Chapter 65

2048 Words

"PAGBUKAS pa lamang ng pintuan ay kaagad nang lumipad doon ang tingin ni Zia. Iniluwa noon si Lucian, na bakas ang pag-aala sa mga mata. "Hey," bati niya rito. Pilit siyang nagpakawala ng isang ngiti na hindi naman umabot sa kanyang mga mata. Nangunot naman ang noo ni Lucian sa nakitang emosyon sa mga mata ng nobya, kahit pa pilit nito iyong itinatago. Kung narinig nito ang usapan nila ni Lucid kanina, bakit lungkot at pag-aalala, imbes na takot at pagkamuhi ang nababasa niya sa mga mata nito? Kinakabahan man sa maaaring maging reaksyon ng nobya, ay muling marahang isinara ni Lucian ang pintuang pinasukan at nilapitan si Zia na nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Suot pa rin nito ang puting t-shirt niya na ibinihis niya rito, bago siya nagpasyang lumabas kanina, papunta sa opisina niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD