibigan natin," saway ni Gypsy dito. “Sana nga, Gypsy, pero mas maliit ang chance na makakaligtas pa siya nang dahil sa nangyari sa kanya. Nasa malalim na silang bahagi ng dagat nang maganap ang aksidente. Bukod doon ay ilang linggo na rin siyang nawawala. Ang mga ibang natagpuan sa dagat na gano'n ang itinagal ay nagsimatayan na. Kung hindi man siya nalunod sa dagat ay may posibilidad naman na kinain na siya ng mga pating. Isang himala na lang talaga ang makapagliligtas sa kanya," muling sabi ni June. “Bakit ka ba ganyang magsalita? Talaga bang kaibigan ka ni Amber? O baka naman hanggang ngayon ay may galit ka pa rin sa kanya dahil siya ang naging dahilan sa pagkamatay noon ni Brent? Tell me honestly, gusto mo ba mawala na lang talaga si Amber?" Nagpanting na ang tenga ni Gypsy sa kanegahan ni June. “Huwag na huwag mong huhusgahan ang pagiging kaibigan ko kay Amber. I‟m just being realistic. Sinasabi ko lang ang mga possibilities na maaaring nangyari kay Amber. Nakikita mo naman ngayon si Wesley, hindi ba?! Almost one week siyang walang malay at bukod doon ay may mga injury pa siyang natamo sa katawan. What more pa kaya si Amber na isang linggo nang hindi nakikita? Aaminin ko na nagkaroon ako ng sama ng loob kay Amber noon pero nawala na iyon nang makita ko kung paano niyang pinagsisihan ang nangyari kay Brent. Mahal ko si Amber bilang kaibigan kaya wala kang karapatan para husgahan ako!” Nagalit na rin si June. Natamaan ang ego nito sa pagbibintang ni Gypsy. Natameme naman si Gypsy sa naging reaksyon ni June. Saka maya-maya ay napabuntong-hininga. "I'm sorry, June. I didn't mean to offend you. I'm just really worried about our friend at gusto ko lang magkaroon ng kahit kaunting pag-asa na sana ay buhay pa siya. Pero mali ako na pinagdudahan ko ang pagiging kaibigan mo sa kanya. I'm sorry..." mapagkumbabang sabi ni Gypsy. Bumuntong-hininga na lang din si June at naupo sa isang sofa na naroon. "We are all worried about her at sorry din na ganito ako kanegative. Ayaw ko lang na umasa tayong lahat sa wala. Mas masasaktan lang kayo kapag ganon, e," sabi naman ni June. "Girls, maigi pa siguro kung huwag na tayong magsisihan pa. Let's just pray for her. Ipagdasal natin na sana ay buhay pa ang kaibigan natin at kung saan man siya naroroon ngayon ay sana, nasa mabuti siyang kalagayan." Iyon na lang ang sinabi ni Reina sa dalawa at nanahimik na rin ang mga ito. Sa totoo lang, kung mayroon mang pinakanag-aalala sa nangyari ay siya na iyon. Kinakain siya ng kunsensya niya na wala siyang magawa para mabigyan ng katarungan ang lahat ng namatay at si Amber mismo. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag mayroong nangyaring masama sa kaibigan niya. LUMIPAS PA ANG DALAWANG LINGGO. Mag-iilang linggo na si Jasmine sa poder ni Brandon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagiging close. Kadalasan kasi ay palaging wala ang lalaki at gabi na ito palaging umuuwi at siya naman ang tulog na no'n. Kapag umaga naman ay hindi na rin niya ito naabutan dahil alas kwatro pa lang ng umaga ay umaalis na ito. Nang hapong iyon ay wala na naman siyang magawa. Tapos na niyang gawin ang lahat ng mga gawaing bahay kaya nakatunganga na naman siya. Hindi niya alam kung bakit biglang naisip na lang niya si Brandon. Madalas ay napapaginipan din niya ito. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung bakit kapag nakikita niya ito ay lumalakas ang t***k ng puso niya, lalo na kapag nasa malapit lang ito. Hindi kaya gusto na niya si Brandon? Napailing siya. Paano naman niyang magugustuhan ang lalaki kung halos hindi naman niya nakikita ang mukha nito? Paano ba naman kasi, long hair ang lalaki. Makapal at mahaba pa ang bigote nito kaya halos natatakpan na ang mukha nito. Ang kilay nito ay makapal din kaya kadalasan ay natatakot siyang tumingin dito dahil para bang lulununin na agad siya nito ng buhay. Palagi nga rin siya nitong sinisigawan at ni hindi pa yata niya ito nakikitang tumawa. Palagi na lang itong nakasimangot at para bang galit sa mundo. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay tila may weird pa rin siyang nararamdaman para rito. Ang weird lang na kahit mukhang hindi ito naliligo dahil puno ito ng balbas sa katawan ay parang magandang lalaki pa rin ito sa paningin niya. Maganda ang tindig nito at lalaking-lalaki itong tingnan kahit pa sobrang puti rin nito. At ang asul na mga mata nito na para bang dagat kung tingnan ay napakasarap titigan. Ang ganda ng mga matang iyon ang isang bagay na hindi nito maitatago kahit pa mabalutan ito ng makakapal na bigote sa katawan. Sa tuwing napapatingin siya sa mga mata nito ay para bang nangungusap iyon at hinihila ang kaluluwa niya palayo sa katawan niya. Kahit bugnutin ang lalaki ay nakikita pa rin niya sa kilos nito na maprinsipyo itong tao at responsableng lalaki. Ni hindi siya nito pinagtangkaan na galawin kahit nasa iisang bahay lang naman sila. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa iyon dahil pakiramdam niya kung minsan ay para bang hindi siya nito gusto kaya hindi ito nagnananasa sa kanya. Tila ba isa na itong yelo na hindi nakakaramdam ng kahit kaunting pagkakagusto sa isang magandang babaeng katulad niya. Yeah, alam naman niya na maganda siya dahil may salamin naman doon. Pero alam din naman niya na balewala lang ang ganda na iyon dahil isa siyang kriminal na ni walang naaalalang kahit na ano. Ang pagiging kriminal pa lang niya ay sapat na para maturn off sa kanya ang kahit na sinumang lalaki na makakaalam ng sikreto niyang iyon. Who knows? Baka nakapatay pa siya ng mga tao noong nasa katinuan pa siya ng pag-iisip niya. Sa naisip niya ay para bang natakot siya sa sarili niya. Maaaring malala talaga ang krimen na ginawa niya dahil sa Isla de Sera pa talaga siya sa nakulong. Isang espesyal na kulungan para sa isang kriminal na tila hindi na masolusyunan ng gobyerno ang kaso. Tama. Alam ni Brandon kung ano siya kaya mas imposible pa kaysa sa pagputi ng uwak na magustuhan siya nito. Bukod doon ay parang kalabisan na rin na magkagusto pa siya rito dahil kinupkop na nga siya nito kahit labag sa loob nito ay pagnanasaan pa niya ito? Kung anuman ang nararamdaman niya para kay Brandon ay dapat na kalimutan na lang niya. Halata naman niyang hindi siya nito gusto at napipilitan lang itong kasama siya dahil sa pakiusap ng kaibigan nitong matanda. Ayaw sa kanya ni Brandon at base iyon sa mga ipinapakita nito sa kanya. Kung tutuusin, para nga silang hindi magkasama sa bahay na iyon kahit pa nga sa iisang kwarto lang silang natutulog dahil hindi naman siya nito pinapansin. Magkatabi rin sila sa kama kung matulog pero tinatalikuran lang siya nito. Kung hindi siya gusto ni Brandon ay dapat na hindi rin niya ito magustuhan. Kailangan niyang bantayan ang puso niya. Besides, baka kaya lang siya ganoon ay dahil si Brandon lang ang tanging lalaking nakakasama niya. Maliit lang ang mundo niya sa lugar na iyon dahil hindi rin naman siya lumalabas dahil sa takot niyang mawala o kaya baka makilala siya ng mga pulis. Tama. Iyon lang iyon. For her, Brandon is her saviour at ito lang ang nakakasama niya kaya feeling niya ay may gusto na siya rito. Napaigtad siya nang makarinig ng katok sa pintuan. Awtomatikong nawala sa isipan niya iyong mga ini-imagine niya at agad na siyang tumayo mula sa lamesa para pagbuksan ang kumakatok doon. “Surprise!” sabi ng isang mataba at maitim na babae. Ngunit pagkakita nito at ng kasama nitong lalaki sa kanya ay para bang gulat na gulat na napanganga ang mga ito! “Sino ka?!” Sabay pang tanong ng mga ito sa kanya. Bigla naman siyang naguluhan. “A-ah, k-kuwan. A-ako si J-Jasmine,” sabi niya sa kawalan ng masabi. “Hindi iyon ang ibig naming sabihin. Ano ka ni Brandon?” Muling tanong ng maitim na babae. “H-ha? A, e, a-asawa niya ako,” nahihiyang sagot niya. Maya-maya ay bigla na lang tumawa ng malakas ang babae “Tingnan mo nga naman si Brandon, uh-oh, bigla-bigla na lang nag-aasawa na hindi man lang kami sinasabihan. Dapat yata na magtampo kami sa kanya dahil hindi man lang niya kami ininvite sa kasal ninyo. By the way, I‟m Monique, and this is Corbin. Mga kaibigan kami ni Brandon,” pagpapakilala ng babae. Nakipagkamay at kiming ngumiti naman siya sa mga ito. “Nasaan nga pala si Brandon? Mukhang mag-isa ka lang dito, e. Don't tell me na nagtatrabaho na naman siya? Mukhang masyado siyang nagpapakadalubhasa sa pagiging mekaniko niya, a? Disoras na ng gabi ay hindi ka pa inuuwian. Ano ba namang klaseng asawa iyon?" napapailing na sabi ni Monique. Kahit na mukhang prangka si Monique ay sa tingin niya ay magkakasundo sila nito. Mukhang mabait pa rin naman kasi ito. "Nandito pa naman sana kami para sunduin siya dahil naghanda kami ng party para sa birthday niya. Pero mukhang wala talagang interes na mag-celebrate ang lalaking iyon," sabi naman ni Corbin. Katulad ni Monique ay may kaitiman din ito. Aphro style din ang buhok nito pero may kagwapuhan pa rin. “Birthday niya?” Nasabi niya. Halatang nagulat naman ang mga ito na hindi niya alam ang birthday ni Brandon. “Hindi mo alam ang birthday ng asawa mo?” Napakamot siya sa ulo. Dapat ba siyang magsinungaling na nakalimutan lang niya? “Whatever. Mabuti pa siguro kung sumama ka na lang sa amin sa bar. Pasusunurin na lang namin doon si Brandon. Let's go.” Iyon lang at sabay na siyang hinila ng dalawa Wala na siyang nagawa kundi ang sumama na lang. Mukha namang mabait ang dalawa at gusto na rin naman niyang may puntahang iba bukod sa bahay kaya sumunod na lang siya. Dinala siya ng dalawa sa isang bar. Pagdating nila roon ay marami ng mga tao. Karamihan ay mga nasa middle twenties na. Hindi alam ni Jasmine pero para bang normal na para sa kanya ang ingay ng bar. Para sa isang babaeng walang naaalala katulad niya na ang Isla de Sera ang unang nasilayan ay dapat na namamangha siya sa lugar na ito. Pero hindi... Para bang gusto niya ang ingay, amoy ng alak at nakakasilaw na ilaw sa paligid. Weird. Para bang bahagi ng dating siya ang mga bar katulad nito... NATARANTA SI Brandon nang hindi matagpuan si Jasmine sa bahay nila. Hinanap niya ito kahit pa sa labas na ng bahay pero kahit saan siyang magpunta ay wala talaga ito. Naiinis na napaupo na lamang siya sa maliit na silyang naroon at naisabunot niya ang sarili sa buhok niya habang nakapatong ang siko niya sa lamesa. Iniwan na ba siya ni Jasmine? Nalaman na ba nito kung sino ito kaya umalis na lang bigla na hindi man lang nagpapaalam. To think na may nakakapa na siyang kung ano sa dibdib niya para rito. Yes, he think that he is falling in love with her. Masyadong mabilis pero nararamdaman na agad niya iyon sa puso niya and he hates to admit it kaya madalas ay itinataboy niya ito palayo. Kung minsan nga ay sinisigawan pa niya ito kapag nako-confuse siya sa sobrang bilis ng pagtakbo ng puso niya kapag malapit lang ito. Sinasabi na nga ba niya at tama lang ang ginagawa niyang pagpipigil sa nararamdaman niya. Iiwan din naman siya nito kahit ano pa man ang mangyari. Nang bigla na lamang siyang napapitlag nang marinig ang cellphone niyang 3210 na tumutunog. Dati pa sa kanya ang cellphone na iyon at classic na nga kung tawagin ng iba pero gumagana pa rin naman. Ganoon siya kaingat sa gamit. "Kasama namin ang asawa mo. Maglabas ka ng sampung milyon ngayon din kung ayaw mong may mangyaring masama sa kanya!" sabi ng tinig sa kabilang linya. "Shut up, Corbin! Nasaan kayo?" Natatawa lang na tanong niya nang mabosesan ang kaibigan. Pakiramdam niya ay bigla siyang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil kasama pala ng mga ito si Jasmine. "Nandito kami sa bar. Pinuntahan ka namin sa bago mong tinitirhan kanina pero wala ka naman diyan kaya ang asawa mo na lang ang tinangay namin. Huwag ka nang umiyak dahil hindi pa naman sumasama sa ibang lalaki ang asawa mo. Si Monique ang kasama niya. Unless na lang kung itinuturing mo pang karibal kahit ang isang babae," panunukso ni Corbin. "Corbin!" "Huwag ka nang magdeny. Hindi na ako magtataka na nainlove ka sa kanya. She's so damn hot, man! Saan mo nabingwit ang babaeng iyon? Buti pinatulan ka!" pang-aasar pa ni Corbin. "Stop teasing me, Corbin. She's not really my wife. Alam mo na nawalan na ako ng kakayahang magmahal simula nang mamatay ang asawa ko." Nag-umpisa nang sumeryoso ang tinig niya. Alam naman niya na mula sa kabilang linya ay napabuntong-hininga rin si Corbin. "Sinasabi ko na nga ba, e at may hindi tama. Kung ganoon ay nagsisinungaling lang ang babaeng iyon?" Tanong nito. Doon na niya ikinuwento ang lahat kay Corbin. He is his bestfriend after all. He can read his mind like a book kaya non sense din kung magsisinungaling siya rito. “Kung gano'n ay isa siyang kriminal?!” Bulalas nito matapos niyang sabihin kung sino talaga si Jasmine. "Yes she is." “Pero masyado siyang maganda para maging isang kriminal lang. Kung sasabihin mo pa na beauty queen siya ay maniniwala pa ako," bulalas nito. "Walang pinipiling itsura ang paggawa ng masama, Corbin," pangaral niya rito. "Kung ganoon ay bakit kinupkop mo pa siya, Brandon? She's dangerous! Baka mamaya ay bigla ka na lang gitlian ng leeg niyan kapag bigla na lang nakaalala kung sino siya. Isa pa, kailangan niyang pagbayaran ang mga naging kasalanan niya.” "I love her," maikling sabi niya. Muli na namang natigilan mula sa kabilang linya si Corbin. "I tried so hard to stop this feelings but I just can't do it. It may even be a love at first sight. Weird. Ni hindi ako naniniwala sa ganoon dati but it happens to me. I don't wanna lose her. I don't want her to go back there. Ikaw na rin ang nagsabi, she's too beautiful to be a criminal. Tama lang ang sinabi ni Mang Nestor, mapapahamak lang siya kapag ibinalik ko pa siya sa Isla De Sera and I won't let that happen to her. I'm going to protect her no matter what happens," pinal nang sabi niya. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay tila ba lumuwag ang dibdib niya dahil sa wakas ay naamin na rin niya sa sarili niya na mahal na nga niya si Jasmine. "Fine. Protektahan mo siya kung gusto mo but never tell her how you feel, Brandon. If she finds out, ikaw lang ang masasaktan sa bandang huli. Always remember that she have an amnesia, baka nga may asawa na siya at hindi lang natin alam. It's okay to love her but don't forget to protect yourself too. You are my bestfriend, Brandon at hindi ko mapapatawad ang babaeng iyon kapag may ginawa siyang masama sa 'yo," seryosong sabi ni Corbin. Napangiti siya sa pag-aalala ng kaibigan. "Yes, I know, Corbin. I won't let my guard down," pangako niya. "Good. Ano pa ang hinihintay mo? Pumunta ka na rito at baka dungawin na ng mga langaw na lalaki ang asawa mo. She's like a princess kaya hindi na ako magtataka kung magkaroon ka ng maraming karibal sa kanya. Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa at puntahan mo na siya rito!" Tumawa pa si Corbin. Iyon lang at tumayo na siya para mag-ayos ng sarili. Today is his birthday and this night will be memorable. Lalo pa ngayon na natanggap na niya sa sarili niya na mahal niya na si Jasmine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD