Three

2930 Words
"Every moment of your life is a second chance."- Rick Price TAKING CHANCES 3 Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpapabalik-balik dito sa sala. Halos mapudpod na ata ang suot kung tsinelas kakaantay kay Nay Meding at Nari. Pinaalis lang nila ako pag-uwi ko wala na ang maglola. Umalis daw at nagpunta ng mall dahil may bibilin ang maarte kung anak. Sinong three years old ang uutosan ang lola nya para lang bumili ng mga bago nyang ipit kasi outdated na daw. Nastress ako lalo mamaya magkita pa sila ng Tatay nyang walangya. Buti kung magkikita lang sila eh hindi naman nya 'yon kilala! Naistress ako kasi baka mamaya malaman ni Norte ang totoo at kunin ang anak ko. Mas mayaman na sya sa akin! Ako na ngayon ang walang-wala sya na ang may kapangyarihan anong laban ko doon? "Ali my loves——awww." "Tigilan mo ako Diego. Nagpahatid lang ako sayo. Hindi ko sinabing tumambay kana dito at panindigan kay pagtawag mo ng My loves. Kinikilabutan ako sayo, kaya tumigil kana."-bulyaw ko sa kanya na ikinangiwi nya lang habang pinupulot ang binato kung unan dito. "To naman. Kaya ka tumatandang dalaga napakasungit mo." "Hoy! Bente-singko palang ako. Anong matandang dalaga doon? Sapakin kita dyan ng makita mo. Umuwi kana nga sa inyo." Nadinig ko pa syang bumubulong-bulong na tatanda daw akong dalaga. Baliw din talaga eh! Nastress kana nga buong araw may dadagdag pa. "Pabili po..."-kunot noo kung nilingon ang tindahan bago pumasok doon. "Walang tinda. Sarado na kami."-taboy ko sa bumibili. Wala kasi ako sa mood ngayon maging mabait. Kasi konting oras pa mababaliw na talaga ako. "Hala sya! Bukas nga, puno nga tinda tapos walang tinda?" "Hoy! Wala kang pakialam kung magbubukas ako o kung ayaw kung magtinda. Doon kayo sa kabilang kanto bumili. Sarado na kami."-sabi ko habang binababa ang trangkahan ng tindahan. Sinubukan ko ulit tawagan si Nay Meding pero wala pa ring sumasagot. Sa dami naman kasi ng oras na pwedeng magmall 'yung dalawa ngayon pa nila naisipan na pakalat-kalat yung pesteng lalaking 'yon. Parang natitempt tuloy akong subukan kung gumagana ba 'yung direct line kay Digong ipapatumba ko na lang talaga si Northemio. "Lola sarado 'yong tindahan. Nanakawan na ata tayo."-dali-dali akong bumaba ng marinig ko ang boses ni Nari. "Mama nanakawan na ba tayo?"-bungad nyang tanong. Pero hindi ko na sya sinagot at binuha na lang sya papasok ng bahay. "Hoy! Ano ba namang bata ito! Baka mapilayan 'yang anak mo ano bang nangyayari sayo? Sinasapian ka na ba Maria Alitah?"-hampas nya sa akin ng abaniko. Narinig ko na naman 'yung pangalan kung kapanahonan pa ata ni Kupong-kupong naimbento ng Nanay ko. Ayoko talagang naririnig 'yun dahil naalala ko ang Tatay ko pag binabanggit 'yun. Ang laki kasi ng ngiti nya pag tinatawag nya ako noon. Parang napakabait ko daw na bata ang mabining dalaga. "Aray naman Nay! Mag-uusap tayo ipapasok ko lang sa kwarto si Nari."-agad naman syang tumalima sa sinabi ko. Iniwan ko syang binibuksan ulit ang tindahan nya kaya pinaakyat ko muna si Nari. Mosang pa naman 'tong batang 'to maganda na 'yung nag-iingat ako. "Anak dito ka muna. Play with your toys or do something productive okay? Wag mong kulayan ang dingding natin and for heaven's sake don't go outside."-bilin ko sa kanya na parang wala rin naman syang naririnig. "Narisisa ano narinig mo ba?" "Ewww... Mama don't call me that. Narisa ang pangalan ko wag mong dagdagan. And I hear you. Tsk." Walangyang batang 'to. Liit liit pa sutil na. Diko talaga alam kung saan 'to nagmana. Ang bait-bait ko naman noong maliit ako. Weeeehhh. Oo kaya halos hindi nga ako napapalo ni Daddy eh. Syempre paborito ka! Tsk! Kontrapelo... "Ano bang problema mong bata ka? Pati si Nari dinadamay mo sa mga kalokohan mo."-umpisa nito bago ako nilapagan ng isang platong pritong saging. "Nagkita kami ni Norte."-umpisa ko pero 'yun palang ang nasasabi ko halos magkandahulog-hulog na ang mga kaserola namin sa kusina. "Oh diba ikaw nga ganyan reaskyon mo. Paano pa kaya ako na hinabol nya pa kanina. Piling ko aatakihin ako sa puso kanina sa sobrang nerbiyos ko." "Hindi ba karapatan nya ding malaman na may anak sya?"-natahimik ako sa sinabi nya. Siguro nga may karapatan sya. Pero paano naman ako kung iintindihin ko ang karapatan nya? Hindi ako Santa na basta nalang ibibigay ang anak ko sa kanya. After all these years ngayon pa sya maghahabol kung kailan kaya na akong isumpa ng anak ko. Hinding-hindi ko sya ibibigay ng walang laban. "Andoon na tayo Nay. Pero paano naman ako? Anak ko si Nari." "Wala namang nag-aalis sayo ng karapatan sa bata. Pero alam mo rin naman sigurong matalino ang anak mo at matanong. Nag-uumpisa na syang maghanap at hindi na sya basta naniniwalang nasa abroad pa ang tatay nya. Wag mong antayin na kamuhian ka ng anak mo dahil dyan sa paglilihim mo." Ilang beses ko din naman 'yung iniisip. Pero pagkaharap ko na si Nari nawawalan na kasi ako ng lakas ng loob. Natatakot na ako sa magiging reaksyon nya. Natatakot akong makita syang masaktan kung sakaling ayawan sya ng ama nya. "Good morning Ali my loves..." "Good morning din Diego." "Naku my loves. Mas maganda kapa sa lahat ng umagang nagigisnan ko."-napairap na lang ako ng bumanat na naman si Diego. "Tigilan mo ako Diego. Kung hindi ka bibili ng isda lumayas ka dyan ng makapili 'yong bibili." "Hi Ate Ali. Dalawang kilong tilapya nga po." "Abah! Ang dami naman anong meron Boni?"-tanong ko sa kapatid ni Diego. Tatlo yan sila siguro nambababae na naman 'yong bunso nilang si Mabini. Panatiko si Mang Teban ng mga bayani ng Pilipinas kaya pinangalan nya sa kanila ang mga anak nyang sina Diego, Bonifacio at Mabini. Nakakatawa lang na katabaliktaran nila ang mga bayaraning kapangalan nila. Wala kasi silang maiambag sa lipunan kundi ang mga semilya nila. "Naku my loves nakajackpot lang kami ng kotse kaya malaki ang kinita. Sa bahay na kayo kumain ah!"  Okay naman silang tatlo. Sadyang mga maloko at puro babae ang nasa isip. Kaya nga minsan pag nagpapahaging si Diego ay binabalewala ko nalang. Baka kasi nasanay na lang syang binibiro ako kaya akala nya may nararamdaman sya sa akin. "Ate, palagay mo babalik pa kaya 'yung gwapong bagong may-ari?"-kunot noo ko pa syang nilingon dahil hindi ko maalala sa sinasabi nya. "Yung artista daw sabi ni Kuya Gil. Naku si Aling Caring nga kinikilig kaya nagagalit tuloy si Mang Teban. Pero sabagay gwapo naman talaga Ate, pag 'yun bumalik crush talaga ako 'nun." "Magligpit kana dyan at ng makauwi na tayo. Marami pa akong gagawin pupunta pa tayo kila Diego."-utos ko dito bago inayos ang mga tray na pinaglagyan ng isda pati ang mga kutsilyo. Ilang araw na ding hindi na muling sumulpot si North dito kaya nakampante ako. Pero bastos talaga ata ang bunganga nitong si Katya at biglang sumulpot ang masamang hangin sa harap ko. "Hi Ali!"-sisigawan ko na sana 'to at hahampasin ng tray ng mapagsino ko kung sino ang nasa harap ko. "East.." "Were here too."-nakangiting singit ni West habang nasa tabi nya naman si South na kumakaway din. Parang gusto kung sampalin ang sarili ko ng ilang beses dahil sa nakikita ko. Pakiramdam ko anumang oras mamamatay na ako sa dami ng kasalanan ko sa mundo. "Ay Ateeee... Ateeee ang daming pogi."-napahilot na lang ako ng ulo ng marealize na hindi nga sila panaginip dahil nakikita sila ni Katya. "Maiwan muna kita Katya. Ikaw na ang magligpit dito ah! May pupuntahan lang ako." Nauna ng lumabas ang tatlo. Buti nalang wala ng tao sa palengke kaya hindi na sila masyadong pansin. Naghugas muna ako ng kamay bago ako sumunod sa kanila. Ano bang ginagawa ng tatlong 'to dito? Syempre hindi ko na kailangang tanungin kung paano nila nalaman na nandito ako. Dahil sa tabil ng bibig ng bwesit na Northemio na 'yun siguradong sya ang nagsabi. Naabutan ko sila sa isang restaurant di kalayuan sa palengke. Napapailing akong lumapit sa kanila ng tumayo sila pagkakita sa akin. Gaya pa rin ng dati kaya hindi ako nagtataka na naging parte sila ng buhay ko. Sila ang isa sa mga taong naging dahilan kung bakit nagawa kung mahalin ang musika at ang kalayaan. "Nag-order na kami ng pagkain Al. Siguro naman same taste ka pa rin 'diba?"-tumango lang ako sa tanong ni East. Pakiramdam ko parang 'yung tanong ay hindi ukol sa pagkain. Piling ko tungkol 'yun sa tao, pero wala namang rason para gawin pa nila 'yun. Dahil hindi ako maniniwalang hanggang ngayon ay pareho parin ang nararamdaman ni North. Sa dami ng taon na lumipas hindi nya man lang ako nagawang hanapin. So papaano ako aasa na baka nga? Dahil ilang taon na akong nag-antay at sapat na 'yon. "Diretsahin nyo na ako kung bakit kayo nandito."-seryoso kung umpisa kaya agad silang napatigil sa pagkain. "Pwede bang kumain muna tayo Al? Malayo ang biniyahe namin para lang mahanap ka."-seryosong sabad ni South. Tahimik akong tumalima sa sinabi nya. Kahit papano naman ay may disiplina akong tao kaya hinayaan kung kumain muna sila. Minsan panaka-naka silang nagtatanong pero ang isiping nasa iisang lamesa kami at kumakain ay mas lalong hindi ako makakain. "Okay lang sagutin ko lang?"-tumatawag si Nari. Siguradong hinahanap na ako nito dahil lagpas na ako sa oras ng uwi ko. "Hello baby... Im sorry. May importante lang akong ginagawa. Don't wait for me okay? I'll be home soon." Taka akong napatingi sa kanila ng lahat sila ay nakatanghod sa akin na para bang nag-aantay pa ng iba ko pang sasabihin. "Okay baby. I love you too.." "Aherrmmm... Wala na nga. Ahermm." "Sorry oras na kasi ng uwi ko kaya hinahanap na ako sa bahay. Kailangan mo ng tubig West?"-abot ko dito ng isang basong tubig na agad nya rin namang ininom. "How long have you been here Al?"-I was caught off guard when South ask me that question. I never expect that they still care for the reason after all this years? "More than three years. This place became my home when I left Baguio." "Hinanap ka namin. Hinanap ka ni North."-mapait akong napangiti ng marinig ang sinabi ni East. "Really? You came this far to say that after three years? Guys I love you, but pursuing something in the past were not good for us. Nakakaloka pwede bang kumain at magkumustahan nalang tayo? Hindi ko na nahahasa ang english ko baka maubosan ako."-napakamot silang tatlo ng ulo at nagkatinginan. Napapiling ako ng sabay-sabay silang tumingin sa pinto kaya napalingon din ako doon. Pumasok doon ang lalaking hindi ko na dinadasal na makasalubong pa. Agad nya akong pinigilan ng akma akong tatayo. "Bakit?"-mataray kung tanong dito bago hinila ang braso kung hawak nya. "Can you please stay? Hindi nila alam na pupunta ako."-tinaasan ko sya ng kilay bago tumingin sa tatlo na sabay-sabay na tumango. "Magbabanyo lang ako. Sama ka?"-parang naalis ang batong nakadagan sa kanya sa sinabi ko. Kailangan ko silang libangin para hindi nila ako pagdudahan. Ayokong isipin nilang may tinatago ako sa kanila. Hindi pa ako handang isiwalat ang sekreto ko. Hindi dahil kinahihiya ko ang anak ko, kundi gusto ko lang na mabigyan sya ng tahimik na buhay. "Woi nakita nyo ba 'yong apat na lalaki sa labas? Parang may kamukha, parang artista."-napatingin ako doon sa nagsalita. Inaantay kung ano ang susunod na sasabihin nya. "Sino naman? Para nga'ng mga tanga nasa loob na nakashades pa." Kailangan ko na silang yayain sa ibang lugar. Delikado dito dahil baka pagkagulohan sila. Hindi ko sila kayang protektahan noh! Mamaya sa liit kung 'to dagitin lang ako ng mga tao pag nagkataon. "Hoy tumayo na kayo dyan. Wala ba kayong ibang alam na lugar 'yong medyo safe? Pinagtitinginan na kayo dito eh!"-sabi ko agad ng makalapit sa kanila. Nagulat pa sila kasi nga nagmamadali pa ako paglabas ko ng banyo. "Meron pero malayo kasi dito sa café ng friend ko."-suhestiyon ni South. Puwede na siguro 'yon kesa dito na mukhang mga tulak ang tao. Syempre except sa akin noh! "Pwede na 'yon. Tara na magbayad na kayo marami naman kayong pera." "Hanggang ngayon ugali mo pa rin asal Ali."-sabat ni West na sinamaan ko lang ng tingin kaya agad na tumahimik. "May kotse naman siguro kayo ano? Doon nalang tayo para mabilis." "Ah oo doon ka nalang din——awwww." "Ayos ka lang South? Ba't nyo naman kasi siniko?"-lapit ko dito pero agad din nilang inilayo. "Oo may kotse kami pero hindi ka kasya doon, sira pa 'yong aircon tapos 'yong gulong konti nalang mapaplat na. Kaya doon ka nalang sa kotse ni North sumakay magkita na lang tayo doon ah!"-tulak pa sa akin ni West. Nagmamadali pa silang mapaalis ako palayo doon kaya hindi ko napansin ang mga taong papasok at dadaan sa likod ko. Pagtulak ng pinto ay syang pag-atras ko kaya nauntog ako doon at naout of balance. "Lab are you okay? May masakit ba sayo?"-natatarantang tanong ni North habang isa-isang sinusuri ang katawan ko. Ilang minuto akong napatitig sa kanya. Three years have past pero parang wala pa ring nagbago sa kanya. Mas lalo lang syang naging kaaya-aya sa paningin ko. Mas lalo syang naging manly at lalaking-lalaki. His three day old stables makes him more attractive with his Expressive eyes. "Sorry Miss. Hindi ka kasi tumitingin eh!" Bigla akong naging alerto ng naging seryoso ang mukha nilang apat. At mukhang ano mang oras ay mananapak na, magkamali lang si Kuya ng sasabihin. "Guys enough! Sorry din, but maybe next time be more gentleman mas nakakagwapo 'yon. Sayang maitsura ka pa naman."-sabi ko ng harapin sya. Tinapik ko pa ang pisngi nya bago ko sya lampasan. Akala ko sumunod na silang apat pero ayon tinititigan pa ng masama 'yong nakabunggoan ko. Inaantay ata nilang mapatumba ng mga titig nila ang mga ito. Kaya napilitan pa akong balikan sila at hilahin palabas doon. "Guwapo? Maitsura? Eh mukha namang supot 'yon."-untag ni North ng makalabas kami. "Pwede ba Norte! Sumakay kana at ng makaalis na tayo. Kailangan ko pang umuwi at marami pa akong gagawin." "Kasi naman..."-sinamaan ko sya ng tingin. "Eto na nga sasakay na. Sungit!" Pero bago pa kami makasakay may mga asungot na naman na dumating. "My loves saan ka pupunta? At sino 'yang mga kasama mo? Kinikidnap ka ba nila? Gago kayo ah! Ba't kinukuha nyo ang my loves ko ako nalang ang ipalit nyo."-hindi ko pa nakikita kung sino 'yon pero sa tawag at reaksyon nya alam ko na. Napahilamos na lang ako ng mukha dahil paniguradong mas mahihirapan akong makaalis. "Diego..."-tawag ko pero parang wala syang narinig at nilalapit pa lalo ang sarili sa apat. "Diegggooooo..." "Yes my loves..." "My loves daw oh! Talo ka pala eh!"-dinig kung buska ni West kay Norte. Nadagdagan pa ang sakit ko sa ulo. "Huling-huli kana bro."-dagdag pa ni South. "We told you!"-pakikisabay din ni East. Kahit bumubulong lang silang tatlo dinig ko pa rin naman. Bakit naman kasi kahawig ng tawag ni Diego ang kay North eh! "Um——" "Oppss! Hindi ako uuwi sasama ako sayo. Saan ba kami sasakay ng my loves ko?"-hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil dinikit nya na ang daliri nya sa bibig ko. Mamaya hindi pala naglinis 'tong lalaking 'to masasapok ko talaga 'to. Wala na silang nagawa ng sumakay na rin si Diego ng kotse ni Nroth. Pinilit pa nga nilang pasakayin 'to sa kabila pero kasing kulit sya ng kulot-kulot nyang buhok. Pagdating namin sa Café na sinasabi ni South ay talagang namangha ako sa ganda ng decoration nito at kulay. Sobrang fresh ng aura parang badvibes na pumapasok dito. Nang makapasok kami ay agad kaming sinalubong ng isang magandang babae. Nakangiti syang lumapit sa amin habang nililipad ang buhok nya. Nakashort lang sya at crop top na off-shoulder pero ang ganda nya tingnan. Napatingin tuloy ako sa suot kung butas na pantalon at tshirt na may mga tumalsik pang kaliskis ng isda, parang gusto ko na tuloy umuwi. "Hi guys... Long time no see. Nagtatampo na ako sa inyo ah!"-saad nya habang isa-isa silang niyayakap at binibigyan ng halik sa pisngi. "Saffy baby, alam mo namang busy kami."-kunot noo kung tiningnan si North na syang nagsabi noon. Baby? Baby talaga? Ang laki-laki na nyan pwede na ngang gumawa ng baby eh! Wala sa loob akong napairap sa kanila. "Hay naku! Reasons... Anyway doon nalang kayo sa likod i'll bring you some food. We'll talk later."-saad nito bago bumalik doon sa may counter. "Cashier sya dito?"-wala sa loob na tanong ko ng magkatabi kami ni South pero sinagot nya agad ako ng tawa. "Al.. she's the owner actually." "Ahh..."-ang tanging naisagot ko kay South. Malay ko ba naman. "At sya rin ang babaeng tinatangi ni South, Al. She's the only girl actually who capture his heart."-bulong ni East kaya napasunod ang mata ko kay South na nauna na palang maglakad. Habang nakatingin sa kanila sa buong lugar. Ngayon ko lang narealize na marami na palang nawala sa akin. Marami na akong nakaligtaan sa buhay ko. Nakaligtaan ko kung paano maging isang malayang teenager. I actually had my fair share of teenage life, but not to the fullest. I always have limitations. Pero hindi ko naman pinagsisisihan na ang panahon ko ngayon ay nabubuo nalang kung paano buhayin ang anak ko. Hindi ko pinagsisihan na mas pinili ko sya kesa sa buhay na nawala sa akin. Dahil kung tutuusin mas mahalaga pa sya sa lahat ng meron ako. Kaya sana maintindihan nya kung bakit ko nililihim ang lahat sa kanya. Dahi lang buhay na meron kami ng Tatay nya ay magulo at puno ng pagpapanggap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD