"HINDI ka magto-two piece?" Bumuga ako ng hangin ng marinig ko ang boses ni Trevor. Binalingan ko siya. "Mukha ba 'kong mahilig mag-two piece? Saka..." Niyuko ko ang suot ko, isang itim na sando at maikling short ang suot ko. "....okay na 'to." Dugtong ko po pagkatapos ay tumingin ako sa malawak na dagat sa harap ko. "Sabagay, less attention." Sabi ng katabi ko. Kumunot ang noo ko at binalingan ko siya, tinalikuran niya ako saka siya lumapit sa mga kapatid kong nagtatayo ng sand castle. Natanaw ko naman sa tabing dagat si Jayana, kumunot ang noo ko sa suot niya. ‘Anong drama ng baklang 'to?' Nakasuot lang naman siya ng short na mukhang mas maikli pa sakin! Yung sando niyang puti ay nakatiklop hanggang sa bewang niya. Nakita kong lumapit siya kina Trevor. Naiiling na

