Chapter 21 "SO, ITO NA ang papel na ito. Mag-pirma ka na diyan para masigurado kong susumod ka sa usapan. Wala kang takas kapag tatakas ka man."sabi sa akin ni Cedrick sabay abot sa akin ng isang pirasong papel na may mga sulat. Nangunot naman ang noo ko. "Ano naman ito?"taka kong tanong sa kaniya. Andito kami ngayon sa silid ni Luan, ang anak niya. "Iyan naman ang patunay na sumusunod ka sa usapan. Isa yang kontrata. Nakasaad diyan ang mag-sasama tayo bilang asawa. Asawa kita at nanay ng anak ko. At ikaw ay tutulungan kong gawing maging mayaman na babae at magandang babae sa balat ng lupa. Nakasaad din diyang kung hanggang kailan iyon. Magtatapos lang ang lahat ng nakasaad diyan kapag nahanap ko na ang totoong nanay ni Luan."mahaba niyang paliwanag sa akin. Napatango-tango ako sa s

