"WHAT?!"
Napapikit na lang ako sa sigaw ni Nicky, kagat ang labi na nagkamot ako ng ulo.
"Anong ginawa mong babae ka?!" Nandidilat ang matang sabi sakin ni Nicky. Huminga ako ng malalim, tingin ko nga madaling araw na ng makalabas ako ng club na 'yon. Palagay ko malakas ang naging tama ng drugs sa lalaking 'yon at hindi ako tinantanan. I couldn't imagine myself nang lumabas ako. Sigurado ako na mukha akong ngarag na shrek.
"Hindi ako nakakilos nang hilahin niya ako papasok eh..." Sabi ko sa kaibigan ko, nanliit naman ang mga mata niya na para bang sinasabi na ituloy ko ang sasabihin ko. Napalunok ako.
"Look, nang bubuksan ko sana ang room ng asawa ng ate mo biglang bumukas 'yung pinto ng katabi nilang kwarto. Sabi niya kung saan daw ako pupunta pagkatapos non bigla niya 'kong hinila at..... 'yon na..." Hindi na matuloy ang sasabihin ko.
"Anong 'yon na? Hindi mo man lang siya pinigilan?! You've been raped!" Galit na sabi niya sakin, hinawakan ko naman ang bridge ng ilong ko.
"I know... wala na eh. Tapos na." Sabi ko na lang sakanya.
"What the hell are you talking about Tracey? Bakit parang wala lang sayo 'yon?"
Nangalumbaba ako saka ko tiningala si Nicky.
"It's just a piece of tissue." Walang pakialam na sabi ko sakanya. Ilang sandali naman niya 'kong tinitigan.
"Nakilala mo ba 'yung lalaki?" Bagkus tanong niya sakin, doon ako natigilan.
"Tracey kilala mo ba 'yung lalaki?" Tanong niya uli sakin.
"Trevor Esmeralda..." Sabi ko sakanya. Like what I expected, gulat na gulat ang mukha niya.
"You're kidding me right?" Hindi naniniwalang sabi niya. Umayos naman ako ng upo saka ako tumayo.
"You're asking me but you don-----Ouch.." Para namang hiniwa ng maliliit ang katawan ko lalo na sa 'ibabang' bahagi ng katawan ko. Nakangiwing napahawak ako sa hita ko.
"You know what? I believe in you...." Sabi ni Nicky. Tiningala ko siya.
"Sabi kasi ng mga babae niya ma-ano daw 'yung ala----
"Stop. Too much information..." Pantay ang labi na sabi ko. Loko-loko 'tong babae ko, huminga lang ako ng malalim saka ako umayos ng tayo pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko at sinukbit 'yon.
"Papasok na 'ko... ikaw na ang bahalang magsara dito ha?" Sabi ko sakanya saka ko sinuot ang medyas ko.
"But Trace---
"Tracey?! Tracey?!"
Natigilan ako nang marinig ko ang sigaw na 'yon sa labas ng pintuan ko.
"s**t, kung se-swertehin ka nga naman oh.." Bulong ko.
"Nandiyan kaba? Tracey buksan mo 'tong pinto!"
Nagmamadaling kinuha ko ang sapatos ko sa ilalim ng papag ko saka ko binalingan si Nicky.
"Ikaw na ang bahalang magsabi sa landlady ko. Milyon kasi 'yung binayad ko don kaya pinuntahan ako. Mukhang magpapasalamat ata sakin." Nakangiting sabi ko sa kaibigan ko saka ako nagtungo sa bintana ko.
"Bakit diyan ka dadaan?" Tanong ni Nicky.
“Tracey bubuksan ko 'tong pinto! Ang tagal-tagal mong hindi nakakabayad ng renta! Ilang buwan na kitang pinagbibigyan!"
Nagmamadaling tumawid ako sa bintana ko saka ako tumingin sa ibaba. Hindi naman ganon kataas ang kinaroroonan ko, sabihin nating hindi naman ako mamatay hehe. Napatingin ako sa truck ng gulay sa ibaba, mukhang may deliver ng gulay ang landlady namin. Huminga ako ng malalim saka tumalon. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang ilang basket likuran ko.
"Ouch..." Daing ko saka ako napa-upo. Napatingin ako sa ilang kamatis at repolyo na nagkalat, ang iba ay durog na.
"Yuck..." Nakangiwing sabi ko nang mahawakan ko ang kamatis na durog.
"Tracey!!"
Napatingin ako sa itaas. Nakita ko ang landlady ko na nakadungaw, may mag burluloy pa sa mga buhok niya. Nagmamadaling kinuha ang sapatos ko saka ako tumalon sa truck.
"Mamaya kita babayaran ateee!" Sigaw ko sa sakanya habang nagsusuot ako ng sapatos.
“Kukunin ko lahat ng gamit mo dito tandaan mo 'yan!" Sigaw niya pa sakin.
"Sige lang ate! Pati 'yung labahin ko ah!" Natatawang sabi ko saka ako tumakbo. Nang makarating ako sa kinapaparadahan ng van ko ay nagmamadali akong pumasok dahil baka sundan niya ako. Mabilis kong binuhay ang makina at pinaharurot ang sasakyan.
"Daya hindi naman ako natutulog don eh. Dapat wala ng bayad 'yon eh." Nakangusong bulong ko. Ilang sandali pa ang lumipas ay nakarating na 'ko sa university.
'Hayy.... walang kasawaang pag-aaral. Hindi bale, next year tapos na rin naman ako, diploma lang naman ang kailangan ko eh...'
Nang maiparada ko na ang van ko ay bumaba na agad ako. Pupunta muna ako sa chemistry lab dahil may itatanong ako kay sir Deguzman. Mukhang balak pa ata akong i-bagsak sa subject ko eh. Pasipol-sipol pa 'ko habang papasok sa school. Natigilan ako nang makita ko sa daan sila Trevor. Nakatayo lang sila don at nag-uusap, tingin ko nga ay may inaabangan sila eh.
's**t ito na naman.... bakit ba lagi kong nakakasalubong 'tong lalaking 'to...'
Tumikhim ako saka ako tumawid sa gilid ko kung saan may mga damo. May nakalagay pang 'keep off the grass' sign don, tumawid ako sa kabilang side ng mga damo.
'Okay na mahuli ng guwardiya kaysa makasalubong ang mga 'to...'
Bigla namang lumingon sakin ang isa niyang kaibigan at tinuro ako.
'Ano na naman ba 'yon?!'
Patuloy pa rin akong naglalakad habang nakatutok ang mga mata ko sakanila lalo na kay Trevor na unti-unting nandidilim ang aura sakin.
"Nagmamadali ka ata!" Galit ang tinig na sabi niya habang nakapamulsang sinusundan ako ng tingin.
"Oo eh!" Kinakabahang ngiti ko sakanya. "....may nakalimutan ako don sa room."
Pantay na pantay ang labi niya, tanda na mukhang galit talaga siya sakin. Bigla niyang tinaas ang isang kamay niya.
"Ito ba?"
Natigilan ako sa paghakbang.
'Shit....'
Napatitig ako sa cellphone ko na hawak niya.
"Come here, let's talk about it.... Vegeta...Hulk.... C.." Matiim na tingin niya sakin. Pakiramdam ko ay may kumiliti sa paa ko at kusang gumalaw ang paa ko para tumakbo.
"Doon kayo sa kabila!" Sigaw ng kaibigan niya, nakita kong nagkalat ang mga kaibigan niya habang siya ay nakatayo pa rin doon. Nakataas pa ang dalawang kamay ko habang tumatakbo. ‘Ang swerte mo Tracey!’
-----***
HINDI ko alam kung saan ako magtatago, kapag pumunta kasi ako sa kabilang pasilyo papunta sa elevator makakasalubong ko ang kaibigan ng Trevor na 'yon. Kapag sa papuntang cafeteria naman nakaabang na rin ang iba pang kaibigan niya, buti na lang at alam ko kung saan sila nagtungo kanina.
'Anak naman ng tokwa... saan na 'ko nitoo.'
Hinihingal na tumingin ako sa paligid ko. Napatingin ako sa library.
"Ayun!" Usal ko at mabilis akong pumasok sa loob. Nakita kong dalawang studyante ang nasa loob, isang lalaking nakasalamin naman na nasa edad trenta ang librarian. Hindi ko siya kilala dahil hindi naman ako mahilig magbasa sa library eh.
"Anong hanap mo?" Tanong ni kuya, lumapit naman ako sakanya.
"Yung 10 ways how to kill a man po.." Sabi ko sakanya. Seryoso ako don ah. Nakita kong nagsalubong ang kilay niya.
"Anong---
Bigla namang bumukas ng malakas ang pinto. Napabaling ako don, kumabog ang dibdib ko sa kaba nang makita ko si Trevor kasama ng dalawang kaibigan niya na nasa likod lang niya. Napapalunok na umatras ako saka lumapit sa mahabang lamesa. Nakita kong tumayo ang dalawang studyante at nagmamadaling lumabas ng library. Napahawak ako sa edge ng lamesa nang mag-umpisang lumapit sakin si Trevor.
"May gusto ka bang sabihin sakin.... miss stalker?" Seryoso ang tinig na sabi niya.
"Hoy ano 'yan? Doon kayo sa labas huwag dito." Awat ni kuya, nakita kong lumapit ang isang kaibigan niya sa librarian.
"Bigyan niyo lang sila ng thirty-minutes kuya." Nakangising sabi ng lalaking 'yon saka inakbayan si kuya na lumabas ng library. Napalunok na lang ako nang kaming dalawa na ni Trevor ang naiwan sa loob. Pasimpleng kinamot ko naman ang pisngi ko at naiilang na tumingin kay Trevor.
"I can explained..." Panimula ko, nagulat ako nang bigla niyang ibato ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa dahilan para gumawa 'yon ng ingay.
"Anong ginagawa mo don sa club? Sinusundan mo ba 'ko?" Matiim na tanong niya, humakbang na naman ako para makaiwas sakanya. Para tuloy kaming nag-iikutan sa lamesa.
”H-hindi ah..." Pagkaka-ila ko. ".....may sinusundan ako kagabi pero hindi ikaw 'yon."
Tumigil naman siya sa paghakbang at tinitigan ako. "What are you doing in that f*****g room? Huwag mong sabihing bukod sa studyante ka sa umaga, isa ka ring bayarang babae sa gabi?" Nag-uuyam na tanong niya.
'Ouch ah...'
"Hindi no... ikaw kaya ang nanghila sakin!" Akusan ko sakanya. Tumaas ang sulok ng labi niya.
"But why you didn't even make a move to stopped me? Unless.... you like what I did." Aniya, Pakiramdam ko ay namula naman ako at hindi ako nakapag-salita.
"Cut got your tounge?" Sabi pa niya at muling humakbang papalapit sakin. Tarantang umikot uli ako sa kabila para makaiwas sakanya.
"Now tell me, what do you want from me?" Aniya.
"Wala..." Pagkakaila ko uli. Marahas na bumuga naman siya ng hininga at saka huminto.
"Pwede bang tumigil ka sa kakalakad mo nahihilo ako sayo eh!" Naiinis na sabi niya, inirapan ko siya.
"Sino kayang sumusunod sakin?" Sarkastikong sabi ko. Pantay ang labi na tinignan niya ako.
"We found something on your phone. What was that? Sinusundan mo ang mga tao at kinukuha ang mga privacy nila?"
Natigilan naman ako, mabilis kong inabot ang cellphone ko sa mesa at binuksan 'yon. Nagulat ako dahil wala na ang lockscreen ko pero nandon pa rin ang picture namin ni Nicky na naka-wacky.
'Walangya, ang panget ko dito. Dapat pala 'yung naka-two piece 'yung nilagay ko..'
"P-panong—
"I have my sources, isang maliit lang na bagay 'yan." Sabi niya saka namulsa.
"Again. What do you want from me? Sigurado ako na ikaw ang babaeng kumuha ng video ko sa kotse. May nagpa-utos ba sayo para gawin 'yon?"
Tumikhim ako, isa sa mga policy sakin ni Dickson na huwag kong sabihin ang identity niya.
"Wala.... A-ako lang ang kumuha ng mga 'yan tapos." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko.
"Tapos ano?" Naiinis nang sabi niya.
Iniwas ko ang tingin ko sakanya. "Pinang-ba-blackmail ko.."
"Alam mo ba na pwede kitang ikulong sa ginawa mo?" Galit na galit na sabi niya. Huminga ako ng malalim at sinalubong ang mata niya.
"Look, you've got my v-card, na-erase ko naman ang video mo. So, Win-Win na tayo 'diba?" Sabi ko sakanya saka ako dahan-dahang ngumiti. Nagulat ako nang bigla niyang hampasin gamit ang dalawang kamay niya ang mesa.
"I don't care about your f*****g V-card, I cared about my privacy!" Galit na sabi niya, nakita kong namumula pa ang mukha niya. Hindi ko naman alam kung bakit may munting kirot akong naramdaman sa sinabi niya. Inirapan ko siya saka ako nag-cross arm.
"Care ka pala sa privacy mo pero hindi mo man lang napansin na hindi pala tinted 'yang walang kwentang kotse mo. Kahit sinong dumaan talagang makikita kayo ng kasama mo no.... pa-image-image ka pang nalalaman ayaw mo pang aminin na talagang---
"Na talagang ano..." Parang tigreng putol niya sakin, napabilis pa ang paglapit niya sakin kaya kumaripas agad ako ng takbo sa kabilang side ng mesa.
'Mama!'
"---na fuckman playboy ka!" Dugtong ko. Kung may kapangyarihan siguro siya kanina pa 'ko lumiyab sa sobrang sama ng tingin niya. Bigla namang bumukas ang pinto ng library at dumungaw ang ulo ng kaibigan niya.
"Trevor halika na, tinawag ng librarian 'yung Principal. Mayayari tayo...." Sabi ng kaibigan niya, parang nakahinga naman ng maluwag ang mga ugat ko. Kuyom na kuyom naman ang kamao ni Trevore habang masama pa rin ang tingin sakin.
"Don't try to run away from me Tracey Agatha Marcelino. Dahil hindi pa 'ko tapos sayo.." Banta niya at sinipa ang upuan, bumagsak 'yon sa kabilang lamesa. Napaismid naman ako.
"Don't try to run away from me.... nyenyenye." I mutter. Hanggang sa lumabas na siya ng library ay nakasunod lang ang tingin ko. Huminga ako ng malalim at nanghihinang umupo sa upuan. Sinapo ko ang ulo ko habang nakatutok ang tingin ko sa cellphone ko.
"Sira na ang trabaho ko...." Usal ko, s**t! s**t talaga!
Nagdadabog na kinuha ko ang cellphone ko saka ko binuksan 'yon.
'Pero ang panget ko talaga dito langya!'