Chapter 1

2578 Words
Chapter 1 Napamulat ako bigla nang marinig ko ang pagtunog ng aking alarm clock sa gilid ng aking kama. Agad ko itong hinawakan at naibato sa dingding ng aking silid. Bumangon ako't tumitig sa labas ng aking silid. Napakasinag ng init ng araw. Ang ganda ng panahon. Humakbang ako papuntang banyo para maligo. Ramdam ko ang malamig na tubig na rumaragasa sa aking katawan. Nakakaginhawa ang bawat pagdaloy niyon sa aking katawan. Tumungo ako sa salamin at pinakatitigan ang aking sarili. Ngumiwi ako nang makita ang aking mukha. Umiling-iling ako saka napangisi ng nakaka asar. Bakit? Bakit ako lang ang may ganitong ganda? Kulot na buhok na magulo. Check. Makapal na kilay. Check. Maraming pimples tadtad buong mukha. Check. Makapal na labi. Check. Ini-pony tail ko lang ang aking buhok dahil ka'y pangit nitong tingnan kapag nakalugay sa aking bewang. Tumungo ako sa pintuan ng aking silid pagkatapos mag bihis at mag ayos. Paglabas ko ay nakasalubong ko agad ang kapatid kong si Mesy. Maganda ang kapatid ko. Ewan ko kung bakit ako naging pangit. Eh, ang gaganda at ang g-gwapo ng mga pinsan ko. Pati naman si mama maganda at si papa gwapo. Minsan nga nagtataka ako, kung anak nga nila ako mama at papa. Ako lang ang pangit, sabi naman ni mama sa akin, "Ganyan talaga iyan. Gaganda ka rin sa huli." Hindi na ako umaasa na gaganda pa ako, dahil ilang taon ang hinintay ko para maging maganda, pero wala pa ring nagbabago sa itsura ko. "Hi, Ma, Pa. Good! Morning," bati ko agad sa kanila nang makarating ako sa kusina namin. Hindi naman kalakihan ang bahay namin. May maliit kaming sari-sari store kung saan iyon ang tumutulong sa amin at ang libangan ni mama. Si papa naman ay isang driver ng jeep. "Oh, anak. Umupo ka na at kumain, at baka ma-late kayo sa school ninyo," yaya sa akin ni mama. Humalik ako sa kaniyang pisngi at maging kay Papa. "Pa, ihahatid niyo po ba kami ni Mesy sa school?" "Oo, bakit?" takang tanong ni papa. "Eh, wag na po. Si Mesy na lang po ang ihatid ninyo sa school. May dadaanan pa po kasi ako, eh," sagot ko naman. "O sige, basta siguraduhin mong ligtas kang makarating sa school mo ha." "Opo, Pa." Tumayo na ako sa aking pagkakaupo nang matapos ko nang kainin ang aking almusal. Bumaling ako kina mama at papa na kumakain pa. "Ma, Pa. Alis na po ako," paalam ko sa kanila sabay halik sa kanilang pisngi. "Mag-iingat ka," paalam din nila sa akin. Ngumiti ako at tumango. "Salamat po, kayo rin." Tuluyan na akong lumabas ng bahay. Hindi ako sumabay kina Papa dahil may balak akong daanan ang aking kaibigang si Medel Derize. Si Medel Derize. Mabait siya. Actually, hindi ako ang nakipag kaibigan sa kanya. Ilang beses ko na siyang ini-snob kaso lapit parin ng lapit sa akin. Kaya ito tinanggap ko siyang maging kaibigan ko. Masasabi kong siya ang nagpatotoo sa akin. Siya lang ang tunay kong kaibigan at wala nang iba pa. Kasi andiyan siya para sa akin kapag kailangan ko siya. Tinutulungan niya ako sa magiging problema ko. Kung may nang-aapi sa akin. Andiyan siya parati para ipagtanggol ako. Maganda siya di tulad kong pangit. Simple lang siya at matalino rin at mabait. Hindi pa ako nakakarating sa harapan ng kanilang bahay narinig ko agad ang malakas niyang boses na bumati sa akin. "Ena! Sabi ko nga ba at dadaan ka!" Nakangiti siya nang malawak. Nakabihis ng uniporme namin sa Ahelo University. Bitbit niya ang mga libro at nakasukbit naman ang shoulder bag sa kaniyang balikat. Magkaklase na kami since first year. Hanggang ngayong 3rd year high school ay magkaklase pa rin kami. "Medel, ano natapos mo ba project natin?" tanong ko agad sa kanya nang makalapit ako. Nakita ko kung paano lumikot ang kaniyang mga mata. Nakaramdam ako ng kakaibang pagbundol sa aking dibdib. Tinitigan ko siya ng naniningkit ang mga mata. "Wag mong sabihing hindi mo natapos?" Ngumiti siya nang nakakaasar sa akin. "Well, you know Medel Derize. Ako pa ba, siyempre tapos ko na ang project natin." Napatawa na lamang ako at napailing. Tumatakbo lang kami papuntang school. May short cut kasi kaming daan. Kapag sa main street ka dadaan ay malayo. Kaya kapag mag-sho-short cut kami ni Medel ay makakatipid kami. Mabilis pa ang pagdating namin sa school. Ang school nga pala namin ay Ahelo University- an exclusive school, dito sa lugar namin. Since dahil scholar kami ni Medel doon ay kailangan naming i-maintain ang grades namin. Mga mayayaman lang ang nag-aaral sa Ahelo. Kaya't masasabi kong swerte kami ni Medel dahil binigyan kami ng opurtunidad na makapag-aral sa isang sikat na paaralan. Mapalad din kaming dalawa dahil may mabuting taong tumutulong sa aming pag-aaral. "Ena, bilisan mo! Ma-le-late na tayo!" biglang sigaw sa akin ni Medel na nasa unahan ko lang. Napahinto ako dahil nakaramdam ako ng pagod. Takbuhin ba naman ang papuntang Ahelo? Haggard na ang itsura namin pagdating doon. Mas papangit pa lalo ako! "Oo!" Dito ako palagi dumadaan kay Medel dahil gusto kong dumaan dito sa short cut way dahil andito banda ang bahay ng crush ko. Pero alam kong wala na siya ngayon sa bahay niya kapag ganitong oras. Sigurado akong nasa school na siya ngayon. "Ena, dali bilisan mo. Si Angelo iyon, o!" sigaw sa akin ni Medel. Pagkarinig ko sa sigaw na iyon ni Medel, pakiramdam ko nawala ang pagod na aking nararamdaman ng mga oras na iyon. Mabilis kong tinakbo ang distansya papunta kay Medel. Excited kong masilayan ang aking crush na si Angelo. "Saan?"excited kong tanong sa kanya. Sabay tingin sa tinuturo niyang direksyon sa akin. "Hahahaha! Crush na crush niya nga si Angelo." tukso pa sa akin ni Medel. Nanlumo ako nang malamang wala naman si Angelo at pinag-t-tripan lang pala ako ni Medel. Napairap na lang ako sa hangin. Ilang beses na niya itong ginawa sa akin hindi na ako nasanay. Ilang minuto rin kaming umikot paka-liwa, bago kami nakarating sa harapan ng school. Pagpasok namin ay agd puro bulungan na ang sumalubong sa akin at kay Medel. "Yuck! Ang pangit pa rin niya." "Anong nangyari sa kanya? Mas pumangit pa siya nang pumangit." "Ano 'yan? Dumami pa ang pimples niya. Nakakadiri." "Kawawa naman ang kasama niya. Hindi man lang nandidiri sa itsura niya." "Ang ganda ng kasama niya. Pero siya parang isang halimaw sa-." "Hoy! Kayo! Tingnan niyo muna sarili niyo bago manghusga sa isang tao. Mas pangit kayo, ang papangit at ang iitim ng budhi niyo," galit na sigaw ni Medel sa mga kapwa namin estudyante na nagbubulungan kanina. Hinila ko siya palayo sa mga ito. "Halika na Med. Baka mapaaway ka na naman. Okay lang 'yon." "Okay? Okay lang 'yon sa iyo? Dapat hindi mo sila pinapalagpa, e. Nilalait ka Na, hinahayaan mo lang?" "Med. . . Okay, lang sa akin iyon. Kapag papatulan mo sila. Ma-s-stress ka lang. At madaling tumanda," nakangiti kong pagpapakalma sa kanya. "Oo nga 'no? Baka tumanda pa ako at ma-stress kapag papansinin ko sila," natatawa niyang sang-ayon sa akin. "Oo, tama yan." "Pero, hindi pa rin ako papayag na lalaitin ka nila nang ganito lang." "Medel! Salamat sa pagtatanggol mo sa akin, at sa concern mo. Pero hindi na kailangan, okay? Hayaan mo na lang sila." nakangiti kong sabi sa kanya. Tumango na lamang siya sabay ngiti. "Tara na nga. Baka nag-uumpisa na ang class natin." Nagsimula na kaming lumakad at hindi na pinansin pang muli ang mga nagbubulungan. Hindi na ako nasanay, ganito naman palagi. Pangit na ako, oo na pangit na. . . . MAAGANG NATAPOS ang class namin. Kaasabay ko ngayong palabas ng room si Medel. Mag-fo-four thirty na rin na ng hapon. "Ena, tara sabay na tayong umuwi," yaya sa akin ni Medel kaya napatingin ako sa kanya. Kasalukuyan naglalakad kami ngayon sa hall way papuntang waiting shed. "Ahm, hindi ako sayo makakasabay Med, eh. Susunduin daw ako ni papa ngayon. Sorry, kita na lang tayo bukas sa inyo, diyan ako ulit dadaan sa inyo bukas. Sabay ulit tayong pumunta ng school. " Dagli naman siyang tumango sa aking sinabi. Kumaway siya sa akin. "Sige, Ena. Mag-iingat ka ha? Kita kits nalang tayo bukas. Bye!" Napangiti ako sa kaniya at kinawayan rin siya pabalik. "Bye!" Umupo ako sa isang bakanteng bench. Dito ko na lamang hihintayin si Papa habang wala pa siya. Sa kalagitnaan ng aking pagmamasid sa paligid. Hindi ko inaasahan na may matatanaw ako sa hindi kalayuan. Biglang nanlaki ang aking mga mata at napanganga. Bumilis rin ang t***k ng aking puso at umabot ang ointig no'n sa aking pandinig. Apat na lalaking naggagandahan ang anyo, napakakisig silang tingnan at pinagtitilian ng halos mga kababaihan ay umalakad ngayon sa hallway. Tatlo silang lahat, ang nasa right side ay si Deigo Salvador ang lalaking madaldal pero gwapo at sobrang crush ni Medel. Sa gitna naman no'n ay si Cedrick Villaruel. Ang lalaking pinaglihi siguro sa sama ng loob. Ang nasa left side naman ay si Angelo Dela Vega, ang lalaking mabait sa kanilang tatlo. At isa siya sa pinakahahangaan kong lalaki dito sa Oxford University. Hindi mawala-wala ang aking paningin sa kaniya habang naglalakad silang tatlo papuntang parking lot ng school. Pumunta si Deigo sa kaniyang mamahaling kotse at ganoon din si Cedrick. Samantalang si Angelo naman ay pumunta sa kaniyang mamahalin na motorsiklo. Hindi ako humahanga sa kaniya dahil sa angking taglay niyang kagwapuhan, kundi dahil siya lamang ang nakakaibang lalaki sa kanilang tatlo. Mabait siya at gwapo pa. Palangiti at palakaibigan. Iniwas ko ang aking paningin sa kaniya nang makita kong lumingon siya sa aking direksyon. Nakakahiya kapag naabutan niyang ang isang tulad kong pangit ay nakatitig sa kaniya. Narinig ko na lamang ang motorsiklo nitong dala na papalayo. Tama nga naman. Ang pangit ko. "Oh! Stop dreaming Ena." Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses na iyon. Nakita ko ang isang babaeng papalapit sa akin kasama ang lima niyang alipores. Nakangiti ito sa akin ng nakakaasar. Si Kersten Lopes. Siya na siguro ang pinaka masamang babae sa balat ng lupa. Sikat siya sa campus dahil sa taglay niyang ganda at talento sa pagc-cheerleader. Hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo niya palagi kapag nakikita ako. Wala siyang pinapalampas na oras para ipahiya ako sa buong campus at i-bully. Hindi nga kami magka-kilala at magka-klase. Nabigla na lamang ako isang araw galit na siya sa akin at binu-bully na niya ako palagi. Ang ganda sana niya kaso ang sama naman ng kaniyang ugali. Bakit niya ginagawang miserable ang buhay ko? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Kasama pa ang mga kaibigan niyang sumusunod sa lahat ng sasabihin niya. "Ano na naman kailangan mo Kersten?"direktahang tanong ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya saka ngumisi sa akin ng nakaka-asar. "It's simple, Ena. Ang gawing miserable ang buhay mo. Ang maialis yang pagmumukha mo dito sa Oxford University. You're not belong here. This school are only for rich students and has a beauty. How about you? Are you rich, or even you are pretty?" "Bakit mo ito ginagawa sa akin Kersten? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo?" taka kong tanong sa kanya. Hindi ko na lamang pinansin ang mga sinabi niya sa akin. Natawa siya at umiling iling. Parang nang-iinsulto. "Wala ka ngang ginagawa sa akin, pero ang init ng dugo ko sa'yo. Alam mo ba iyon? Hindi ko mapigilan ang hindi ka saktan, dahil naiinis ako sa tuwing makikita iyang pagmumukha mo dito." Tinitigan ko siya ng seryoso, sinalubong ko ang nakakainis niyang titig sa akin. "Mapipigilan mo iyon Kersten, kapag ginusto mo." Nanlalaki ang kaniyang mga mata nang marinig ang aking sinabi. "Aba! Sumasagot ka na ngayon sa akin."sabi niyang naka-taas ang kanan niyang kilay. "Girls!" tawag niya sa mga kaibigan niya at nagsilapit naman ang mga ito sa kin. Mukhang alam ko na ang kanilang gagawin. Nilapitan ako ng mga kasama niyang babae. Hinawakan nila ang dalawa kong pulso. Ngumisi siya saka unti-unting lumapit sa akin. "Bitawan, niyo ako!"pagpupumiglas ko sa kanila, ngunit kulang ang lakas ko para makawala sa kanilang pagkaka-hawak sa akin. Ibinuhos niya ang laman ng isang mineral water sa aking ulo. Unti-unting kumalat ang tubig sa aking uniporme dahilan upang iyon ay mabasa. Tawang-tawa sila habang nakatitig sa akin. Binitawan nila ako at iniwang parang basang sisiw. Ang sama-sama nila. Nawala ang aking malalim na pag-iisip nang biglang nag-ring ang aking cellphone. Nakita kong si Papa ang tumatawag. Agad kong sinagot ang kaniyang tawag. Ayon kay Papa hindi na daw niya ako masusundo dahil nasa talyer sila ng aking kapatid na si Mesy. Nasiraan daw kasi sila ng jeep. Sinagot ko naman siyang kaya kong umuwing mag-isa at huwag na niya akong dadaanan sa school. Pagkababa ko ng aking cellphone ay agad ko namang pinunasan ang aking mukha at ulo na nabasa ng tubig. Kinuha ko ang aking bag sa bench at nagpatuloy sa aking paglalakad. Lumabas ako ng gate ng school at lumiko sa isang eskeneta. Ang eskeneta kung saan ang dinaanan namin kanina ni Medel papunta dito. Binilisan ko ang aking paglalakad dahil paunti-unti nang dumidilim. Bali-balita pa naman sa lugar na ito kapag sumapit ang alas sias ng gabi ay maraming mga taong tambay dito. Iyong mga taong adik. Kaya nkakatakot at baka isa ako sa mabiktima nila. Huwag naman sana! Jusko! Narinig ko ang kakaibang kulog sa kalangitan. Ramdam ko rin ang malakas na hampas ng malamig na hangin. Dumampo iyon sa aking balat dahilan upang ako'y mapa-yakap sa aking sarili. Unti-unti kong nararamdaman ang mumuntik patak ng tubig sa kaniyang mkha. Napatingala ako sa langit at ganoon na lamang ang oanlalaki ng mga mata ko nanang malamang umuulan pala. Minadali kong halughugin ang aking bag upang makakuha ng payong. Pero mukhang hindi ko iyon nadal, dahil hindi ko ito nakapa sa aking bag. "I think wala kang dalang payong," ani ng isang boses sa aking likuran. Nanlalaki ang aking mga mata at para akong natuod dahil sa pamilyar na boses na 'yon. Ramdam ko ang paglaput niya sa aking likuran at kita ko kung paano niya ako payungan sa gitna ng napakalakas na ulan. Sinilip niya ang aking mukhang nakayoko. Agad kong inihilis ang aking mukha para hindi niya makita ang kapangitan ko. "Oh, come on Ena Marquez. Huwag ka nang mahiya sa akin. Para saan pa ang pagiging school mate nating dalawa 'di ba?" Nanlalaki ang aking mga mata nang mapabaling sa kaniya. "K-kilala mo ako?" takang tanong ko sa kaniya sabay turo sa sarili ko. Tumango siya saka ngumiti, dahilan upang lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. Parang lutang na lutang ako nang masilayan ang napaka-gwapo niyang mukha nang gabing iyon. My heart beat very fast and the palpations when I was looking at his eyes. "Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang tulad mo, Ena Marquez? Of course kilala kita. Palagi nga kitang tinitingnan," sabi niya pa sabay kindat sa akin. Sa oras na iyon parang nasa cloud nine na ako. Nakatitig lamang ako sa kaniya at nakanganga. "By the way, ihahatid na rin kita sa bahay niyo. Delikado na ang umuwing mag isa sa mga oras na ito, Ena. Lalo pa't maraming tambay sa lugar na ito babae ka pa naman." "A-alam mo kung saan ang bahay ko?" kinikilig kong mutawi habang nakatunghay sa kaniya. Mas mataas siya sa akin ng dalawang dangkal. Hindi niya ako sinagot, sa halip inakbayan niya ako sa aking balikat. Pwede na ba akong himatayin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD