"SINASABI ko na nga ba sayo Tracey eh!"
Huminga lang ako ng malalim at tinitigan ang pagkaing nasa harap ko.
"So what now? He was asking you a favor or what?"
Tumingin ako kay Nicky. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sakin.
"Sabi niya hindi pa daw siya tapos sakin." Sabi ko saka ako umayos ng upo.
"Look Tracey, umayos ka naman. Binantaan ka na niya, at ngayong may ebidensya na siya laban sayo sigurado ako na 'yon ang gagamitin niya para makaganti sayo. Hindi mo na iisip 'yon?"
Napalabi lang ako saka ko kinuha ang hamburger ko.
"Kung mangyari man 'yang sinasabi mo...." Ani ko saka ko kinagatan ang hamburger na hawak ko at tinignan ko si Nicky.
"....Dick is there for me to rescue.." Dugtong ko habang puno ng pagkain ang bibig ko. Inirapan naman niya ako.
"Tracey----
Kumunot ang noo ko nang mula sa kung saan ay may bumagsak na lamukos ng papel sa pinggan ko. Sumawsaw pa 'yon sa ketchup katabi ng pinggan ko.
“Hey!" Sabi ko saka ko tiningala kung sino ang naglagay non. Nakita ko ang dalawang matangkad na lalaki na palayo na sa mesa namin, sigurado ako na sila ang naglagay non.
"Loko 'tong mga 'to ah.." Kunot-noong bulong ko. Kinuha naman ni Nicky ang papel sa pinggan ko saka 'yon binuklat.
"Hey... this is for you." Sabi ni Nicky saka inabot sakin ang papel na lukot. Kinuha ko naman 'yon saka tinignan.
'Nice car Tracey... mind if I scratch it?'
Unti-unti akong natigilan.
"Shit...." Napatayo ako.
"What?"
"Huwag ang sasakyan ko." Gigil na sabi ko at binalingan si Nicky.
"Huwag ka ng sumunod sakin, mamaya na lang tayo magkita sa bahay." Sabi ko sakanya at mabilis ko siyang iniwan sa canteen. Tumakbo ako palabas ng gate ng school pagkuway nagtungo sa kinapaparadahan ng sasakyan ko. Ilang metro pa lang ako ay nakita ko na si Trevor. Nakasandal siya sa gilid ng van ko habang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Napansin kong gumagalaw ang kamay niya.
Padabog na lumapit ako sa direksyon nila at inagaw ang nasa kamay niya.
"Hey!" Sabi niya, tinapon ko sa lupa ang batong hawak niya saka ko tinignan ang gilid ng van ko na may gasgas na. Huminga ako ng malalim saka siya binalingan.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya. Nakita kong umalis na ang mga kasama niya.
"Sumama ka sakin.." Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya. Hindi naman ako sumunod sakanya. Tumigil naman siya at bumaling sa direksyon ko.
"Sabi ko sumama ka sakin." Kunot-noong sabi niya. Pinamewangan ko siya.
"At bakit naman?"
Bumuga siya ng hangin. "Basta."
"Sabihin mo muna sakin kung bakit kailangan kong sumama sayo. Ano? Ipapakulong mo 'ko sa pulis? Papatayin o...." Natigilan ako sa naisip ko.
‘’No... no, kung ano man 'yang balak mo mali ka ng iniisip."
Nagsalubong naman ang makapal niyang kilay.
"What the hell are you talking about? Just come with me, I want to show you something." Sabi pa niya, mas lalo akong natigilan.
"Ganon ba..." Sabi ko saka naman ako sumunod sakanya. Tumalikod naman siya at nagpatuloy sa paglalakad, nakita kong lumapit siya don sa isang kotse. Natigilan ako.
'Taray.... BMW sport.'
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan saka ako binalingan.
“Doon ka sa kabila. Help yourself." Nakataas ang sulok ng labi na sabi niya saka pumasok sa loob. Napaismid naman ako saka ako umikot sa kabilang side ng kotse niya. Tahimik na pumasok naman ako sa loob ng sasakyan niya, nanuot agad sa pang-amoy ko ang mabango at malamig na amoy ng aircon niya. Binalingan ko siya,
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko pa sakanya. Binuhay naman niya ang makina ng sasakyan at nag-umpisa ng i-andar.
"Kinuha mo ang privacy ko 'diba?" Sabi niya habang nakatutok ang tingin sa harap. Kumunot naman ang noo ko.
"Edi sorry..." Sabi ko sakanya. Tumaas lang ang sulok ng labi niya.
"Sorry is not enough miss Marcelino..."
Tinatamad na nilagay ko ang isa kong paa sa dashboard niya.
"Eh ano? Gusto mo bang magmakaawa pa 'ko sayo? Oh baka gusto mong maging nanny mo ako? Katulong o....slavery?" Natawa pa 'ko ng mahina sa huli kong sinabi.
He chuckled. "None of the above... and one more thing. What happened to us....it was just a one night stand."
Natigilan ako sa sinabi niya, muli ko na namang naramdaman ang kirot na 'yon. Tumikhim lang ako saka ako umayos ng upo, tinignan ko siya. Unang pumukaw sa atensyon ko ang maliit niyang nunal sa sentido.
'Gwapo sana.... masama lang ugali.'
"Oh eh anong kailangan mo sakin kung ganon?" Tanong ko sakanya.
"Work for me..." Sabi niya. Kumunot ang noo ko.
"With you?" Ulit ko sa sinabi niya.
"No... for me." Pandidiin niya pa. Mas lalong kumunot ang noo ko.
"At bakit ako magta-trabaho para sayo?"
"Hindi ba sabi mo ay iba't-ibang kliyente lang kumukuha ng serbisyo mo? Kaya magmula ngayon, kailangan mo ng magtrabaho sakin. Ako na ang bahala sa mga magiging kliyente mo..." Sabi niya pa saka sumilay pa ang matagumpay na ngiti niya.
"Don't worry about the money.... I will make it triple." Ani pa niya. Napanganga na lang ako sakanya.