"ZUP, BROTHER?" Malapad ang ngiti, na bati kaagad ni Lucero sa kakambal, pagpasok pa lamang nito ng unit ng lalaki. Nangunot pa ang noo niya nang hindi man lamang ito kumibo at manatiling nakatingin sa kawalan, at tila malalim ang iniisip. Prominente rin ang pagtitiim ng mga bagang nito, habang paminsan-minsan ay sumisimsim sa hawak nitong maliit na baso, na alam niyang alak ang laman. Doon pa lang, nakatunog na siya... may problema ito. Gayon pa man, ay tila walang ano man, na ipinagpatuloy niya ang paglapit dito at tinapik ito sa balikat, upang makuha ang atensyon nito. Kaagad naman ngang bumaling sa kanya ang tila nagulat pang reaksyon nito. Wala pa ring mababasa na kahit na ano'ng emosyon sa mukha, na tinanguan lamang siya nito, bago muling sumimsim sa hawak na baso. Hindi naman s

