"TREVOR, trevor gising.." Unti-unti akong dumilat nang marinig ko ang boses na 'yon, naramdaman kong gumalaw ang katabi ko kaya pumikit uli ako. "Bakit?" Boses 'yon ni Trevor. “Nasa labas si Chloe hinahanap ka." Ani Clarkson. Nagkunwari naman akong natutulog, naramdaman kong umupo si Trevor. "Sabihin mo pupuntahan ko na lang siya sakanila." "Nagwawala sa labas ng club at inaaway si Mikky. Puntahan mo na, kami na ang bahala kay Tracey." 'Wala talagang kasing kapal ang mukha ng babaeng 'yon!' "f**k!" Naiinis na bulong ni Trevor, ilang sandali lang ay naramdaman ko ang malamig na kamay na 'yon sa noo ko. "Pero may lagnat pa siya kuya..." Sabi ni Trevor. "Kami na ang bahala Trevor. Gusto mo bang masira ang balak niyo ni mama?" Ako naman ang natigilan sa

