"DO YOU really think, hindi ko malalaman ang ginawa mo?!" Mabalasik na utas ni Lucian, habang mahigpit na nakasakal ang tila bakal na mga kamay, sa makinis na leeg ni Malia. Mahina lang ang pagkakabigkas nito ng mga salita, halos pa-anas, ngunit mababakas sa bawat binibitawan nitong salita ang ibayong galit at poot para sa babae. Sing-pula rin ng sariwang dugo ang nag-aapoy nitong mga mata, na buong pagka-poot na nakatunghay dito. Nanlaki naman ang mga mata ni Malia sa biglaang pagdating ni Lucian, at bigla na lamang lumapit sa kanya at kapagdaka, ay mahigpit na inabot ang leeg niya at iniangat siya mula sa pagkaka-upo, habang kumakain ng hapunan, kasabay si Lucifer. Kitang-kita niya ang titis ng poot na nakabalatay sa mga mata ng bunsong anak ni Lucifer. Kahit na kailan ay hindi niya pa

