Chapter 18 ANDITO PARIN ako ngayon sa hospital. Binabantayan ko ang mga nag-aayos kay Angelo na lumabas ng morgue. Hindi ko akalain na mawawala talaga siya sa buhay ko. Ang daya naman. Kung saan na, kami masaya at kung saan may tao nang nag-mamahal sa akin ng buo at tanggap ako. Doon pa, doon pa siya mawawala. Talaga bang galit sa akin ang mundo kaya ako pinapahirapan ng ganito? Ano ba ang kasalanan kong nagawa? Meron ba? Kung wala eh, bakit ito nangyayari sa akin? Bakit nawala sa buhay ko si Angelo? Bakit siya kinuha sa akin? Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Kung sino ang masasandalan ko. Hindi oo rin masabi kina mama at papa ang nangyari. Hindi ko kayang masabi sa kanila, hindi ko kayang sa akin mismo manggaling na wala na si Angelo. Ayaw ko ngang matanggap. Para sa akin buhay

