CHAPTER 5: Wesley Park.

1989 Words
CHAPTER 5: Wesley Park. Written by: CDLiNKPh Pagkalipas ng isang taon... Para tuluyang lumimot ay naisipan ni Amber na sa America na lang tumira. Masakit pa rin para sa kanya ang pangyayari tungkol kay Brent pero paunti-unti ay natatanggap na rin niya ang lahat. Hindi na talaga niya maibabalik pa ang buhay nito. Alam niya na hindi na siya makakabawi kahit kailan sa naiwang pamilya nito dahil buhay ang nawala pero sa abot nang makakaya niya ay pinilit pa rin niya na tumulong sa pamamagitan ni June. Binayaran niya ang lahat ng pagkakautang ng pamilya ni Brent at binigyan niya ng trabaho ang mga kapatid nito. Ang bunso naman na kapatid nito ay pinahanap niya sa isang private investigator at ngayon ay nag-aaral na. Pinaayos din niya ang maliit na bahay ng mga ito. Ang lahat ng iyon ay pinadaan niya kay June dahil alam niya na kung siya ang direktong magpapaabot ng tulong na iyon sa pamilya ni Brent ay siguradong tatanggihan lang siya ng mga ito. Dahil kriminal ang tingin ng mga ito sa kanya. Alam niya na hindi nabibili ng pera ang pagpapatawad pero hindi na niya hinihingi iyon sa pamilya ni Brent. Alam niya na kung siya rin ang nasa sitwasyon ng mga ito ay hindi rin niya maibibigay iyon. Pero gusto niyang tumulong sa pamilya ni Brent dahil pakiramdam niya ay obligasyon niya iyon. Dahil kung buhay si Brent ay siguradong makakaahon din ito sa hirap at gagawin din ang mga ginawa niya. Sa Amerika ay lalo niyang inilaan ang oras sa ibang bagay para lang hindi na maalala pa ang tungkol kay Brent. Habang nag-aaral ay nagmo-modelling din siya bilang hobby. At kung minsan ay nagiging ghost singer sa mga sikat na pelikula sa Hollywood. Gusto niyang sumikat pero sinunod na lang niya ang kagustuhan ng daddy niya na huwag na lang tumanggap ng kahit anumang international projects. Pero pa-minsan-minsan ay lumalabas din siya as a guest sa mga concerts. Kaya nakikilala rin siya ng mga tao. Nang bigla niyang maalala ang pinagawa niyang violin sa isang music shop. Iniregalo iyon sa kanya ng mama niya noon bago ito pumanaw at ang pangit na ng tunog niyon kaya niya pinaayos. Tumayo na siya at inayos ang sarili para makaalis na. Pagdating niya sa music shop ay nakuha na rin niya kaagad ang violin. Aalis na sana siya nang maisip niyang patugtugin iyon sa music room. Dahil marami pang inaayos na instrument si Mr. Jo ay hindi na niya ito ginambala. Pumunta na siya sa music room. Pagdating niya roon ay may nakita siyang isang lalaking tumutugtog ng piano, nakatalikod ito sa kanya. Aalis na sana siya nang tila maakit siya sa ganda ng musikang tinutugtog nito. Na-recognize niya kung ano ang instrumental song na iyon. Tristesse by Choppin. Isang sikat na komposisyon na mas lalo pang nagkaroon ng buhay dahil sa mahusay na pagtugtog ng lalaki. Parang hinahaplos ang puso niya sa tugtog niyon. Napakasarap pakinggan ang ultimo perpekto nang musika para sa kanyang tenga. Hindi siya nakapagpigil at inilabas niya ang violin at sinabayan ang lalaki sa pagtugtog. Nagulat ang lalaki nang makarinig ng tugtog ng violin ngunit dahil sa nagustuhan din nito ang musikang nalilikha nila ay hindi na ito tumigil sa pagtugtog. Maluwalhati nilang tinapos ang musikang iyon na kapwa may ngiti sa mga labi. Tumayo ang lalaki at humarap sa kanya. Napasinghap siya nang masilayan ang gwapong mukha nito. Kumabog ng malakas ang puso niya. Maging ito ay natigilan din at napatitig sa mukha niya. Nang kapwa wala isa man sa kanila ang magsalita ay binasag na nito ang katahimikan. “You‟re good. Are you a proffesional artist? Wait, you look like a Filipino,” namamanghang sabi nito. “Oh yes, I am. How about you?" napapantiskuhang tanong niya. Nakakahawa ang ngiti sa mga labi ng lalaki. "Yes, I'm a proud Filipino and it's rare to see someone like us here kaya gusto ko sanang magtagalog. I miss the language. What is your name by the way?" "Amber ang aking ngalan." "Whoa! Ang lalim na tagalog ah!" natutuwang sabi nito. "Nami-miss mo na magtagalog 'di ba?" How long have you been here in the States?" "It's quite long. Teenager pa ako ay nandito na ako. Buti na lang at hindi pa rin ako nakakalimot magtagalog. Dahil sa mama ko na filipino. Masyadong mahalaga sa kanya na hindi natin dapat kalimutan kung ano man tayong lahi kahit pa nakatapak tayo sa sahig na puno ng yelo." Naging madaldal na rin ang lalaki. Bagay na ayaw niya sa mga lalaki. But it's weird that she doesn't really mind. She actually likes it. "How about you? What is your name?” Siya naman ngayon ang nagtanong. “Wesley. Wesley Park. If you don't mind, can I invite you for a dinner tonight? Well, I just think that we can be friends since we both love music. You know, we can talk about a lot of things." Medyo mabilis si Wesley pero wala sa bokabularyo niya ang pagiging pakipot kaya pumayag na rin siya. "Sure. We can have a dinner tonight. Nice meeting you, Wesley." Inilahad niya ang kamay kay Wesley. At noong mga panahong iyon ay alam na niya na ito na ang lalaking susunod niyang mamahalin. She can feel the spark between them. It's quite strong and she's getting too excited. ------ SIMULA no'n ay nag-date na sila ni Wesley. Sa pangatlong pagkakataon ay umibig na naman siya. She learns a lot of things about him. He is extremely rich. He has a lot of business in USA and even owns the modelling agency that she's working with. Stock holder din ito ng isang malaking tv network at recording studio sa Pilinas. Kung iniisip na niya noon na mayaman na siya ay mas mayaman pa pala si Wesley kaysa sa kanya. But it's not the reason why she likes him anyway. Aside from the fact that he's rich, handsome and smart, he also cares for her deeply. Parang ito na ang naging bestfriend niya simula no'ng mapahiwalay na siya sa The 4 Foxy Girls. She can tell anything to him without worrying what he'll think because he truly understands her. Besides, he is so humble. Kahit na halos perfect na ito ay wala siyang narinig kahit kaunting kayabangan man lang sa bibig nito. Kaya naman nang yayain siya nitong magpakasal ay hindi na siya nag-dalawang isip pa na tanggapin ang proposal nito. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamasayang babae sa buong mundo nang siya ang piliin nito. Si June de Silva ang kinuha niyang maid of honor dahil alam niya na malaki ang kasalanan niya rito sapagkat siya ang dahilan kung bakit namatay ang lalaking kauna-unahang minahal nito. Pero bago ang kasal ay may isang bangungot ang muling nagpakita sa kanya. Si Jared... "What are you doing here?" nagtatakang tanong niya nang labasin niya ito sa labas ng mansyon nila. Ayaw na sana niya itong kausapin pero naisip niya na gusto na niyang mabuhay ng tahimik at walang galit sa kahit kanino. Naisip niya na wala na rin namang masama kung patawarin na niya si Jared. She's happy now at may lugar na sa puso niya ang pagpapatawad. Baka nga katulad niya noon ay may pinagdaanan ding masakit si Jared noon kaya nagawa nitong lokohin siya. She don't know the whole story. Maybe, Jared is just like her. She was lost. But now that she have found the light because of Wesley, she is hoping that Jared will find it too. "I just want to say sorry for all of the things that I've done, Amber. I just want you to know that I've already regret all of those things that I did before and I want you back." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula sa labi ni Jared. "Are you kidding me, Jared? After all those years, ngayon mo lang naisip na gusto mong makipagbalikan sa akin? I'm getting married." Para siyang nakarinig ng malaking kalokohan. Ayaw niyang manuya pero hindi niya mapigilan. Hindi yata alam ni Jared ang sinasabi nito. "That's why I'm here, Amber. I don't want you to marry other guy. Can you just give me another chance? Na-realize ko na sa paglipas ng mga panahon na wala ka sa buhay ko ay ikaw pala talaga ang mahal ko. I'm sorry kung natagalan bago ko na-realize ito pero alam kong mahal mo rin ako. Let's just start all over again..." Hinawakan siya sa braso ni Jared pero lumayo na siya rito. "Oh, please, Jared. I don't feel the same way as you do. I admit, nabaliw talaga ako sa 'yo noon na naging dahilan pa kung bakit andami kong nagawang kalohan but it was already in the past. I have a present now at hindi ko ipapagpapalit si Wesley para lang sa lalaking halos ipagtulakan ako noon palayo. You know what? I can give you my forgiveness but you can't force me to be in a relationship with you again." Bigla na lamang tumigas ang facial expression ni Jared na para bang hindi nito natanggap ang sinabi niya. Humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. "Hindi! Hindi ako makapapayag, Amber! Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo! Nakita ko kung gaano kang ka-patay na patay sa akin noon at hindi ako ang klase ng lalaki na madali lang kalimutan. Alam ko na ako ang mahal mo kaya hindi ako papayag na magpakasal ka sa Wesley na iyon!” Nagmistula nang parang demonyo si Jared na para bang anumang minuto ay sasabog. "Lahat ng tao ay nagbabago, Jared. At ganoon din ang pagmamahal ko sa 'yo na naglaho nang parang bula. Tanggapin mo na lang kasi na hindi na kita mahal!" pagsigaw na niya. "Hindi, Amber! You're mine! At kung hindi kita makukuha sa santong dasalan ay dadalhin kita sa santong paspasan!" pagsigaw na nito. "Aray, Jared! Ano ba, nasasaktan ako!” Bigla siyang hinila ni Jared pasandal sa pader at nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lamang siya nitong halikan. Sinubukan niyang manlaban pero masyadong malakas si Jared. Galit na galit ito at para bang uhaw na uhaw ito sa kanya. Halos hindi siya makahinga sa mariin at mapusok na halik nito. "Umm... Jared, stop ittt..." pag-ungol niya. Hindi niya magawang itulak si Jared. Hindi kaya ng lakas niya. Naiiyak siya dahil baka ma-r**e siya nito. Madilim pa naman doon at sinabihan pa niya ang guard na huwag silang lalabasin dahil may pag-uusapan sila ni Jared. Nagulat siya nang bigla na lamang may humila kay Jared at dumapo sa mukha nito ang isang napakalakas na suntok. "Wesley!" pagsigaw niya. Mabilis na ang naging pangyayari at namalayan na lang niya na nagsusuntukan na ang dalawang lalaki. Galit na galit si Wesley at halos mapatay pa nito si Jared. "Huwag na huwag mong pagsasamantalahan ang babaeng mahal ko dahil kayang-kaya kong pumatay nang kahit na sino pa ang mananakit sa kanya!" Galit na sabi ni Wesley bago pa tuluyang maidampot sa presinto si Jared na masama lang ang naging tingin sa kanila bago isakay sa police car. "Are you okay, baby?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Wesley. Bigla na lamang siyang yumakap kay Wesley. "Takot na takot ako, Wesley. Nakakatakot si Jared. Akala ko ay mapagsasamantalahan na niya ako..." umiiyak na sabi niya habang yakap ang lalaki. Hinaplos naman ni Wesley ang buhok niya. "He won't be able to do anything to you, Amber. You're safe with me. I won't let him near you. Kahit pa ikamatay ko..." sabi naman ni Wesley. Pero sa kabila ng assurance na binibigay sa kanya ni Wesley ay natatakot pa rin siya. Kilala niya kung paanong magalit si Jared dahil naging boyfriend din naman niya ito dati. Masyadong nakakatakot ang mga bagay na kaya nitong gawin. Alam niya iyon at tinanggap lang noon dahil masyado niya itong minahal pero ngayong wala na siyang nararamdaman para rito ay alam niya na kung ano ang tunay na kulay nito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD