Chapter 30 BINIBIHISAN KO ng damit si Luan dahil mag-sisimba daw kami sabi ni Cedrick. Ewan ko nga, dahil bigla na lang nangyaya na mag-simba. Ang pagkakaalam ko kasi hindi siya maka-diyos. Tapos ka gabi napag-usapan na namin ang plano naming dalawa kaya ngayong araw na ito mag-sisimula ang lahat ng hakbang naming dalawa. Matapos daw kaming mag-simba dadaan ako kina Medel. Dadaanan ko rin ang mga magulang ni Angelo. Titingnan ko kung ano ang magiging reaksyon nila. Pagkatapos, pupunta kaming dalawa doon kina mama at papa. Kakamustahin ko sila. Pagkatapos, malalaman niyo yan mamaya. "Halika na! Tapos mo na bang bihisan si Luan? 'Yan kasi, hindi dapat ikaw ang gumagawa niyan. Pina-alis mo kasi lahat ng katulong natin. 'Yan tuloy ikaw ang gumawa. Pina-iral mo kasi kahapon ang ka malditahan

