Chapter 17 PAG-LABAS KO ng room namin ni Angelo ay agad akong tumungo kung saan siya bumili ng mineral water. Kanina pa iyon hindi parin bumabalik. Kinakabahan na ako. Pawis na pawis na kaya ako. Habang nag-lalakad ako ay bigla nalang may pumutok na isang baril! Nagtakip naman agad ako ng tainga ko. Kinabahan ako bigla. Napatigil ako nang may nakita akong mga lalaki sa unahan na tumakbo. At nakita ko ang isang lalaki sa unahan na naka handusay. Madilim sa parte ng lugar na iyon. Kaya hindi ko nakilala ang mga lalaking nagtatakbo. Nang makaalis na ang mga ito. Nagsidatingan narin ang mga tao at pinaligiran nila ang taong nakahandusay na iyon. Sa kaba ko kung sino iyon, ay agad akong kumaripas ng takbo at pumunta sa pwesto nilang lahat. Pinanghahawi ang mga taong nakapaligid. Hindi ko

