MAPANGLAW ang mga matang nakatunghay lamang si Lucian sa natutulog na si Zia. Limang araw na ang matuling lumipas mula nang puntahan ito ni Malia at sabihin dito ang tungkol sa tunay niyang pagkatao. At sa loob ng limang araw na iyon ay wala pa rin siyang lakas ng loob na magpakita rito. Nagkakasya na lamang siya na bisitahin ito at pagmasdan, nang hindi nito namamalayan. Bagaman, wala itong pinagsabihan ng mga nakita nito at napag-alaman mula kay Malia, ay hindi pa rin nababawasan ang nakikita niyang takot sa mga mata nito. Kung minsan ay bigla na lamang itong napapa-igtad, at magpapa-linga-linga sa paligid, na animo mayroong bigla na lamang susulpot sa likuran nito. May ilang mga pagkakataon din na bigla na lamang itong bumabalikwas ng bangon sa kalagitnaan ng gabi at saka bigla na l

