ANDITO AKO ngayon sa kotse ni Cedrick. Seryoso siya sa pagmamaneho. Saan niya kaya dinala sina mama at papa pati ang kapatid ko? Baka may gagawing masama sa kanila si Cedrick at hindi ko nalang napapansin? “Saan mo talaga dinala ang mga pamilya ko Cedrick?”tanong ko sa kaniya. Ilang minuto akong nag-hintay para sagutin niya ang tanong ko pero wala akong natanggap na sagot galing sa kaniya. “Kainis!”biglang sigaw ko at sa pag-sigaw kong iyon nakuha ko ang atensyon niya. “Please, just shut your f*****g mouth?”sigaw niya sa akin. Inirapan ko lang siya at nag-cross arm ako. “Sabihin mo na kasi sa akin kung saan ang pamilya ko. Para hindi ako sumigaw dito.”sabi ko naman sa kaniya. “Kahit sumigaw ka diyan, hindi ko sa iyo sasabihin.”tigas niyang sabi. Talagang ayaw niya ha? Hinahamon niya

