Chapter 33 KASALUKUYAN AKONG nagbibihis ngayon ng uniporme ko sa silid. Ngayon na ang araw na makikilala nila si Miss Pangit. Tingnan natin kung anô ang magiging reaksyon nilang lahat kapag makita nila ako? Kapag makita nila akong mayaman at maganda? Tapos kasama pa ang ultimate heartthrob na si Cedrick Villaurel? Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag malamang asawa ko si Cedrick? Parang magugulat sila. Parang kakainin nila ang lahat ng mga pinagsasabi nila noon sa akin. "Ena? Tapos ka na ba? Halika na. Andiyan na sila Medel at Deigo sa baba. Magsisimula na ang class after a minutes. First day pa naman tapos malelate tayo."napahinto ako dahil nagsalita si Cedrick sa likuran ko. Nilingon ko naman siya. Nakatapos narin akong magbihis bago siya pumasok ng silid ko. Ngumiti ako sa kaniy

