"HAPPY monthsary baby...” Natatawang umiling ako nang makita ko ang hawak ni Trevor, isang soap flower at isang bear na may 5ft ata ang taas. Halos hindi ko pa nga makita si Trevor dahil nasa likod siya ng bitbit niyang bear. Gumilid naman ako para silipin ang mukha niya. "Ano na naman 'yang binili mo beerus?" Natatawang sabi ko sakanya, nakangiting sumilip siya sa gilid ng bear. "Gift..." Sabi niya saka lumapit pa sakin, kinuha ko naman ang teddy bear na hawak niya saka niyakap 'yon. Nang tignan ko siya ay nakita kong nilapag muna niya ang soap flower sa gilid. Nasa balcony kami ngayon ng condo niya, gusto sana niyang lumabas kaya lang ayoko. Nagpaalam siya sakin saglit dahil daw may kukunin siya kay Justin, 'yon pala ito ang kukunin ni loko. “Akina 'yan yakap mo at baka i

