TREVOR POV "MUY iho..." Napahinto ako sa page-empake nang marinig ko ang tinig ni mama. Bumaling ako sa labas ng pinto. "Where have you been?" Kunot-noong tanong niya sakin. Huminga ako ng malalim saka ko kinuha ang ilang damit na nsa kama ko. Sinuksok ko ang lahat ng 'yon sa malaking maleta ko. "Vacation mom." Sagot ko naman. "You're lying, sinabi na sakin ni Chloe ang lahat. Sinabi niya na may kinalolokohan kang babae ngayon. Is it true muy iho?" 'Fuck...' Sinara ko ang zipper ng maleta ko at muli ko siyang binalingan. "Yeah.... at labas na kayo doon mom." Sabi ko sakanya, naghalukipkip siya sa harap ko. "How dare you to say that to me. Iyan ba ang natutunan mo sa babaeng 'yon? Ang sumagot sa akin?" Seryoso ang mukhang sabi niya, iniwas ko ang ting

