KUMUNOT ang noo ko nang makita ko ang isang truck sa harap ng building ng condo na tinutuluyan ni Trevor. Mas lalo akong nagtaka nang makita ko ang kotse ni Trevor sa truck na 'yon. Napatingin ako kay Trevor na kausap ang isang lalaking may edad na. Nagmamadaling pinark ko ang van ko sa gilid saka ko pinatay ang makina pagkatapos ay bumaba. "Please just give me one week ako na mismo ang magdadala---- "I'm sorry Trevor iho, pero inutos 'to ng daddy mo." Natigilan ako nang marinig ko ang usapan nila na 'yon. Napatingin ako kay Trevor na bagsak ang balikat, tinapik siya ng lalaking 'yon sa balikat. "Mag-usap kayo ng daddy mo, he's really mad at you. Magiging maayos din ang lahat kapag bumalik ka uli sakanya." Sabi pa ng lalaking 'yon. Ilang sandali muna niyang tinignan si Tre

