Chapter 32 MATAGAL PA ANG pagstay namin ni Cedrick sa puntod ni Angelo. Ayaw ko pa sanang umalis kaso kailangan dahil pupunta pa kami sa resort DR. Bago ako tumayo tinitigan ko ulit ang pangalan ni Angelo. Wala nang luhang lumalabas sa mga mata ko. Tanggap ko na wala na siya, matagal ko nang pinalaya ang puso ko para sa kaniya. Sa ngayon pinag-iisipan ko kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Kung ano ba talaga ito? Dahil kung kayo ay naguguluhan sa akin, mas lalong ako ay naguguluhan rin sa sarili ko. "Angelo, aalis na kami ni Cedrick. Salamat, sana tulungan mo akong mahanap ang kasagutan sa mga tanong na nasa isip ko. Dahil naguguluhan na ako sa sarili ko. Sana tulungan mo ako. Ang sign na hinihingi ko. Kung hindi iyon mangyayari, iisa lang ang ibig sabihin 'nun...hindi mo ako pinapayag

