
Prologue:
Ako si ken Buenaventura grade 11 student, NGSB, mahirap lang kami kaya nag-aaral ako nang mabuti para mabigyan nang magandang buhay ang aking magulang... Lunes ngayon, unang araw nang klase, naligo na ako at nagsuot nang simpleng damit, sabi kase nang guro namin na wag munang mag uniform, bumaba na ako.
"Hello mama, papa, kuya good morning" bati ko kina mama at papa.
"Oh bunso, tapos kana palang naligo, halika na kakain na tayo"saad ni kuya sakin.
"Oh anak! An diyan kana pala halika na, at kumain kana dito" saad ni mama sa akin sabay turo sa bakanteng upuan. Kaya umupo naman ako doon.
"Anak! pagbutihin mo ang pag-aaral mo para din naman yan sa magiging pamilya mo at para sa sarili mo" saad ni papa sa akin.
"Papa naman eh, masyado pa naman akong bata para isipin yang mga pamilya na yan, kayo dapat yung iniisip ko eh, dapat maiahon ko ang pamilya natin para wag nila tayong maliitin" saad ko naman kay papa na nagbigay nang ngiti sakanya.
Ginulo niya ang buhok ko at nginitian niya ako nang matamis. "Sige anak, kain na muna tayo, baka malate ka sa school" saad ni papa.
Kaya pinagpatuloy ko nang kumain
.......
Tapos na akong kumain at nag paalam na ako sa aking mga magulang. Nagsimula na akong maglakad medyo malayo layo ang paaralan sa bahay namin dahil taga bukid lang kami at magsasaka si papa.
......
Naglalakad ako papunta sa classroom namin na may hawak na mga libro,wala pang masyadong estudyante, kaya naglakad pa ako dahil nasa third floor ang classroom namin nang biglang...
"Aray" sabi ko at napaupo sa sahig at nabitawan ang mga hawak kong libro.
"Tumingin ka sa daan." Saad nang lalaki at umalis.
'di manlang nag sorry siya na nga yung nakabangga sakin eh' saad ko sa sarili ko. Kaya pinulot ko nalang yung mga librong dala ko at pinagpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom namin.

