Chapter Five

2202 Words
"HINDI ka seryoso sa sinabi mo 'diba? Saka sandali, pwede bang naka-uniform dito?"   Huminto naman si Trevor at malamig ang tingin na binalingan ako.   "Yes, I'm serious.... i'm not a fan of silly jokes." Sabi niya saka muling tumalikod. Nakaismid na sumunod ako sakanya.   'Edi wala ka pa lang sense of humor..'   Natigilan na lang ako habang papasok kami sa loob ng club, ito 'yung club na pinuntahan namin ni Nicky. Napalunok na lang ako nang maalala ko na naman ang gabing 'yon, napatingin ako kay Trevor. Bigla kong naalala ang sinabi niya.   'Hmp! Pake ko ba? Hindi ba piece of tisue lang naman sakin 'yon? So what's the big deal?'   Nang makapasok na kami sa loob ng club ay nakita kong nag-aayos ng mga lamesa ang mga nandon, nakita ko din ang ilang nagre-rehersal na mga babae sa gitna ng stage. Maging ang isang lalaki na abala sa mga stereo niya sa gilid. Tingin ko siya ang DJ ng club.   "Here..."   Bumaling ako kay Trevor, pumunta kami sa gilid. Napalunok uli ako nang makita ko ang pamilyar na pasilyo. Nang tumutok kami sa isang pinto ay nakita kong natigilan si Trevor at tumingin sa pintong 'yon.   "Ano? Maglakad kana." Sabi ko sakanya, nakataas ang sulok ng labi na binalingan niya ako saka siya muling nagpatuloy sa paglalakad. Inirapan ko siya, tinignan ko saglit ang pinto na 'yon kung saan nawala ang perlas ko.   'Hindi na talaga ako papasok sa ganyang pinto!'   Nagmamadaling sumunod na ako kay Trevor, nagtaka pa 'ko nang gumawi siya sa kanan. Nakita ko na naman ang ilang mga pintong nandon, kaya lang hindi kagaya ng mga nasa unahan. Kulay itim ang mga pintong nandon, ang ilaw sa pasilyo ay dark blue. Chill filled down in my spine... may nakakatakot pala silang lugar dito.   "Anong ginagawa natin dito? Ano ba 'to? Hunted house?" Tanong ko kay Trevor pero hindi niya ako sinagot. Huminto kami sa pang-walong pintuan. Binuksan 'yon ni Trevor saka pumasok sa loob, nagtataka man ay sumunod na rin ako sakanya. Nagtaka pa 'ko dahil wala naman akong ibang nakita kung hindi ang nag-iisang bookshelves lang naman na nasa pader. Lumapit si Trevor don at pinagapang ang hintuturo sa mga libro.   "Here..." Bulong niya saka tinulak ng bahagya ang isang libro.   "Anong---   Nagulat ako nang mula sa kung saan ay may umugong na parang makina. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumukas ang malaking bookshelves na parang pinto. Kasunod non ay isang tugtog ang narinig ko mula sa loob non, It sounds Like a G6? Binalingan ako ni Trevor.   "Halika na.." Sabi niya saka naunang pumasok sa loob. Nag-aalangan man ay sumunod ako sakanya saka sumulip sa loob, umawang ang labi ko nang sumalubong sakin ang makapal na usok.   'Poppin bottles in the ice, like a bizzard   When we drink we do it right gettin slizzard   Sippin sizzurp in my ride, in my ride, like Three 6   Now i'm feeling so fly like a G6   Like a G6, like a G6   Now now now now now now I'm feeling so fly like a G6   Like a G6, like G6   Now now now now now now I'm feeling so fly like a G6..'   The sound is archaic but still catchy, mukhang maganda ang blending ng DJ sa tugtog dahil hindi pa 'yon mukhang luma sa pandinig. Napatingin ako sa mga taong nandon, nang balingan ko ang dinaanan namin kanina ay nakasara na ang pinto. Muli akong bumaling sa paligid.   'Ang dami pa lang tao dito..'   'Sippin on, sippin on sizz    Ima ma-make it fizz    Girl I keep it gangsta, poppin bottles at the crib    This is how we live, every single night    Take that bottle to the head, and let me see you fly like a G6..'   Napangiwi ako nang makita kong halos magdikit-dikit na ang mga katawang nandon, humalo na lahat mapababae man o lalaki. They're look out of their mind. They look like control by something.... bigla kong napansin ang kakaibang amoy na 'yon sa hangin. Kung hindi ako nagkakamali, drugs 'yon.   's**t ano bang lugar 'to...’   “Hey...”   Mabilis akong napabaling nang maramdaman ko ang bulong na 'yon sa tenga ko. Nakita ko ang isang matangkad na lalaking nakangisi sakin, may hawak itong chalice sa kanang kamay. Sobrang payat ng katawan niya at may tattoo pa sa braso.   "Mag-isa ka lang ata miss." Nakangising sabi niya habang tabingi ang ulo na lumalapit sakin. Napalunok naman ako saka ako tumingin sa paligid.   ‘Shet hindi ko napansin si Trevor...'   Bigla akong hinawakan ng lalaking 'yon.   "No!" Agad kong binawi ang braso ko, nagdilim naman ang mukha niya.   "Ah... may kasama ako. 'Yung mama at p-papa ko.... hehe.." Kinakabahang sabi ko, nasaan ka na ba Trevor?!   Nakita kong mas lalong tumiim ang tingin niya sakin. Hindi ako nakagalaw nang muli siyang lumapit sakin at akmang hahawakan ako.   “Leave her alone..."              Natigilan ako nang marinig ko ang boses na 'yon sa likod ko. Kasunod non ay ang pag-hawak sa kamay ko, nakita kong natigilan ang lalaking kaharap ko.     "T-trevor, sorry I thought---   Binalingan ko si Trevor, matiim na matiim ang tingin niya sa lalaki.   "Try to touch her again, I will cut your f*****g arms out of your body." Madiing sabi ni Trevor, binalingan ko uli ang lalaking 'yon na nag-iwas ng tingin kay Trevor. Tinalikuran niya kami. Hinila naman ako ni Trevor.   'Wow...taray niya ah.'   "Saan kaba pumupunta ha?" Naiinis niyang sabi sakin habang hila ako.   "W-wait, where are we?" Tanong ko kay Trevor. Nakipagsiksikan kami sa mga taong nandon.   "Hiding from a real life I guess..." Sabi niya, kumunot ang noo ko.   "Inaasahan mo na masasagot ko 'yang riddles mo?" Sarkastikong sabi ko, nakita kong patungo kami sa isang pintong kulay itim.   "You wouldn't understand..." Sabi ni Trevor saka kami pumasok sa loob non, natigilan ako nang makita ko ang ilang kalalakihang nandon. May isang malaking bilyar sa gitna, sa sulok naman ay isang mini bar at isang itim na sofa. Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko, he's holding a small straw and doing something. Nag-angat siya ng mukha at bumaling sakin, kinindatan niya pa 'ko.   'Ano bang lugar 'to...'   "Trevor.." Bumaling ako sa boses na 'yon, nakita kong nakatuon ang tingin nila sa direksyon namin. Sandali akong binitawan ni Trevor saka niya nilapitan ang tumawag sakanya. Nag-tap-an sila ng lalaking sumalubong sakanya pagkuway bumaling sakin.   "Halika..." Sabi niya sakin, sumunod naman ako sakanya. Nakita kong umupo sa sofa ang isang matangkad na lalaki at bumaling sa direksyon namin ni Trevor. Naglagay naman sila ng dalawa pang upuan, kusa naman akong naupo kahit hindi pa ako umuupo.   'Nangangalay na kaya ako..'   Sa kabilang side ko naman si Trevor.   "So, you are Tracey Agatha Marcelino?" Tanong sakin ng lalaking kaharap ko. Sobrang puti niya, may iilan din akong pekas na nakikita sa bandang ilalim ng mata niya bagamat bumagay naman sakanya, malamig na malamig din ang boses niya pero hindi ko alam kung bakit nangingilabot ako. Tumango ako sakanya. Nakita kong may kinuha siya mula sa bulsa niya, natigilan ako nang bigla kong naramdaman ang paglibot ng mga lalaking 'yon sa likuran ko.   "She's a girl?" Sabi ng isang lalaki.   "Yeah..." Sagot naman ni Trevor na prenteng naka-upo lang. Biglang may yumukod sa tabi ko at tinitigan ako.   "Wow.... you're pretty huh." Nakataas ang sulok ng labi na sabi niya, mukhang maloko ang mukha niya at hindi gumagawa ng kabutihan. Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko.   "I'm Rusty Napoleon, at your service madame..." Nakataas ang sulok ng labi na pakilala niya. Tinignan ko lang ang kamay niya.   "Ahm..." Nahihiyang binawi niya ang palad niya saka ngumiti ng malawak sakin.   "....gusto mo ba yakap na lang?" Aniya at akmang yayakap sakin.   "Lumapit ka lang sakin sasapakin kita.." Banta ko sakanya, natigilan naman siya. Narinig ko ang ilang tawanan sa likuran ko.   "Oopps, na-reject si Napoleon." Natatawang sabi ng nasa likuran ko. Nakangiwing lumayo naman sakin ang Rusty na 'yon at tinaas ang gitnang daliri sa kaibigan.   "Eat my finger Dale.." Aniya, umirap lang ako sa hangin saka ko binalingan si Trevor na umiinom lang ng whiskey.   “Ano bang ginagawa ko dito?" Tanong ko sakanya.   "Here..." Bigla namang nagsalita ang lalaking 'yon. Binalingan ko siya, inabot niya sakin ang cellphone niya manipis. Natatakot akong hawakan dahil baka mabali 'yon pero sigurado ako na kahit ganon 'yon kanipis mahal 'yon. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang pamilyar na video na 'yon.   "Is he one of your client?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako.   "Oo, siya 'yung sinundan ko one year ago ata..." Sabi ko, sa video na 'yon ay nakita kong papasok ng hotel ang lalaking 'yon. Naalala ko muntikan na rin akong mahuli diyan pero buti naman at nalusutan ko agad. Binalik ng lalaking 'yon ang cellphone niya sa bulsa at nakahalukipkip na tinignan ako.   "I'm Clarkson De Salviente and you're here because I want to ask you some question..." Malamig na sabi niya, tumingin naman ako kay Trevor. Parang pansin ko magkakahawig sila.   "He's my half-brother.." Sabi ni Trevor na mukhang nahulaan ang sinasabi ko. Umawang ang labi ko.   “May kalahi ka pala?" Kunwari gulat na sabi ko, narinig kong tumawa ang Rusty na 'yon sa tabi ko.   "Sabi sayo Trevor, akala ko ako lang nagdududa na may kalahi ka pala." Sabat nong Rusty. Uminom naman si Trevor.   "f**k you..." He said underneath of his breath reffering to Rusty.   "Look Miss Marcelino..." Panimula ng Clarkson na 'yon, binalingan ko uli siya.   "This is important... what did you know about this guy?" Tanong niya sakin, tumingin naman ako sa kisame na para bang doon ako makakakuha ng sagot.   "Ahm... naalala ko hindi lang siya 'yung mag-isa sa hotel eh." Sabi ko saka ako napangiwi, naalala ko bigla ang nakita ko.   "He's gross... I think he's fan of fifty shades of grey you know.." Nakangiwing sabi ko pa. Ilang araw ko din kasing sinundan ang lalaking 'yon eh.   "Whoah... ibig sabihin nakakapanood ka ng live? How does it feel?" Sabat na naman ng Rusty na 'yon. Tiningala ko siya.   "I'm not like you jerk." Sabi ko sakanya, nakita kong tinapik siya sa balikat ng katabi niya.   "Lumabas kana dito wala kang naitutulong." Natatawang sabi ng katabi niya, muli kong binalingan ang Clarkson na 'yon.   "Look, matagal na 'yan okay? Wala na nga akong alam kung nasaan ang lalaking 'yan eh." Sabi ko sakanya.   "Of course, because that guy was found dead."   Nanlaki ang mata ko at binalingan ko si Trevor.   "Panong dead? As in dedo na?"   "Someone poisoned him..." Sabi ni Clarkson, muli akong tumingin sakanya.   "Sabi mo na hindi siya mag-isa sa hotel na 'yon 'diba? Lalaki ba o babae ang kasama niya?" Tanong niya sakin. Muli ko namang hinanap sa isip ko ang araw na 'yon.   "Lalaki ang kasama niya noong araw na 'yon. Ilang minuto lang ata 'yung pagitan nang sunod na dumating sa room niya 'yung lalaking 'yon eh."   "And then...." Hintay niya sa sasabihin ko.   "Saka na rin ako pumasok, binuksan ko 'yon pinto nila gamit 'yung pin ko. Tapos narinig kong nag-uusap sila no'ng lalaking 'yon habang umiinom ng kape."   "So did you hear something?" Sabi naman ni Trevor, napalabi naman ako saka ako tumango.   "I'm not sure, ang hihina kasi ng mga boses nila eh. Pero sigurado ako na nagtatalo sila ng lalaking kausap niya. Pinag-uusapan nila 'yung bean ata 'yon.." Sabi ko pa, nakita kong nagkatinginan sila Trevor at Clark.   "We can use her.." Sabi ng isang boses sa likuran ko, kumunot naman ang noo ko.   "You're right.." Sabi ni Clarkson saka umayos ng upo.   "Sandali, ano ba kayo dito? FBI? Ang dami niyong tanong sakin." Tanong ko sakanila.   "Dahil hawak mo ang mga redmarks..." Sabi ni Trevor, kunot noong tinignan ko siya.   "Sigurado ako na may mga copies ka pa ng mga ilang video ng record noon mo tama ba?" Sabi ni Trevor. Tumango ako sakanya.   "2014-2016 lang ang meron ako. Binura ko na 'yung iba eh." Sabi ko naman, tumaas naman ang sulok ng labi niya at tinitigan ako.   "So that's why you have to work for me. I need you.."   Biglang dumungaw ang ulo sa pagitan namin ni Trevor ang Rusty na 'yon. Ngiting-ngiti na palipat-lipat ang tingin niya saming dalawa ni Trevor.   "I need you daw ehh..." Nakakalokong sabi niya samin, marahas na bumuga naman ng hangin si Trevor.   "Get lost fucker."   Biglang may humila ng patilya ni Rusty dahilan para mapalayo siya samin.   "Aray! Tangina naman Drake huwag 'yung patilya ko!"   Tumayo naman si Trevor at hinawakan ang kamay ko.   "Aalis na kami." Sabi niya, tumayo naman ako. Tumango lang si Clarkson.   "We'll talk later...." Sabi niya kay Trevor, mahigpit naman akong hinawakan ni Trevor sa palad at hinila.   “Bye two lovers..." Nakangising sabi ng isang lalaki. Sabay naman kaming lumabas ng kwartong 'yon ni Trevor.   "Wait, what is the meaning of this? Anong redmarks sinasabi mo diyan?"   Binalingan naman niya ako. "I'll tell you later okay?" Aniya at hinila ako, inakbayan niya ako at hinapit papalapit sa katawan niya. Napatingala naman ako sakanya.   "Baka kung saan-saan ka na naman pumunta eh.." Hindi tumitingin na sabi niya. Napalabi lang ako at nag-iwas ng tingin sakanya.   'Mukhang sunod-sunod ang gulong mangyayari sakin ha...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD