Chapter 29 After one year and 6 months... "BILISAN NIYO, kanina pa naghihintay si Cedrick."utos ni Jea sa mga nagkakarga ng gamit namin papunta sa kinaroroonan ni Cedrick. Nauna na kasi siyang bumaba. Andito kami ngayon sa airport kakababa lamg namin ni Jea. Ooh, si Jea. Naaalala pa ba ninyo? Siguro naaalala pa ninyo. Kahit isang taon na ang nakakalipas. Si Jea, naging kaibigan ko na siya. Sasama raw siya sa akin pag-balik ng pilipinas. Ngayon ay nasa Pilipinas na kami. Sasamahan niya raw akong mag-revenge. Alam na niya ang lahat, pati sa fake naming relasyon ni Cedrick. Ang lahat ng kasinungalingan na ikwento ko na sa kaniya iyon. Kaya ngayon sasamahan niya ako para mag-hinganti. Mayaman rin pala siya. Papalabas na kami ng airport. Karga-karga ko si Luan. Ayaw kasing mag-karga ni Cedr

