TATLONG mahihinang katok ang nagpalingon kay Zia sa pintuan ng kanyang silid, mula sa pag-eempake niya ng mga gamit. Inimbitahan siya ni Lucian na sumama rito sa, ayon dito ay kabibili pa lamang nitong property sa bandang norte. Ayon sa kanyang nobyo ay nais nitong gugulin ang buong weekends na kasama siya, na mabilis naman niyang sinang-ayunan. Kaya't pag-uwi niya ay kaagad siyang nagpaalam sa mga magulang. Pinayagan naman siya ng mga ito. Hindi man sabihin ng nobyo, ay alam niya na tungkol na naman iyon sa sinasabi nitong aaminin nito sa kanya tungkol sa tunay nitong pagkatao. Na nais nitong sulitin ang mga araw na mahal pa niya ito at hindi pa siya natatakot, o namumuhi rito. Napapailing na lamang siya kapag naiisip iyon. Wala naman siyang naiisip na maaaring maging dahilan para mat

