CHAPTER 6: Master Mind.

2934 Words
CHAPTER 6: Master Mind. Written by: CDLiNKPh SA KABILA ng takot ay tinuloy pa rin ni Amber ang pagpapakasal kay Wesley. Naisip kasi niya na hindi siya dapat magpadala sa takot niya kay Jared. Alam niya na sa impluwensyang taglay ni Jared ay mabilis lamang itong makakalabas sa kulungan kahit pa may gawin itong masama sa kanya. Isang politician ang ama nito kaya hindi nakakapagtaka iyon. Pero alam din naman niya na hindi rin nito magagawan ng masama basta-basta na lang si Wesley. Masyadong mayaman ang asawa niya at mahirap din kalabanin. Naging enggrande ang kasal nila. Kumpleto ang lahat ng mga kaibigan niya at hindi nangyari ang inaasahan niya na panggulo ni Jared sa kasal nila ni Wesley dahil natapos iyon ng walang nangyayaring kahit ano. Marahil ay napag-isip-isip nito na hindi naman talaga siya nito mahal. Alam naman kasi niya na hindi ito marunong makuntento sa iisang babae lang at hindi rin naman siya gaanong nakumbinsi sa mga sinabi nito kagabi. Siguro kaya lang nito nasabing mahal pa siya nito ay dahil natapakan ang pride nito. Hindi siguro nito matanggap na magpapakasal siya sa isang lalaking mas deserving kaysa rio. Na mas pinili niya si Wesley kaysa rito, to think na patay na patay siya rito noon. Noon pa man ay sobrang taas na ng tingin nito sa sarili. Nagbigay ang daddy niya ng ticket papuntang Cebu. Doon nila balak mag-honeymoon ni Wesley dahil maganda at nakakarelax doon. Nagtaka pa si Wesley nang sabihin niyang doon niya gustong mag-honeymoon sila samantalang kung tutuusin ay pwede naman silang mag-honeymoon kahit saang bansa pa. Pinaliwanag niya rito na may sentimental value sa kanya ang bahay na tutuluyan nila dahil doon siya lumaki. Doon din nakalibing ang mommy niya at gusto niyang dalhin sa puntod nito si Wesley. "We're so happy for you, Amber. Sa wakas at nahanap mo na rin ang lalaking nagpatino sa 'yo," nakangiting sabi sa kanya ni June. Bago sila umalis ni Wesley papunta sa Cebu ay nagpaalam siya sa asawa na gusto muna niyang makipag-bonding sa mga kaibigan niya at pumayag naman kaagad ito. "Uy, grabe ha. Matagal naman na akong matino ah? Simula no'ng—" Hindi niya maituloy ang gusto sana niyang sabihin. Dahil baka masira lang ang mood ni June gayong dapat ay nag-se-celebrate sila. "Simula no'ng mamatay si Brent? Come on, Amber, naka-get-over na ako. Kaya dapat ay ikaw din. Don't let your past affects you. We should celebrate kaya dapat masaya tayo. Cheers!" Itinaas ni June ang kopita ng alak na hawak nito at nag-cheers silang apat. "June is right. Ikaw ang kauna-unahang nag-asawa sa ating apat kaya alam namin na simula ngayon ay marami na kaming matutunan sa 'yo. Isa sa rason 'yan lalo para mag-celebrate. Right, Gypsy?" sabi naman ni Reina sa tahimik na si Gypsy. Ngumiti at tumango lang si Gypsy. Sa unang tingin ay maiisip ng iba na baka hindi nag-e-enjoy si Gypsy kaya tahimik ito para alam naman nila na masaya ito para sa kanya. Hindi lang talaga masyadong mahilig magsalita si Gypsy. "Thanks, girls. Hindi magiging kumpleto ang buhay ko kung wala kayo. No'ng naligaw ako ng landas, kayo ang naging dahilan para maging matuwid ulit ako. I really love you all!" Halos mangiyak-ngiyak na siya. Galing sa puso ang sinabi niyang iyon. Utang niya ang buhay niya sa mga kaibigan. Kung hindi siya tinanggap ng mga ito ulit ay hindi babalik ang gana niyang mabuhay. Hindi rin niya makikilala si Wesley kung hindi nagkaroon ng direskyon ang buhay niya. Nagpapasalamat siya sa Diyos na kahit masama ang ugali niya at may nangyaring masama kay Brent nang dahil sa kanya ay nabigyan pa ulit siya ng pangalawang pagkakataon sa buhay. Nang bigla na lamang nag-ring ang phone ni Reina. Agad itong tumayo at nagpaalam na sasagutin lang nito saglit ang tawag. Pero lingid sa kaalaman nito ay sinundan niya ito. "Ito na ang huling pabor na gagawin ko para sa 'yo. Sa susunod ay hindi na kita pagbibigyan." Narinig niyang sinabi nito. "Reina? Sino'ng kausap mo?" nagtatakang tanong niya. Bigla itong napalingon sa kanya at para bang namumutla ito. "Ah, wala. Iyong kuya ko. Tinapon niya kasi iyong kuting na inaalagaan ko. Iniligaw sa kalye, kaya 'ayun, galit na galit ako," sabi nito. Natawa siya. "Iyon lang pala. Akala ko naman kung ano. Hindi ka pa rin nagbabago, Reina. You're a good person at kahit sa mga hayop ay mababait ka," nakangiting sabi niya. "Tara na? They're still waiting for us." Ang tinutukoy niya ay sina June at Gypsy na nasa sala pa rin. "Ah, yeah. Sure, sunod na lang ako. Timpla lang ako ng juice para sa chaser natin," sabi nito. Hindi na siya nagpumilit pa. Kahit pa medyo nawi-wirduhan siya sa ikinikilos ni Reina. Ilang minuto pa ang lumipas sa kasiyahan nila. Nang bigla na lamang niyang naramdaman na parang bumibigat na ang talukap ng mga mata niya. Napansin din niya na kahit sina Gypsy at June ay nakatulog na rin. Maliban kay Reina na parang gising na gising pa rin ang diwa kahit na marami rin naman itong nainom. Hanggang sa kahit siya ay tuluyan na ring bumagsak. ------ HALOS mag-ga-gabi na nang magising siya. Napamulagat siya sa oras dahil halos alas sais na ng hapon! Agad na siyang tumayo at inayos ang sarili. Late na late na siya sa alis nila ni Wesley papuntang Cebu! "Reina, bakit hindi mo man lang ako ginising? Baka maiwan ako ng barko, e!" Halos giitan niya ng leeg si Reina nang makasalubong niya ito sa pintuan. Papasok ito habang palabas naman siya. May binili yata ito. "Naku, pasensya ka na, hindi ko rin namalayan ang oras e," sabi nito. Bumuntong-hininga na lang siya. Wala na rin naman siyang magagawa kahit magalit pa siya. "Sabihin mo na lang sa kanya na hindi na ako nakapagpaalam dahil nagmamadali na ako. Kailangan ko na talagang umalis. Good bye, Reina." Yumakap na siya at humalik sa pisngi ng kaibigan saka na siya nagpatiuna palabas at sumakay sa kotse niya. Halos paliparin na niya ang kotse para lang hindi siya maiwanan ng barko at muntikan na talagang mangyari iyon. Napayakap pa sa kanya si Wesley nang magkita sila. "Akala ko may nangyari nang masama sa 'yo, e. You don't how worried I am to you, where have you been?" Hinahaplos pa nito ang mukha niya. "I'm sorry, okay? I went to my friend's house and we had a party. I got drunk so I didn't notice the time. I'm sorry..." "It's okay. Ang importante, nandito ka na." Ngumiti na lang siya saka binigyan ng matamis na halik si Wesley. ------ MAYA-MAYA... Napapitlag si Amber nang bigla na lamang niyang naramdaman na may yumakap sa kanya sa likod. Si Wesley iyon. "Ang bango-bango mo naman….” naglalambing na sabi nito na inaamoy pa ang leeg niya. "Talagang mabango ako. Hindi katulad mo, mabaho ka na!" pagbibiro niya sa lalaki. "Ah, gano'n? Mabaho ako? Puwes, amuyin mo 'to!" Bigla na lamang siyang hinila ni Wesley at sapilitang hinila papunta sa kili-kili nito. Pilit na pinapaamoy sa kanya ang kili-kili nitong may buhok. Tawa siya nang tawa. Mukhang sosyal lang si Wesley dahil elegante rin ito kung kumilos pero ang totoo ay may pagkakulit din ito. "Wesley, stop it! You're so gross!" Humahalakhak na sabi niya. "Pagkakataon mo nang samantalahin ang kili-kili ko, sweetie. Alam ko naman na matagal ka ng nagnanasa sa katawan ko!” Hindi nagpapaawat na sabi nito. "Yak, ang kapal! Sabihin mo nga, saan ka humuhugot ng lakas ng loob?" natatawa pa ring sabi niya. Saka sila nagharutan ni Wesley na parang sila lang ang tao roon sa barko. Hindi alintana kahit nagmumukha na silang mga eng-eng sa mga pinaggagawa nila. Hanggang sa unti-unti ay sumeryoso si Wesley at tinitigan nang maigi ang mukha niya. "You don't know how happy I am that you came into my life, Amber. I'm so lucky that you are my wife. I really want to thank you for all of the love that you have given me. You are the only girl who love me not because of my wealth. You love me because I am me. No pretentions..." Nangangarap na si Wesley. At nagagalak naman ang puso niya sa narinig niyang iyon. "I'm the one who should be thankful. You know my history in life. You know that I'm a playgirl before and someone even kill himself just because I did some horrible things in the past but you still accepted me with all your heart. You gave a meaning in my life..." Siya naman ngayon ang humaplos sa pisngi ni Wesley. She meant everything that she said. She really loves this man and no one can take him away from her. "I love you, Amber. Promise me that you'll never love any man aside from me. Promise that you will never leave me..." "It will never happen.." And then she sealed that promise with a kiss. At hindi naman nagpatalo si Wesley sa kanya dahil mas nilaliman pa nito ang halik na ibinigay nito sa kanya. He even inserted his tongue agains't her mouth and they had a torrid kiss. Marahil ay umabot na iyon sa mas matindi pa kung hindi sila bigla na lamang nakarinig nang pagsabog. "What's that, Wesley? What the hell is happening?" Bigla siyang natakot. "I don't know, Amber but don't be scared. I'm here with you. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa 'yo," pangako ni Wesley saka hinigpitan ang pagkakayakap sa kamay niya. Agad silang pumunta sa lugar na naringgan nila ng pagsabog. Nakita nila ang mga taong nagkakagulo na dahil sa papalapit nang paglubog ng barko. Nagrarambulan na rin ang mga daga sa dibdib niya dahil nakita niya na marami na ring tao ang namatay doon. Maraming nagsisigawan at humihingi ng tulong pero para bang wala nang nakakarinig sa kanila. May nagtanim ng bomba sa barko at ang lahat ay abala sa pagliligtas ng sari-sarili nilang buhay! Hindi na rin sila makagalaw ng maayos ni Wesley dahil papalubog na ang barko. Hanggang sa unti-unti nang nasira iyon at tuluyan na ngang lumubog. "Don't let go of my hand, Amber! If we can't escape death then we'll die together! I love you, Amber. With all my heart..." "I promise..." mahinang bulong niya. Iyon na ang huling narinig niyang sinabi ni Wesley nang bigla na lamang may kahoy na tumama sa ulo niya na agad niyang ikinawalan ng malay. At ang pangako niya na hindi niya bibitawan kahit kailan ang kamay nito ay hindi na niya natupad pa... -------- SAMANTALA... “s**t!” Napamura si Jared nang marinig niya ang sinabi ni Reina sa telepono. Hindi nito napigilang umalis si Amber pasakay ng barko. "You're so stupid! Mahigpit kong pinagbilin sa 'yo na huwag mong hayaan na makaalis si Amber pero sinuway mo ako!" "Don't blame me for that, Jared! Ni hindi mo sinabi sa akin na plano mo palang pasabugin ang barko para lang mapatay si Wesley! Ang akala ko ay gusto mo lang mapigilang umalis si Amber para mapaghiwalay sila kahit saglit lang ni Wesley pero plano mo palang pumatay ng tao? At marami ka pang dinamay! Napakasama mo! Isa kang demonyo!" Bakas din ang galit sa tono ni Reina at alam niya na kasalukuyan din itong umiiyak. "And what do you expect? I love Amber and I'm willing to do whatever it takes just to have her back! Even if it means to kill useless people in the ship!" "And look what you've done! Amber is currently missing at naghihingalo na sa ospital si Wesley. Ganyan ba ang nagagawa ng pagmamahal mo? Sakim ka! At dinamay mo pa ako! You tricked me at sinabi mo na ako ang mahal mo! Ang sabi mo ay gusto mo lang makaganti kay Amber at magalit sa kanya si Wesley kaya gusto mong idelay ang honeymoon nila. Ang sabi mo, kapag nagawa mo na ang paghihiganti mo ay ako na ang mamahalin mo. You said that we can be together!" "I just said that because I know that you want me, Reina! I just said what you want to her but do you really think that I will love you for real? Huwag kang mag-ilusyon because you are nothing compared to Amber! I will never love you because I only love her! Ngayon ay pinatunayan mo lang sa akin na hindi nga kita dapat pag-aksayahan ng panahon dahil tanga ka! Kapag may nangyaring masama kay Amber ay hindi kita mapapatawad!" "Ikaw ang hindi ko mapapatawad, Jared! I betrayed my friend dahil lang sa walang kwentang lalaking katulad mo at marami pang nadamay. Isusumbong ko sa pulis ang ginawa mo. Makukulong ka!" "At sa tingin mo ay hindi ka rin makukulong?" Hindi man niya nakikita si Reina ay alam niya na natigilan din ito. "What are you talking about? Wala akong kinalaman sa ginawa mo! I don't even know na may plano kang pumatay!" Tinawanan lang niya si Reina dahil alam niya na kinakabahan na ito ngayon. "Ang katotohanan ay hindi na mahalaga, Reina. Kung mahuhuli ako ng mga pulis ay paniniwalaan na nila ang lahat ng sasabihin ko. I have evidence agains't you. Recorded ang lahat ng mga pinag-uusapan natin at maaari kong ibigay iyon sa mga pulis. Malalaman nila na talagang tinulungan mo nga ako na pigilan si Amber para umalis," nakangising sabi niya. "You jerk!" "I know that I'm a jerk and I never denied it. You are my partner's in crime, Reina. If I go to jail, i will drag you along with me. Sasabihin ko sa pulisya na kasabwat kita. Hindi lang ang pagkakakulong ang haharapin mo dahil haharapin mo maging ang galit ng mga kaibigan mo, ni Wesley at lahat ng taong namatayan sa barko. Masisira ang pangalan ng pamilya mo dahil tatawagin kang kriminal katulad ko. Now tell me, isusumbong mo pa ba ako sa pulis?" Natigilan sa kabilang linya si Reina. "I wish that I never love you, Jared. Amber is right. Wala kang kwentang tao. Don't talk to me again!" Iyon lang at ibinaba na ni Reina ang telepono na hawak nito na halos ikabingi niya. Napamura siya ng maalalang muli ang resulta ng ginawa niya. Yes, siya ang may pakana ng pagsabog na iyon sa barko pero hindi kasama sa plano niya na pati si Amber ay mapasama sa aksidenteng iyon! Ginawa niya iyon dahil gusto niyang patayin si Wesley Park sa isang paraan na hindi mahahalatang siya ang may pakana. Alam niya na katulad niya ay makapangyarihang tao rin si Wesley kaya hindi uubra kung ito lang ang papatayin niya kaya kailangang may ibang tao na madamay. Kailangan na magmukha lang iyong isang aksidente o kung may paghinalaan man, isang terorista ang paghinalaan ng mga pulis. Alam niyang masama ang ginawa niya pero wala siyang pakialam. Ang alam lang niya ay gusto niyang patayin sa Wesley para mapasakanya uli si Amber. Noong una ay hindi niya akalain na sobra ang magiging pagmamahal niya para kay Amber dahil siya si Jared Fuentebella. Isang cassanova, most sought bachelor in town na kinababaliwan ng mga kababaihan. Ang nag-iisang babae lang ay hindi deserving sa atensyon niya because he is belong to many women. Kahit kailan ay hindi niya gugustuhin ang magpa-alipin sa pag-ibig. Para sa kanya ay laruan lang ang mga babae na maari niyang gamitin kung kailan niya gusto. Nasanay siya na ang mga babae ang halos magpakamatay para lang mahalin niya at isa na roon noon si Amber. But for some reason, nakaramdam siya ng feelings of love kay Amber na hindi niya naramdaman sa kahit na sino'ng babae noon. Naguguluhan pa siya sa nararamdaman niya noon dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataon na umibig siya. Iyon din ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay rito sa paraang masakit para rito dati. Gusto niyang patunayan sa sarili na kaya niyang mabuhay nang wala ito. Na mabubuhay siya katulad noon na hindi nakadepende sa pagmamahal ng kahit sino. Nang maramdaman niya na tumitindi pa lalo ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Amber ay kabaligtaran ng paghabol dito ang ginawa niya. Nagpakasal siya noon kay Jessica, isang babae na itinakda ng mga magulang niya para pakasalan niya. Mahal siya nito at katulad ni Amber ay baliw na baliw din sa kanya. Pinilit niya na kalimutan si Amber sa pamamagitan ni Jessica pero hindi siya nagtagumpay dahil habang may kasama siyang ibang babae ay si Amber pa rin ang palaging nasa isip niya. Sa tuwing may katalik siya ay iniisip din niyang lagi na si Amber iyon. Akala niya ay magagawa niyang kalimutan si Amber pero nagkamali siya. Sa paglipas ng mga taon ay ito pa rin talaga ang hinahanap-hanap ng puso niya. Kaya naman nataranta siya nang malamang magpapakasal na si Amber sa ibang lalaki. Lalo pa siyang nagalit nang malaman na isang lalaki na mas nakakalamang sa kanya ang napili nito. Isang lalaki na mas mayaman sa kanya at mas successful kaysa sa kanya. Kaya naman agad siyang gumawa ng paraan noon para maging malaya. Pinatay niya ang sariling asawa na si Jessica at napunta pa sa kanya ang lahat ng kayamanan nito. Naging mas makapangyarihan siya. Binalikan niya si Amber na umaasang makukuha pa niya ulit ito pero hindi niya matanggap ng sinabi nito na hindi na siya ang mahal nito kundi ang Wesley na iyon na. Hindi niya iyon matatanggap kahit na kailan. Hindi siya makapapayag na ang kauna-unahan at kaisa-isahang babaeng minahal niya ay hindi mapapasakanya! Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagdasal siya na sana ay ligtas ang babaeng pinakamamahal niya. Sobra-sobra ang pagsisisi niya sa nagawa niya. Sana ay pinapatay na lang niya si Wesley sa hindi ganoong klaseng paraan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD