Two

2000 Words
"A second chance doesn't mean anything if you didn't learn from your first." -Anurag Prakash Ray Taking Chances I Sa buhay natin minsan, hindi mo aakalain na may mga bagay tayong magagawa na n isa hinagap hindi mo naisip na magagawa natin. O may mga tao tayong hindi natin aakalaing makakasama natin. I looked at myself, I used to be a girl with class and full of myself. But now all I see, is a woman who will do anything to survive. Mapait akong napangiti sa harap ng salamin bago inayos ang pagkakapusod sa buhok ko. Tanghali na kailangan ko ng kumayod at baka magutom kaming mag-ina. Im a single mom at the age of twenty five. I used to be a girl of your dreams but now im just a girl in your public market. May pwesto ako ng isda sa palengke at iyon ang pinambubuhay ko sa anak ko pati ang paupahang bahay na meron kami. Hindi naman kami agad magugutom ng anak ko pero mas maganda ng sigurado akong may pagkukunan kami ng pagkain. "Mama alas dose na daw po sabi ni Lola."-napangiti ako sa anak ko. Napapailing akong tumingin sa orasan na nakasabit sa kwarto namin. Ala sais pa lang ng umaga sadyang advance lang si Nay Meding alam mo naman pag matatanda ang daming matalinhagang salita. Pagbaba ko ay kumakain na silang mag-lola kaya nakisalo na rin ako sa kanila. Ganito ang routine naming tatlo dito sa bahay dahil madalas nasa palengke ako at sila ang naiiwan. O dili naman kaya'y si Nay Meding ang nagbabantay sa puwesto at ako ay may ibang pinagkakaabalahan. "Oh! Ali ang 'aga natin ah! Sabay kana sa akin tutal wala pa 'yong motor mo."-alok ni Mang Teban na isa sa mga nangungupahan sa akin. "Naku Mang Teban ah! Magseselos na talaga si Aling Caring sa sobrang kasuwetan nyo sa akin."-tukso ko dito bago kinuha ang helmet na inabot nya. "Kuh! 'Tong batang ito. Naku ikaw ay parang anak na rin namin ni Caring alam mo namang wala kaming babae at ang mga barako naman namin ay binuburo ang sarili sa talyer nila. Hindi man lang kami bigyan ng mga apo at mamanugangin ng matuwa kami."-patuloy nyang reklamo na halos araw-araw na atang ginagawa ni Mang Teban pero hindi naman nasolusyonan. Kaya ending magtatawanan nalang kami, dahil ang mga anak nya ayon maaga palang nakabandera na sa kalsada. Kung anu-anong ginagawa. Palibhasa magagandang lalaki at hindi mo maiisnab ang katawan kaya ginagamit na rin panghatak ng kliyente. Minsan parang gusto ko na rin tuloy maghubad sa isdaan ng dumami ang suki ko. "Hi Ali, iuuwi ka naba ni Tatay sa bahay namin? Dahil kung oo magsasara na rin kami ng makasunod na sayo."-ngisi ni Diego ng dumaan kami sa talyer ng magkakapatid na Magtanggol ang mga anak ni Mang Teban at Aling Caring. "Diego ang bahay ng tatay at nanay mo ay bahay ko. Kaya imposibleng sa bahay nyo ako uuwi. Byee." "Dadalawin kit asa palengke mamaya ah!"-pahabol nyang sigaw pero tinaas ko lang ang gitnang daliri ko bilang sagot. Si Diego ang panganay sa magkakapatid. At ilang taon ko na rin silang kilala, dahil ilang taon na rin syang nagpapalipad hangin sa akin. Pero wala doo nang atensyon ko, hindi ko alam pero kahit kaninong lalaki wala na atang balak magpapasok ng puso ko. Sapat na siguro ang isang beses.. Pero binigo lang din naman ako. "Ateee.. Ateee..."-kinabahan ako bigla ng nagsusumigaw si Katya ng makababa ako sa motor ni Mang Teban. "Ano yun? Ano yun Katya?"-natataranta ko ding tanong sa kanya habang lumilinga pa. "Ay hala si Ate! May nangyari ba ate? Para kang natatae?"-kunot noo ko syang nilingon. So walang problema? Walang nangyari? Sadyang exaggerated lang makasigaw 'tong si Katya. Minsan sarap sapukin nito kung hindi lang ako mawawalan ng kasama dito. "Ewan ko sayo!"-napapahilamos kong irap sa kanya. "Ateee... Ateeee.. Teeee." Jusko Lord bigyan nyo pa po ako ng ilang sakong pasensya baka sa susunod si Katya na ang isako ko at ibenta. Halos araw-araw na lang ata pinapasakit nya ang ulo ko daig pa ang anak ko. Matagal na si Katya sa akin ang Nanay nya talaga ang katulong ko noon pero dahil nagkasakit si Katya ang pinalit nya. Nakakatulong naman sya sadyang mahina lang ang connection ng signal sa utak nya. Nakaglobe ata ang gaga. "Ateeee... Ateee.."-humahangos nyang takbo mula sa labas ng palengke. Diba kanina pa ako dito pero sya abala doon sa labas para sumagap ng tsismis. "Ate andyan na 'yong bagong may-ari ng lupa. May mga kasamang lalaking nakasumbrero." Ngayon nga pala ang dating ng bagong may-ari ng lupang kinatitirikan nitong palengke. Sabi naman ni Mr. Domingo ang dating may-ari mabait ang bagong nakabili kaya hindi kami magkakaproblema. Pero sa itsura ng mga taong nasa paligid ko? I doubt that! "Naku Ali madidemolished na ata tayo." "Marami akong kutsilyo dito at bago hasa pa." "Ali anong gagawin natin? Ito lang ang inaasahan naming kabuhayan wala na kaming mapagkakakitaan." Ayoko mang mangialam sana, pero wala akong magawa dahil karamihan sa kanila hindi rin alam ang gagawin. Agad akong naglakad papalapit sa lupon ng mga taong nag-uumpisa na ring magkagulo. Agad nag-init ang ulo ko ng makitang tinulak 'nung isang bodyguard nila si Kuya Gil. "Woaahh! Chill tayo pre! Anong karapatan mong manulak? Pwede ka naming idemanda ng physical injury."-agad na napaatras ang lalaking nanulak sa kay Kuya Gil. At lumapit ang isang nakakurbatang lalaki na may dalang brief case. "Maam kayo po ba ang pwede naming makausap dito sa palengke? Ang sabi ni Mr. Domingo hindi bayolente ang mga tao dito."-agad na napataas ang kilay ko sa narinig. Kami pa ngayon ang bayolente? "Excuse me Mr.pero sa pagkakaalam din namin sebilisado ang taong haharap sa amin. At hindi isang taga pagitna na hindi alam ang pinaglalaban ng mga taong kaharap nya. Kami bayolente? Pakitanong nga po sa sarili nyo kung sino ang nanulak tsaka——" "Benny. What's happening here? I thought everythings— o—okay? A-a-Alitah?" Ilang beses akong kumurap-kurap habang nakatingin sa kanya. Baka sakaling mali lang ako ng nakikita, baka sakaling namamalik-mata lang ako. Pero walang nangyari, walang nagbago nandoon talaga sya sa harap ko nakatayo. "Hala diba sya 'yong artista?" "Hindi tanga singer yan." Hindi magsink-in sa akin ang lahat pero sya talaga ang pinatutungkolan ng mga bulongang naririnig ko. Hindi ako maaring magkamali dahil araw-araw nakabalandra ang mukha nya sa lahat ng peryodiko. Three years ago, I never realized that pain could be that cruel. After three years I can still feel the pain you cause me. Para bang kahapon lang nangyari ang lahat at lahat ng sugat ay kasing sariwa pa ng nangyari sa utak ko. "Ali—Alitah..."-dinig kung tawag nya. But my sub-consciousness were too busy to redeem myself. Kaya kahit anong tawag nya ay wala na akong narinig ng tumalikod ako at dire-diretsong naglakad palayo. Gusto kung lumayo. Gusto kung magpakalayo-layo sa kanya, kaya naglakad ako ng naglakad na parang walng pakialam sa lahat. Pero bigla na lang din akong napahinto at napatanong. Bakit nga ba ako tumatakbo? Ba't parang ako pa ang umiiwas? Parang sya naman ang may kasalanan ba't ako natatakot? Puro ka kasi arte nakita mo lang ex mo feeling mo ganda mo na! Ali three years ng wala sya affected ka pa rin? Ano mahal mo parin? Huminto ako sa paglalakad at frustrated na napahilamos ng mukha at napabuntong-hininga. Oo nga bakit ba kasi ako affected na nakita ko sya? Hindi ba pwedeng dedma lang? Punyeta naman kasi hindi ikaw ang iniwan, hindi ikaw ang nasaktan ako. "Oh my god!"-halos mapahawak ako sa dibdib ko ng parang huminto 'yon sa pagtibok dahil sa rumaragasang sasakyang dumaan sa harap ko. Mabuti nalang at may humila sa akin ng tingnan ko kung sino 'yon ay agad koi tong naitulak palayo sa akin. "Wala man lang thank you? Niligtas kita 'dun!"-sigaw nya ng lagpasan ko sya. "So what? Nobody ask you to do that. I never ask you to pull me so why do I have to thank you?"-inis kung singhal sa kanya. Para bang isang salita nya lang nag-iinit na ang ulo ko. "Ali my loves... may problema ba? Inaaway ka ba nitong lalaking 'to?"-napangiwi pa ako ng makitang inakbayan ni Diego si North. Northemio Dimagiba Ruiz. Tama my ex was the one and only North of the Cardinal Directions or CD. Sila ang namamayagpag na banda ngayon, actually for so many years. Nagtataka nga ako ba't hindi pa nagsasawa ang mga tao sa pagmumukha nila at sa boses nilang tunog lata. "Really? My loves? Seriously Alitah?"-pagak pa syang natawa sa sinabi. Napapailing na lang ako ng marealize ang nangyayari sa akin ngayong araw. "Diego. Ihatid mo na ako pauwi ..."-agad ako lumapit kay Diego at hinila sya palayo doon. Narinig ko pang tinawag ako ni North pero kailangan ko ng makauwi. Kailangan kung masabihan si Nay Meding tungkol kay Nari. Wala silang alam. Walang nakakaalam kahit ang mga imbestigador na inuutusan nila Ate at Papa ay walang alam. Dahil ginagawa ko ang lahat para ilayo ang anak ko sa toxic kung buhay. Sa buhay na iniwan ko at minsan ko ng pinagpalit sa nag-iisang taong pinagkatiwalaan ko at minahal. At hindi ko 'yon pinagsisihan minsan man, dahil lahat ng hirap ko mabuhay mag-isa ay pinalitan nya ng isang magandang biyaya. When I came to the point of my life that I almost gave up and go home. God gave me a present. And that is Nari my daughter. She's all that matters to me now. Nagawa kung mabuhay sa magulong mundo ng dahil sa kanya. Nagawa kung tiisin lahat ng hirap para lang mabigay sa kanya ang masayang buhay na wala ako. Ang buhay na malayo sa lahat ng expektasyon at panghuhusga. ••••• Ilang beses na akong nagpapabalik-balik dito sa labas ng kotse ko kakaantay kay Benny. Pero isang oras na ay hindi pa rin sya nakakalabas ng palengkeng 'yon. Nang hindi ko na nasundan si Alitah kanina ay agad akong bumalik dito. Pero bago pa ako makarating ay pinagkagulohan na ako ng mga tao. "Benny..."-tawag ko ng makita syang naglalakad palapit sa pwesto ko. "North we need to go. Ayaw makipag-usap ng mga tao hanggat wala ang babaeng 'yon. Bumalik na lang tayo bukas 'yon din ang bilin ni Mr. Domingo——" "No! I can't go home Ali is here. I need to be here. We can't go home Benny."-frustrated kung sigaw. Napapitlag pa nga sya gulat sa ginawa ko. "You mean your Ali? I thought she's in Baguio?" "That's what I thought. Kaya pala hindi ko na sya mahanap sa Baguio, lumuwas na pala sya. I need to find her Benny." Nangako si Benny na babalik kami bukas. Dahil kahit anong gawin nya daw ay hindi nagsasalita ang mga taga palengke. "East did you find something?"-sagot ko sa tawag ni East. Tinext ko kasi sya kanina para mangalap ng impormasyon tungkol kay Alitah. Pero gaya ko wala din syang nahanap! Magaling talaga syang magtago at 'yon ang hindi ko inaasahan. "Tigilan mo na kasi kung ayaw magpakita. Baka gusto nya ng tahimik na buhay, after all imposibleng gusto ka pa rin nyan for sure nakalimutan nya na ang tungkol sa inyo." "Tangina... Im her first East! How could she just forget me? I take risk everything for her. Alam nyo yan so how could I just move on and let her live without me? Damn it!" Frustrated akong napasandal sa sandalan ng kinauupoan ko. Ilang taon ko syang hinanap kahit pag nagtotour kami abroad gumagawa ako ng paraan para hanapin sya. Pero kada araw na dumadaan mas lalo lang akong binibigo na kahit kailan hinding-hindi ko na sya makikita. Ngayon pa bang handa na akong sumuko at tanggapin na maaring wala na nga ay bigla syang magpapakita? I can't lose her again. I can't just ignore the fact that maybe the stars collide for us to meet again. And I will do everything to make her mine again. I'll all take all the chance that I can have to win her back...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD