"NAKAKAINIS ka." Nakalabi pang sabi ni Zia, sabay mabuway na hampas sa braso ni Lucian, na nakayakap sa kanya mula sa kanyang likuran. Katulad ng gusto ng binata, ay naupo nga siya sa kandungan nito. Alam niya naman, na kahit tumanggi siya ay magpipilit pa rin ito. Well, aaminin niya, na gusto niya rin naman. Hindi naman niya maikakaila na nami-miss niya rin naman ito, kahit pa nga ba halos araw-araw naman silang nagkikita. Para siyang batang nakaupo sa kandungan nito, doon mismo sa malaking swivel chair nito. Nakabaon naman ang mukha ng nobyo sa pagitan ng leeg at balikat niya. He even closed his eyes and inhaled her scent. Bahagya pa nitong inuugoy-ugoy ang kinauupuan. Hindi tuloy maiwasan ni Zia na makaramdam ng antok. She also closed her eyes, and feel his warmth. "Bakit na naman

