Chapter 61

2141 Words

PAGPASOK pa lamang ni Zia sa department nila ay sinalubong na kaagad siya ng nanunuksong mga tingin ng bawat empleyadong makasalubong niya. Mayroon pa nga na mangilan-ngilan, na kababakasan ng inggit ang kislap ng mga mata, bagaman, nakangiti ang mga labi. Ang iba na medyo ka-close niya ay tahasan siyang tinutukso at sinasabing, sana all. Bahagyang nangunot ang noo ni Zia. What's happening? Pagdaan niya sa mesa ni Mildred ay naroon na ang mga gamit nito, bagaman wala roon ang kaibigan, para sana matanong niya. Naiiling na ipinagpatuloy niya na lamang ang paglakad papunta sa cubicle, kung saan naroon ang table niya. Para lamang matigilan at mapasinghap, nang bumungad sa kanya ang isang pumpon ng mga pulang-pulang mga rosas, na nakapatong sa ibabaw ng table niya. Nang mag-angat siya ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD