CHAPTER 10: Lovely Twins.

2606 Words
CHAPTER 10: Lovely Twins. Written By: CDLiNKPh DAHIL na rin sa pagbabawal ni Brandon ay hindi na ulit tumapak pa sa theater si Jasmine. Nanghihinayang siya dahil iyon na sana ang isang bagay na gusto niyang gawin na hindi mararamdaman na nagtatrabaho siya pero mas maigi na rin ang ganito kaysa naman si Brandon ang mawala sa kanya. Nakahanap din siya sa wakas ng trabaho bilang isang katulong. Natanggap siya roon ng mabilis at hindi na nagtanong o naghanap ng kung ano-ano'ng requirements dahil kailangang-kailangan daw talaga ng maid doon. May kaya ang pamilya na pinasukan niya pero nag-iisa lang siyang maid. Maliit din ang sahod, kaya siguro mabilis siyang nakapasok. Wala naman kasing ibang maid ang gustong pumasok sa ganoon kaliit na sahod kung all around maid ka na. Labendera, gardinera, kusinera, tagalinis at mag-aalaga ka pa ng dalawang kambal na lalaki na ubod ng kulit. Parehas na siyam na taong gulang pa lang ang anak na kambal ng mag-asawang chinese na pinapasukan niya kaya nasa kasagsagan pa ng kakulitan. Sa totoo lang, sumasakit na nga ang ulo niya sa dalawa dahil kung saan-saan na lang nagsusuot ang mga ito kahit ano pa ang pangaral na sabihin niya. Bully pa ang mga ito at hindi siya ginagalang kahit kung tutuusin ay parang ate na siya ng mga ito o isang batang nanay. Hindi na siya nagtataka kung bakit maraming katulong na ang umalis sa bahay na iyon. Sinukuan ng mga ito ang mismong trabaho at ang alaga ng mga ito. Pero syempre, naghihirap na nga sila ni Brandon ay hindi pa ba siya tutulong? Binenta na nga nito ang maliit na ref nila para lang may makain sila. Nang araw na iyon ay maagang natapos ang mga gawain niya. Natapos na rin ang shift niya kaya paalis na sana siya nang biglang makiusap ang mag-asawa sa kanya na kung maaari ay doon na lang daw muna siya matulog sa bahay dahil wala raw magbabantay sa mga bata. "Naku, pasensya na po. Hindi po kasi ako pwedeng mag-OT dahil walang mag-aasikaso sa asawa ko pag-uwi niya. Saka ayaw niya rin po akong mag-i-stay in kaya hindi po talaga pwedeng hindi ako umalis ngayon," pagtanggi niya sa mag-isa. "Grabe ka naman na katulong ka. Mahalagang business meeting ang pupuntahan namin at hindi pwedeng parehas na wala kami roon. Dodoblehin naman namin ang sahod mo, ano pa bang irereklamo mo?" Masungit na sabi ng babae niyang amo. "Naiintindihan ko naman po kayo pero wala na po kasi akong load. Hindi ako makakapagpaalam sa asawa ko na hindi ako makakauwi ngayon. Putol naman po ang telepono sa loob. Unless na lang po kung pahihiramin ninyo ako ng cellphone kahit saglit para po matawagan ang asawa--" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla na lang tumunog ang cellphone ng amo niyang lalaki. "Yeah, we'll be there in 20 minutes. Please bear with us, Mr. Park," sabi ng lalaki sa cellphone nito. "Kailangan na nating umalis, honey. Aalis na sa restaurant si Mr. Park, mawawalan na tayo ng chance na maabutan siya dahil papaalis na siya papuntang Macau. Ito na ang huling pagkakataon na pwede tayong makiusap sa kanya para mag-invest sa company natin," worried na sabi ng amo niyang lalaki. Bigla siyang tiningnan ng mag-asawa. "Wala na kaming oras para hayaan ka pa na magpaalam sa asawa mo kaya sa ayaw mo at sa gusto ay maiiwan ka rito!" Sabi ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Jasmine nang bigla na lang siyang hilahin ng mag-asawa pabalik sa loob ng bahay saka pabalya na itinulak papasok sa loob. Muntikan pa nga siyang mauntog kung hindi lang siya naout of balance! "Mrs and Mr. Chua, huwag naman po ninyong gawin sa akin ito, oh. Kailangan ko pa rin pong magpaalam sa asawa ko. Mag-aalala po siya kapag hindi ako nakauwi ngayong gabi. Please, pagamitin po ninyo ako ng cellphone. Kailangan ko lang siyang tawagan," pakiusap niya habang nilalock na ng mga ito ang gate! "Shut up! Alam mo ba ang magiging kapalit kapag hindi namin nakausap si Mr. Wesley Park ngayong gabi? Malulugi ang kumpanya namin! He is our only chance para maisalba ang papalubog na naming negosyo kaya kailangan mong maiwan dito!" Galit na pagsigaw na sa kanya ni Mr. Chua. Nanahimik na lang siya hanggang sa tuluyan nang makasakay ng kotse ang mag-asawa. Ngayon ay hindi na siya nagtataka kung bakit isang kotse na lang ang natira sa mga ito. Kung bakit wala pa sa mininum ang sahod niya roon at kung bakit putol ang landline at internet connection sa bahay na iyon. Iyon ay dahil naghihirap na pala talaga ang mga ito. Napabuntong-hininga siya nang makita ang nagagasgasan niyang siko dahil sa pagtulak ng dalawa sa kanya kanina. Dumudugo ng bahagya iyon. Bago pa lang siya sa trabaho na iyon pero sa tingin niya ay kailangan na niyang maghanap ng maipapalit kaagad. Kung ngayon pa lang ay nagawa na siyang saktan at ikulong sa bahay ng mag-asawa ay hindi malabong sa susunod ay baka mapatay pa siya ng mga ito. Natatakot siya sa kayang gawin ng dalawang iyon. "Hoy, panget! Gutom na kame!" Biglang lumabas sa pintuan ang dalawang magkambal na nasa siyam na taong gulang pa lang. Sina Mackoy at Buboy. Tinawag pa talaga siyang panget ng dalawa. Palibhasa kasi ay mga bata pa kaya hindi pa alam ang kaibahan ng pangit sa maganda. Naiinis man ay pilit niyang nginitian ang dalawa. Kahit nagmana ang dalawa sa magulang ng mga ito ay mga bata pa rin sila. Kailangang alagaan at kalingahin para hindi lumaki na masama ang ugali. "Ano ang gusto ninyong kainin mga bata?" Pasensyosang tanong niya sa dalawa. "Ikaw. Ikaw ang gusto naming kainin," walang anumang sabi ni Mackoy. Tumaas ang isang kilay niya. Ano bang sinasabi ng batang 'to? "Hindi naman ako pagkain, e. Ano ang kakainin ninyo sa akin?" natatawang sabi niya. "Bakit nakita namin si daddy na kinakain ang **ke ni mommy?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Buboy! Umakyat ang pamumula sa mukha niya kaya agad niyang sinaway si Buboy. "Hindi dapat nanonood sa mga ganoong bagay ang mga bata. Gusto ba ninyong magkaroon ng kulite, ha? Sige, kayo, lolobo ang mga mata ninyo na parang sa tarshier. Papanget kayo at magkakapangil!" pananakot niya sa mga bata na parang tinablan naman dahil nagkatinginan ang mga ito na parang natatakot. Hindi siya makapaniwala na ang mag-asawang Chua ay ganoon kalaswa para hayaang makita ng magkambal na nagse-s*x ang mga ito. "Ayaw na naman kumain! Nawalan na kami ng gana, Ms. Panget! Bleeehhh!!!" Inilabas pa ni Mackoy ang dila nito at sinungayan pa ang sarili para lang asarin siya. "Panget? Sino ang panget? Titirisin ko talaga kayong dalawa!" Umuusok na ang ilong na sabi niya saka akmang hahabulin ang mga ito pero nagtatawanan nang tumakbo palayo sa kanya ang dalawa. Napabuntong-hininga siya nang mawala na sa paningin niya ang dalawa. Pero nawala rin agad ang inis niya nang bumalik sa isipan niya iyong nang-aasar na mukha ni Mackoy kanina. Kahit salbaheng bata ang dalawa ay aminado siya na cute na bata ang dalawa. Maputi, singkit at may katabaan. For some reason, hindi niya magawang magalit sa dalawa kahit pa masama ang ugali ng mga magulang ng mga ito. Mapang-asar man ang dalawa pero hindi pa rin niya maiwasang hindi matuwa. Ganoon naman yata talaga ang mga bata. Makukulit talaga. Bigla niyang naisip si Brandon. Kasing cute rin kaya nina Mackoy at Buboy ang mga magiging anak nila pagdating ng araw? Bigla siyang pinamulahan ng mukha sa naisip niya. Ni hindi nga sila totoong mag-asawa ni Brandon pagkatapos ay nag-aambisyon pa siya ng anak. Isa pa, hindi naman siya sigurado sa nararamdaman ni Brandon para sa kanya. Alam niya na concern sa kanya ang lalaki dahil nararamdaman naman niya iyon pero hindi niya alam kung ang concern ba na iyon ay katulad din ng feelings niya para rito. Ayaw niyang mastress sa pag-iisip niya sa love life niya kaya naman umakyat na lang siya papunta sa kusina para magluto na. Nang makapagsaing at maluto na rin ang hotdog at itlog na niluto niya ay umakyat na siya para sunduin sina Buboy at Mackoy. Well, hotdog at itlog lang dahil paborito ng dalawa iyon. Isa pa, gabi na naman kaya ayos lang na simple lang ang niluto niya. "Buboy, Mackoy, kain na kayo. Luto na iyong paborito ninyo," sabi niya habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ng dalawa. Ayaw sumagot ng dalawa at nagtatawanan na lang kaya pumasok na lang siya ng diretso. Para lang manlaki ang mga mata nang makita na naglalaro ng paputok ang mga ito! "Bakit dito kayo sa loob ng kwarto naglalaro ng ganito? Saan ninyo ito nakuha, ha?!" galit na sabi niya na agad na pinatay ang super lolo na paputok bago pa man iyon tuluyang sumabog. "Nakita ko 'yan sa aparador ni daddy kaya kinuha ko. Bakit ka ba nangingialam? Katulong ka lang naman, ah!" Malditong reklamo ni Mackoy. "Gusto mo bang magkasunog dito sa loob ng bahay ninyo? Hindi laruan ito ng mga bata. Hindi ninyo dapat ginagalaw ang mga ganito!" Panenermon pa rin niya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi man lang nilock ng daddy ng mga ito ang mga paputok na iyon para masigurong hindi mapapakailaman ng mga bata. Alam niya na malapit na ang bagong taon kaya marami ng ganoon sina Mr. Chua pero dapat na itabi iyon sa hindi makukuha ng mga bata. Kanina lang ay nabanggit ni Mackoy na nahuhuli ng mga ito na gumagawa ng milagro sina Mr. and Mrs. Chua pagkatapos ngayon naman ay hindi iniisip ng mga ito ang kapakanan ng mga bata. Ano bang klaseng magulang ang dalawang iyon? "Ano naman ngayon kung magkasunog? Mas maigi pa siguro ang ganoon para mamatay na kami at pansinin naman kami nina mama at papa!" "Huwag mong sabihin 'yan!" Hindi na niya napigilan ang sarili at nasigawan na niya si Mackoy. Sa tingin niya ay sumusobra na ang ugali nito. "Hindi mo alam kung gaano karami ang mga taong nilalabanan ang mga sakit nila para lang mabuhay, Mackoy. Hindi mo dapat ginagawang biro ang kamatayan!" Seryoso na ang boses niya. Natigilan naman si Mackoy. Saka bigla itong nag-iwas ng tingin. "Nasasabi mo lang 'yan kasi hindi naman ikaw ang nasa kalagayan namin. Palagi na lang kaming iniiwanan nina mama at papa para lang magtrabaho. Inaasa nila kami sa mga katulong at hindi sila nakikipaglaro sa amin kahit na minsan," naghihinakit na sabi ni Mackoy. Siya naman ngayon ang natigilan sa sinabi ng bata. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit kahit wala siyang maalala ay tila alam niya ang pakiramdam na hindi ka pinahahalagahan ng magulang mo. At bata pa si Mackoy pero para na itong matanda kung magsalita. Ito ba ang dahilan kung bakit makukulit at salbahe ang mga batang ito? Dahil kulang sila sa pagmamahal? Bumuntong-hininga siya at saka malumanay nang magsalita. "Hindi man lang ba pumasok sa isip ninyo na kaya nagtatrabaho ang mga magulang ninyo ay para rin sa kinabukasan ninyo? Mahal nila kayo. Kung hindi ay hindi naman sila kukuha ng mag-aalaga sa inyo, hindi ba?" pagpapaintindi niya sa dalawa. "Hindi naman namin kailangan ng pera, e. Gusto lang namin ng mga magulang. Pero hindi namin nararamdaman iyon sa kanila," sabi naman ni Buboy na kung ikukumpara kay Mackoy ay mas malumanay kung magsalita. "Kaya nga ako nandito, hindi ba? Dahil kailangang magtrabaho ng mga magulang ninyo ay ako ang magiging pangalawang ina ninyo. Hindi ko kayo ituturing na iba, Buboy, Mackoy. Pero bilang ganti, gusto ko lang na sundin ninyo ang sinasabi ko dahil para rin sa ikabubuti ninyo iyon. Kahit ayaw pa ninyo ay mamahalin ko kayo na parang mga tunay na anak." Binigyan na niya ng isang matamis na ngiti ang mga bata. Napansin pa niya na sabay na namula ang pisngi ng dalawang bata saka nagkatinginan. "Huwag mo nga kaming utuin! Hindi kami katulad ng ibang bata riyan na madali utuin. Matatalino yata kami! Alam naman namin na gusto mo lang ng pera kaya ka mabait sa amin. Pero katulad ka rin ng ibang naging yaya namin! Sasaktan mo lang kami!" Salbahe pa ring sabi ni Mackoy. Bumuntong-hininga siya ulit. "I'm sorry kung nasigawan kita kanina Mackoy pero hindi ko naman ginustong gawin iyon. Pangako, kung magiging mabait ka lang, hindi na kita aawayin ulit. Pwede naman tayong magkasundo 'di ba?" Nginitian ulit niya ang bata na lalo lamang ikinapula ng mukha nito! "Ayoko sa 'yo! Sinungaling ka!" Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lamang siyang itinulak ni Mackoy. Naout of balance siya sa pagkakatayo kaya naman bigla na lamang nauntog ang ulo niya sa pader. Namalayan na lamang niya na unti-unti nang nagdilim ang paningin niya at nawalan na siya ng malay... ----- "HALA KA, Mackoy! Nawalan ng malay si Ate Jasmine. Ano'ng gagawin natin?" Naduduwag na sabi ni Buboy. Kinabahan naman siya ng makita na talagang wala na ngang malay ang maganda nilang maid. "Heh! Huwag ka ngang duwag! Magigising din siya mamaya! Umalis na tayo rito bago pa niya tayo maabutan. Paglaruan na natin itong mga paputok do'n sa baba. Marami pa roon sa bodega, nakita ko kanina!" Hinila na niya ang kakambal at pilit na itinago ang kaba na nararamdaman niya kanina. Bumaba na sila papunta sa bodega. Kinupit niya ang susi roon sa aparador ng daddy niya kanina kaya makakapasok sila. Doon sa bodega nakalagay ang karamihan ng mga reject na paputok mula sa pabrika ng daddy nila. "Nakakatakot naman dito, Mackoy. Ang dilim-dilim..." duwag na sabi ni Buboy na kapit na kapit sa laylayan ng damit niya habang naglalakad sila. "Para ka namang hindi lalaki kung umasta! Paano kang magkakagirlfriend niyan!?" Pagyayabang niya na akala mo ay matanda na kung magsalita. Hanggang sa makapasok na nga sila sa madilim na bodega. Nang buksan niya ang ilaw ay doon nga nakatago ang maraming paputok na galing sa pabrika na pagmamay-ari ng daddy nila. "Wow! Ang dami pala talaga rito, Mackoy!" Nauna pa si Buboy sa kanya sa pagpasok sa loob. “Sabi ko naman kasi sa 'yo, e," mayabang pa rin na sabi niya. "Pero 'di ba, reject ang mga paputok na nakatago rito? Baka magkasunog nga sabi ni Ate Jasmine," natatakot na namang sabi ni Buboy. "Tanga ka talaga kaya duwag ka! Syempre, hindi lahat ng narito ay reject, 'no! May ilan din dito na maayos pa naman pero naihalo sa mga reject na paputok kasi inaantok ang quality assurance sa pabrika nila. Marunong kaya ako tumingin ng mga reject sa hindi kasi tinuruan ako dati ni papa. Itatapon din nila ang mga narito kaya bago nila gawin iyon ay gamitin na natin ang iba, sayang naman!" sabi pa niya. "Sige na nga, sabi mo, e." Napakamot na lang sa ulo si Buboy. Nag-umpisa na silang maghanap ng mga matitino pang paputok sa bodegang iyon at marami-rami rin ang nakuha niya. "Sindihan mo na itong fountain, Buboy. Dali!" Excited na inabot niya kay Buboy ang nadampot niyang 'maayos' pang fountain. "Dito ba natin sisindihan? Sa labas na lang kaya?" Tanong ni Buboy. "E, nakakandado nga ang gate, paano tayo makakalabas? Okay na 'yan. Malawak naman itong bodego at mataas ang kisame kaya hindi maaabot ng fountain," pagmamarunong ni Mackoy. Ginawa naman ng nakababatang kambal ang utos ng nakakatandang kambal. Pero parehas na nanlaki ang mga mata ng dalawa nang bigla na lamang magloko ang direksyon ng fountain at hindi iyon pataas sumindi. Tumalsik ang ilaw niyon sa ibang mga delikadong paputok na naroon sa bodega! Mabuti na lamang at malapit lamang sila sa pintuan kaya nahila agad niya si Buboy palabas bago pa man tuluyang lumaki ang apoy mula sa loob!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD