KUNOT NA KUNOT ang noo ni Lucian sa labis na pagtataka nang bumabang muli ang kasambahay nina Yana at sabihin sa kanya na hindi sumasagot ang kanyang nobya, kahit pa anong katok ang gawin nito sa silid ng dalagang amo. "Pasensya na po kayo, sir," Anang kasambahay na hindi makatingin sa kanya ng deretso. "Pero ayaw po talagang buksan ni Señiorita Zia ang pinto, kahit na anong katok ko." Iyon ang sabi sa kanya ng kasambahay na nagbukas sa kanya ng pintuan pagdating niya, at umakyat sa silid ng kanyang nobya, para sabihin na naroon na siya, upang sunduin ito. Sinipat niya ang kanyang relong pambisig. Alas onse na ng gabi. Ang oras na pinag-usapan nila nito na susunduin niya ito. Nakausap niya pa ito kanina at kinumpirma ang pagsama sa kanya. Nag-eempake na nga raw ito ng mga gamit na dada

