CHAPTER 4: Regrets.

1397 Words
CHAPTER 4: Regrets. Written By: CDLiNKPh PINAGPAWISAN ng malamig si Amber nang makita niya ang tarpaulin ng funeral ni Brent sa labas ng bahay nito. May binuburol doon at si Brent iyon! Nanginginig man siya sa lungkot at nerbyos ay pinilit niyang pumasok sa loob para makita kung totoong si Brent nga ang nasa loob ng kabaong. At hindi siya nagkamali dahil naroon nga ang lalaki! "Brent... Bakit?" Bigla na lamang tumulo ang luha sa mga mata niya. Ang matayog na si Amber Lorigan ay biglang naputulan ng pakpak. Dahil narito sa harap niya ngayon ang bangkay ng ex-boyfriend niya. "Nagtatanong ka pa kung bakit? Ang kapal ng mukha mong magpunta pa rito! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko!" Bigla na lamang may sumigaw roon na isang may edad na babae. "Ano po'ng ibig ninyong sabihin?" Naguguluhan man at natatakot sa maaari niyang malaman ay nagtanong pa rin siya. "Ikaw ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay! Dahil pinaasa mo lang siya at pinaglaruan! Simula nang magkahiwalay sila ng girlfriend nila noon ay nagkaroon na ng suicidal tendecy ang anak ko. Iyon ang dahilan kung bakit tutol na akong makipag-girlfriend siya ulit. Pero dumating ka sa buhay niya at hinayaan niyang sa pangalawang pagkakataon ay magmahal siya ulit. Pero ano'ng ginawa mo? Pinagtabuyan mo siya at pinapagpalit sa ibang lalaki! Hindi ka pa nakuntento at grabe-grabeng pang-iinsulto pa ang ginawa mo sa kanya! Ano'ng klaseng babae ka? Wala kang kwenta!" Tigagal siya sa mga narinig mula sa matanda. Hindi... Siya ang dahilan kung bakit wala na ngayon si Brent? Kung ganoon ay tama lang ang sinabi ng mama nito. Napakasama niya! "Brent, bakit mo ginawa ito? Mabuti kang tao at minahal kita, maniwala ka! Hiniwalayan lang kita dahil natatakot na rin akong magmahal ulit. Alam ko na hindi ako naging mabuting babae para sa 'yo pero hindi mo kailangang patayin ang sarili mo. I'm sorry, Brent. I'm really sorry..." Tuloy-tuloy lamang ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Sinisisi niya ang sarili dahil alam niya na napakawalang kwenta niyang tao. Mabuting tao si Brent pero nagawa niya iyon dito. "Ano pang magagawa ng sorry mo? Wala na! Hindi mo ba alam na ngayong wala na si Brent ay wala nang tutulong sa akin na itaguyod ang mga kapatid niya? Siya lang ang tangi kong pag-asa pero kinuha mo siya! Gusto kong maging masaya ang anak ko kahit na alam kong hindi kayo nababagay para sa isa't-isa. Pero namatay lang siya nang dahil sa 'yo! Hinding-hindi kita mapapatawad! Sisiguraduhin ko sa 'yo na hindi magtatagal ay susunod ka rin sa anak ko dahil papatayin kitang babae ka!" Hindi na siya nakaalma nang bigla na lamang siyang sampalin at sabunutan ng nanay ni Brent. Dapat lang sa kanya ang masaktan dahil hindi rin niya ito masisisi. Anak nito ang nawala. Nawala dahil sa isang walang kwentang babaeng katulad niya. "Patawad... Patawarin ninyo po ako..." paulit-ulit niyang sabi pero nagmistulang bingi na lang ang nanay ni Brent at patuloy lang ito sa p*******t sa kanya. Hanggang sa may dumating na tulong sa kanya mula sa body guard niya na iniwan niya sa labas ng bahay. Agad siya nitong isinakay sa kotse at dinala na sa bahay. ----- SIMULA nang araw na iyon ay wala nang ginawa si Amber kung hindi ang magmukmok sa bahay. Iyak lang siya nang iyak at hindi makalimutan ang maputlang mukha ni Brent na nasa loob ng kabaong. Hindi niya matanggap na may isang napakabuting tao ang namatay nang dahil sa kanya. Parang hindi na rin siya naiiba kay Jared. Nasaksihan ng daddy niya ang pagmumukmok niya dahil halos hindi na siya kumakain. Dahilan para tawagan nito ang mga kaibigan niya na halos hindi na niya kilala dahil sa sobrang tagal nang hindi niya nakakausap. Alam niya na hindi na siya pupuntahan pa ng The 4 Foxy Girls. Alam niyang galit ang mga ito sa kanya dahil isa siyang masamang babae. Hanggang sa hindi na niya natiis ang kutkot ng kunsensiya niya. Kinuha niya ang blade na naroon sa kwarto niya. Kung handang mamatay si Brent para sa kanya ay dapat na gano'n din siya para rito. Hindi makatarungan na ito lang ang mamamatay. Pero bago pa man niya tuluyang masaktan ang sarili ay bigla na lamang bumukas ang pinto at niluwa niyon sina Reina, Gypsy at June kasama ang daddy niya. Nagulat siya nang bigla na lamang dumapo sa pisngi niya ang malakas na suntok ni June. "Ano'ng utak ba ang mayroon ka, ha?! Magpapakamatay ka rin?! Sa tingin mo ba, mabubuhay na si Brent kapag ginawa mo 'yan?!" galit na sigaw nito. Lalo lamang siyang umiyak. Ang sakit ng suntok nito. Suntok talaga ang ginawa, hindi man lang sampal. Ang hard. Hu-hu-hu... Ang lahat ng confidence sa sarili niya ay bigla na lamang naglahong parang bula. She's lost at hindi na niya kilala ang sarili niya. "I deserve to die. Kasalanan ko kung bakit nawala si Brent at hindi ako mapapatahimik ng kunsensya ko habang buhay..." umiiyak na sabi niya. "Tama nga siguro na isa ka sa mga dahilan kung bakit nagpakamatay si Brent pero hindi lang ikaw ang dahilan, Amber," sabi naman ni Reina. "Ano'ng ibig ninyong sabihin?" "Nalaman ko sa kuya ko na may malaking pagkakautang sina Brent. Baon sa utang ang pamilya niya dahil sa sugarol niyang tatay. Siya ang nagbabayad ng lahat ng 'yon. Dagdag pa na nakunan ang kapatid niyang buntis at nawawala ang bunso niyang kapatid. Sa bigat ng problema na dinadala ni Brent ay hindi malabong kitlin niya nga ang sarili niyang buhay," saad ni June. Lalo siyang napayuko at nalungkot. "Nasa ganoong kalagayan na siya pero kahit kailan ay hindi siya nagsabi sa akin. Ayaw niya sigurong isipin ko na pineperahan lang niya ako. Imbes na pasayahin ko siya bilang girlfriend niya ay binigyan ko pa siya ng problema. Wala akong kwentang tao..." Lalo lamang siyang napaiyak. "Gusto mo pa ba ng isang suntok? Hindi namin sinabi sa 'yo 'yan para lang ngumawa ka riyan. Sinabi namin sa 'yo dahil gusto naming ipaintindi na hindi lang ikaw ang nag-iisang dahilan kung bakit siya nagkagano'n," sabi ulit ni June na halatang umiinit na ang ulo nang dahil sa kanya. "Tama si June, Amber. Hindi maganda ang ginawa mo sa kanya pero hindi sapat na dahilan iyon para sukuan ni Brent ang lahat ng problema niya. Naging mahina siya at hindi na siya lumaban. At ginawa ni Brent ang desisyon niya na iyon sa sarili niya at labas ka na roon. Kaya dapat lang na hindi mo sisihin ang sarili mo," sabi naman ni Gypsy. "Hindi ko intensyon na lokohin si Brent. Sa totoo lang ay natutunan ko na nga siyang mahalin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil natatakot ako na magmahal ulit. At alam ko na in love ka sa kanya, June at nakikita ko na nasasaktan ka kapag nakikita mo kaming magkasama. Naisip ko na mas bagay kayong dalawa sa isa't-isa. Mas deserving ka para sa kanya.." pag-amin na niya. "Sa susunod na gumawa ka pa nang kahit ano pa mang desisyon para sa akin ay sasapakin ulit kita, Amber!" "June—" "Totoong in love ako kay Brent pero hindi pa naman ako gano'n kadesperada para agawin siya sa 'yo. Mahal ninyo ang isa't-isa at mas mahalaga sa akin ang pagkakaibigan natin." "Galit ka ba?" natatakot na tanong niya. "Oo galit ako. Pero katulad nang sinabi ko kanina ay mas mahalaga ka sa akin, Amber. Mas higit na mahalaga ka kaysa sa punyetang pride na ito kaya hindi ka rin namin matitiis," sabi ni June na hindi makatingin sa kanya. Boyish ito kaya hindi rin ito sanay na mag-express ng feelings nito. Kaya alam niya na kapag may sinabi ito ay totoo talaga sa loob nito iyon. "Girls, mapapatawad pa ba ninyo ako?" umiiyak na tanong niya sa lahat. Maiintindihan niya ang mga ito kung hindi ang isasagot ng mga ito. Dahil masama siyang tao... "Sa tingin mo ba ay pupunta kami rito kung hindi? We love you, Amber," sabi naman ni Reina. Iyon lang at umiiyak na nagyakapan na silang lahat. Halos tatlong buwan din silang hindi nagpansinan lahat kaya miss na miss na niya ang tatlo. She don't know what to do without them. Her friends will always be a part of her life. Sa oras na kagipitan katulad nito ay ang mga ito ang nag-iisa niyang sandigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD