Chapter 2

1542 Words
Chapter 2 HANGGANG ngayon lutang na lutang parin ako sa lahat ng nangyari kanina. Ang paghatid sa akin ni Angelo pauwing bahay, with matching payong pa. Unti-unting sumilay ang kakaibang ngiti sa aking mga labi. Gumulong-gulong ako sa aking kama habang nagtitili. "Kyaaah! Alam niya ang pangalan ko?! Alam niya rin ang kung saan ako nakatira! Kilala niya ako!" "Ang laki naman ng ngiti mo ate? Sinong nag papangiti sayo ha?" napatigil ako sa aking paggulong nang marinig ko ang boses na iyon ng aking kapatid na si Mesy. "Bakit gising ka pa?" Umayos ako sa aking pagkakaupo sa kama at hinintay siyang makalapit sa akin. "Eh, ikaw ate? Bakit gising ka pa?" Napatanga ako nang balikin niya ang tanong ko sa kaniya. Hindi ko pinansin ang kaniyang tanong, sa halip tinanong ko rin siya. "Bakit ka nandito ha? Ano na namang kailangan mo sa akin?" "Ate, hindi kasi ako makatulog sa silid ko. Kaya kung pwede dito na lang ako tumabi sa iyo at matulog?"nakakamot pa niyang tanong sa akin. Paano ko pa naman siya tatanggihan eh, mahal na mahal ko siya. "Bakit kina mama at papa?" "Eh, tulog na sila at naka lock ang silid nila. Kaya dito na lang ako pumunta."paliwanag niya. "Okay, halika na rito at tayo'y matutulog na. Maaga pa ang pasok nating dalawa bukas." Hinila ko na siya at pinahiga sa kabilang side ng aking kama. "Thank you ate. Sige tulog na ako. Kanina pa ako antok na antok eh."sabi niyang nanghihikab pa. "Osige, tutulog narin ako."sabi ko sabay higa na sa kama. Nakahiga narin siya kaya kinumutan ko muna siya bago ko pinatay ang lamp sa side table ng kama ko. "Good night ate Ena. I love you."napangiti ako sa sinabi ng kapatid ko. Halata sa boses niyang antok na antok na nga siya. Hinalikan ko siya sa pisngi. "Good night rin. I love you too." "ATE, ate, ate! Gising na! Nagtext sa'yo iyong prince charming mo! Ayiee!" Nagising ako dahil sa pagpukaw sa akin ni Mesy. Agad akong napatayo at lumapit sa kaniya. Hawak hawak niya ang cellphone ko at mukhang kanina pa niya binabasa ang mga messages sa inbox ko. "Akin na iyan, ikaw huwag kang makiki-alam ng gamit na hindi sa'yo. Saka huwag kang mag-babasa ng mga text messages, private!" Sumimangot siya at humaba ang kaniyang nguso dahil sa aming sinabi. "Porket may ka textmate ka na, bawal na akong magbasa ng mga mensage, at humawak ng cellphone mo?" Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata. "Wala akong ka textmate no! Kaibigan ko lang ito. Lumabas ka na nga ng silid ko. Umaga na, maligo ka na't kumain ng almusal. Baka kanina ka pa hinahanap nila mama." Umirap ito sa ere saka ako nginisihan. "Sus, ate. Prince charming mo kamo iyang nagtext sa'yo. Ikaw ate luma-lovelife ka na! Hindi mo manlang sinasabi sa amin. Isusumbong kita kina mama at papa eh." Sa inis ko binato ko siya ng unan. "Sinabing wala akong prince charming!" "Okay!" Akma mo na sana ulit siyang batuhin nang kumaripas na siya ng takbo papalabas ng aking silid. Ako nama'y naiwang nagngingitngit sa inis, pero nawala iyon nang mabasa ko ang text message sa akin ni Angelo. From: My love Angelo Hi! Good morning Ena. Have a nice day! Napangiti ako nang mabasa ko iyon. Bumilis ang t***k ng aking puso at parang may mga paro-parong nagsiliparan sa aking tiyan. s**t! Kinikilig ako! Agad ako nagpunta sa reply at nagtipa ng ilang salita para i-send ko rin ito sa kaniya. To: My love Angelo Hi, Angelo. Good morning din. Have a nice day. You're message was not sent! Napapalatak ako nang maalalang wala pala akong load. "Wait lang Angelo, magre-reply ako. Just wait, just wait my love." Agad akong umahon sa kama at dali-daling lumabas ng aking silid. Hindi ko na alintana pa kung ano ang aking itsura. Basta makapag-load na ako ngayon din at mareply-an ko si Angelo! Baka isipin niyang ang snobber ko o 'di kaya ang sama ko? Ayaw ko no'n, hindi ko na papalampasin ang pagkakataong ito. Hinding-hindi ko na papakawalan ang lalaking mahal na mahal ko. Nagtataka sila mama at papa nang makita akong nagmamadaling lumabas ng bahay, maging si Mesy. Hindi ko na sila pinansin at agad akong tumungo sa tindahan ni aling Perla. "Aling Perla! Pa load ho ako. 200 pesos, mamaya ko po babayaran. Emergency lang po talaga." "Ikaw na namang bata ka. Hala isulat mo diyan number mo, lo-loadan kita kapag nakuha ko na ang cellphone ko sa apo ko. Naglalaro pa ng games eh," utos nito sa akin. Inilapag niya ang notebook sa aking harapan na puro number. Pumunta ako sa ibang page na malinis at doon isinulat ang number ko. "Sige Aling Perla. Salamat po, hihintayin ko nalang doon sa bahay." "Oo, at maligo ka na nga muna. Kakagising mo lamg no? Ang gulo-gulo ng buhok mo. May panis na laway ka pa sa'yong bibig." Hindi ko na lamang pinansin ang kaniyang sinabi. Naglakad na lamang ako pauwi ng bahay. Dali-dali akong pumunta ng aking silid at naligo. Isang oras ang lumipas at natapos narin ako. Nakabihis na at fresh na fresh. Kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa aking kama. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang walang makitang ni isang mensahe ng smartload. "Hindi pa ako na lo-loadan ni Aling Perla?" Agad akong tumayo sa aking pagkakaupi, at nilukso ko na ang hagdan mula sa aking silid papunta sa sala. Nagtataka namang napatingin sa akin si Mesy. Hindi ko na siya oinansin, tinakbo ko ang tindhan ni Aling Perla kung kaya't hingal na hingal na ako nang makarating. "Aling Perla! Wala pa 'yong load ko!" "Susmeyo santa sintisima! Naload ko na ah? Anong wala pa?" "Tingnan niyo Aling Perla, walang text ang smartload sa akin kahit ni isa. Kahit i balance inquire niyo pa, wala talaga." Ibinigay ko pa sa kaniya ang aking cellphone kinuha naman niya ito saka tiningnan. Nanlalaki ang kaniyang mga mata nang mapatunayang wala ngang balance ang sim card ko. "Paanong nangyari iyon naloadan na kita. 'Yan pa nga ang reply sa akin ng smart oh!" Siya naman ang nagbigay ng kaniyang cellphone sa akin. Nanlalaki ang aking mga mata nang makitang naloadan na niya ako. Pero mas lumaki pa iyon nang matitigan ko nang mabuti ang number na nandoon. "Aling Perla hindi naman sa akin ang number na iyan. 7 po ang huli ng number ko hindi 1. Seven po." Maluha luha 'kong ibinalik sa kaniya ang cellphone niya. "Loadan niyo nalang po ako ulit.." Sayang two hundred pesos na iyon. Huhu.. "Sige, sige. Basta bayaran mo parin ang 200 na nauna." Sa isip ko unti-unti ko nang sinasakal ngayon si Aling Perla dahil sa katangahan niya. Paanong naging one ang seven? Asan ang hustisya di ba? Kaya pala siya successful sa kaniyang mini-store na ito dahil nandadaya siya. Hindi ko na siya mapapalampas sa susunod. "Ako na po magt-type ng number ko Aling Perla." Hindi naman siya nagdalawang isip na ibigay sa akin. Nang matapos ko nang i-type ibinigay ko sa kaniya ito. Wala pang segundo tumunog na ang hawak kong cellphone. "Sige, salamat Aling Perla. Mamaya ko babayaran ng buo." Lumakad na ako papalayo sa kaniyang tindahan. At huminto sa isang tabi, agad akong nagtipa sa aking cellphone ng mensage at ini-sent iyon kay Angelo. Matapos 'kong ma-text si Angelo. Tinawagan ko ng buong tapang ang may kapareho kong number pero huli sa huli. Babawiin ko lang naman ang 200 pesos na load 'kong naligaw sa kaniya. Ano siya sinuswerte kapag hahayaan ko na lamang? No! Iisang dial palang nag ring na ito pero matagal bago sinagot. "Hello? Sino ito?" Tanong nito sa kabilang linya. Boses lalami at mukhang pamilyar ang boses na iyon sa akin. "Ikaw sino ka? Ako sino ka? Ganoon, kung sino ka man. Ibalik mo ang dalawang daang pesong load ko na napunta sa number mo." "What?" "Dahil sa magkapareho ang number natin magkaiba nga lang sa huli sa'yo napunta ang load ko na dapat sa sim ko. Naiintindihan mo? Ibalik mo sa akin iyan," naiinis kong sambit sa kaniyang nasa kabilang linya. Narinig ko kung paano ito napahinga ng malalim. "I have no time to discuss it about. It just a load, lo-loadan nalang kita ng isang libo." "Hindi! Kailangan mong bayaran iyan. Pangbaon ko pa ang ibabayad ko, may load na ako kaya hindi ko na kailangan ng isang libong load mo. Kailangan ko ay two hundred na cash." "Are you a scammer? Well, I have no time with your uninterested proposal. Bye." Umusok ang aking ilong nang babaan niya ako ng tawag. Agad akong pumunta sa GPS at ini track ko siya kung saang place. Nasa Delarama street siya sa V Club building. Isa siguro iyong employee sa kompanya. Pwes! Hinding-hindi ko siya aatrasan. Kailangan niyang ibalik ang two hundred pesos ko. Pambaon ko rin iyon, sayang. Baon ko kaya iyon sa loob ng isang linggo, tapos mapuounta lang sa kaniya? No, no! Pumara ako ng tricycle na dumaan. "Sa Delarama street po manong, sa V club building."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD