Chapter 102

1138 Words

SAGLIT na bumakas ang kalituhan sa mga mata ni Zia sa tanong na iyon ni Lucifer. Nais ko ba? Paano kung may matuklasan nga ako sa nakaraan na maaari palang makasakit sa akin, sa kasalukuyan? Paano kung totoo nga ang sinasabi ni Lucifer? Na hindi naman talaga siya mahal ni Lucian, at kumbaga, eh, flavor of the month lamang siya nito? Makakaya ba iyong tanggapin ng puso niya? May lihim na ngiti na gumuhit sa mga labi ni Lucifer sa nakikitang kalituhan sa mga mata ng dalaga. Iyon lamang talaga ang hinihintay niyang pagkakataon. Ang lamatan ang pagmamahal na pinaniniwalaan nito, at ng hangal na anak niya. Sa gayung paraan ay mapatutunayan niya kay Lucian na hindi talaga maaaring mapagkatiwalaan ang pagmamahal ng isang mortal. Na katulad ng ina nito, iiwan din siya ng mortal na ito kapag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD