'EVERYTHING is back... well, I guess.' Bulong ko sa sarili ko habang papunta ako sa library. Hindi ko matatawag kung ayos na ba uli kami ni Trevor, kaninang umaga ay hinatid naman niya ako. Pero naghiwalay din kami nang makapasok na kami sa loob ng school. Bigla kasing dumating si Chloe at dumikit na naman kay Trevor. Wala namang binabanggit sakin na kahit ano si Trevor, pero kagaya ng sabi niya magtiwala ako sakanya. Huminto muna ako sa paglalakad at saka sumilip sa board sa gilid kung anong latest announcement. "Tracey! Tracey!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Nakita kong ang dalawang kaibigan ni Trevor na papalapit sakin. "Ako nga pala si Jaze.." Sabi ng lalaki saka nilahad ang kamay sakin, kunot noong tinanggal ko naman ang pakiki-kamay niya. Nagtaka ako

