PAGKATAPOS ipasok sa maleta ang lahat ng sa tingin niya ay kakailanganin niya, para sa dalawang araw na out of town kasama si Lucian, ay nagpasya nang maligo si Zia upang 'ika niya, ay aalis na lamang sila pagdating ng kasintahan. Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa isang bahagi ng kanyang silid, mayroon na lamang siyang bente minutos para maghanda. Anumang sandali ay maaaring dumating na ang nobyo upang sunduin siya. Nakaramdam siya ng excitement. Hindi man sinabi sa kanya nito kung saan sila pupunta, ay sigurado siyang magugustuhan niya, kung saan man iyon. Ganoon naman talaga lagi ang binata. Palaging alam nito kung ano ang makapag-papasaya sa kanya. Kahit nag-iisa ay matamis na ngumiti si Zia sa naisip. Pumasok na siya sa CR na nasa loob ng kanyang silid upang mabilisang maligo

