bc

One Summer Night

book_age18+
56
FOLLOW
1K
READ
second chance
pregnant
betrayal
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Hindi akalain ni Arri na magbabago ang buong buhay nya dahil sa isang nakaw na halik. Nagsimula sa isang kasinungalingan ang relasyon nila ni Kaizer na nakilala nya bilang Finn. At higit sa lahat, hindi nya lubos akalaing mawawalan sya ng trabaho dahil dito.

Umalis sya ng isla para magsimulang muli.

Nagtatrabaho na sya sa isang maliit na restaurant sa Las Piñas. Ngunit minsan, habang nakaduty sya ay nawalan sya ng malay.

Nang magising sya sa ospital ay nagulat nalang sya sa private doctor na meron sya. May mga katulong sya at para syang isang prinsesa na pinagsislbihan. Isa iyon sa mga pangyayaring hindi nya maintindihan. Kaya naisipan nyang magtungo sa office ng private doctor niya upang hingin ang pangalan at number ng kanyang mystery benefactor. Ngunit nang kakatok na sya sa pinto ng office ng kanyang OB ay nagulat nalang sya nang magbukas ang pinto at tumambad sa kanyang harapan si Kim at Kaizer. Medyo malaki na din ang tiyan ni Kim at nakaalalay si Kaizer dito. Napatingin sya sa taong matagal na nyang namimiss. Sa sobrang gulat at sakit na naramdaman nya ay nabitawan nya ang cellphone na hawak nya. Napatakbo sya palayo sa office na iyon ngunit napahinto sya at napahawak sa kanyang puson nang makaramdam sya ng matinding sakit...

chap-preview
Free preview
The Reason I Leave 1
There's always something in me that keeps me standing even if my life is already a mess. It all started last summer... Two years na akong nagtatrabaho bilang isang MT sa restaurant ng Paradiso Condotel. Marami akong nakilalang maimpluwensyang tao na piniling magtago sa hotel na ito upang panandaliang makalimot sa buhay na nakagisnan nila. Masaya at magulo palagi lalo na pag peak season. Sa tabing dagat kasi ito nakatayo at secluded private island pa na pagmamay-ari ng mga Salazar. Maraming celebrity at bilyonaryong mga businessman ang nakikita at nakakausap ko kadalasan. Sa umaga ay tahimik ang lugar at sa gabi naman ay puro party. Buhay na buhay ang isla. "Ms. Sanchez!" tawag sakin ni Hillary. Siya ang supervisor ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko. "Oh? Maaga pa. Bakit ang aga mo kong kinakatok sa staff house?" "Arri, nakalimutan mo na? Darating si Ma'am Sandra ngayon." Nagulat ako. Nakalimutan kong kailangan namin maghanda ng maaga dahil may mga inimbita syang kaibigan para sa b-day party nya bukas. Isinama ko pa naman ito sa pep talk namin kagabi. "Sorry, nakalimutan ko na. Biglaan naman kasi yung tawag nya kagabi. Wala sa sched ko yung oras ng pasok natin." "Kanina ka pa hinahanap ni Ma'am Farrah. "My God! Mapapagalitan na naman ako nito." Nagmamadali akong gumayak at umalis ng staffhouse. "Why are you late, Ms. Sanchez?" tahimik lang ako habang pinapagalitan ng Manager namin. Sya ang isa sa pamangkin ng may-ari. Maayos ko naman na nagawa yung mga task ko. Kahit pinapagalitan nya ako hindi naman sobra dahil alam nyang I can still get my work done kahit medyo late na. That night, magkakasamang dumating sila Ma'am Sandra at yung mga sosyal nyang kaibigan. Madalas napapatitig nalang ako sa kanila dahil kung pagmamasdan mo ang mga ayos, kilos at kung paano sila gumalaw at magsalita ay ibang iba sa mga tulad naming medyo mahihirap o average lang na tao. "Miss Sanchez," tawag sakin ni Ma'am Farrah. "Mag change day off ka. Bukas dapat yun pero gawin mong Saturday. Bukas na ang party nila. Kailangan ka namin." "Naintindihan ko po." Friday. Birthday celebration ni Ma'am Sandra. Maingay. Magulo. Nung nagsalita si Ma'am Sandra inannounve din nya na dito din gaganapin yung engagement party ng kanyang nakatatandang kapatid at kasama nila yung fiance nito. "Wow. Sya yung tinitingnan mo kagabi. No wonder na sya yung mapapangasawa ng anak ni Ma'am Jin. She's so pretty and elegant." sabi ni Hillary. Nakatitig lang ako sa kasama ni Ma'am Sandra na si Miss Kim. Madaling araw na. Ilang oras na din na tapos yung party. 3am natapos. Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko- 5am na. Dayoff ko naman eh. Kaya naglakad-lakad lang ako sa dalampasigan. May ibang nagja-jogging na. Ako naman nakasuot pa din ng uniform pero nakapaa lang. Back to reality... Naupo ako sa isang malaking bato habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. I'm so glad to be here. Pero I miss something... or maybe someone... I feel like I'm still alive but I'm slowly dying inside. Napayuko ako habang umiiyak. This is exactly the same spot where I first saw him.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.3K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.4K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook