TREVOR POV 'Pakisabi din kay Trevor na huwag na nilang naising magkapatid na lumapit kay boss. Kahit si papa, hindi alam kung nasaan ang hideout ni boss. Mapapahamak lang ang taong malalapit sakanila.' Natawa lang ako ng pagak nang maalala ko ang sinabi ni Froilan, padaskol na binato ko sa loob ng locker ang notebook ko. "Trevor...." Pailalim na lumingon ako sa may-ari ng boses na 'yon. Walang emosyon na sinara ko ang locker ko saka ko siya binalingan. "What?" "Can we talk?" Ani Froilan. Tumaas naman ang sulok ng labi ko saka nakapamulsang tumalikod. "Go f**k yourself..." Sabi ko sakanya. "Tungkol 'to kay Marcelino." Natigilan ako sa sinabi niya, muli ko siyang nilingon. Huminga siya ng malalim saka sumandal sa mga locker at sinuksuk ang kamay sa bu

