MINSAN pa ay tumingin si Zia sa kanyang relong pambisig. Alas singko y medya. Naiinip nang nagpalinga-linga siya sa paligid, ngunit wala pa rin ni anino ni Lucian na dumarating, upang sunduin siya. Nakailang tingin na rin siya sa cellphone niya kung may text man lang ba ang binata, upang sabihin kung nasaan na ito, o kung darating pa ba, o hindi na. Ngunit wala. Sinubukan niya na ring magpadala ng mensahe rito. Ngunit wala siyang nakuha, kahit na maigsing sagot. Ano na kaya ang nangyari doon? Ang huling text message na ipinadala nito sa kanya, ang sabi ay maghintay siya rito sa pag-uwi, at ito raw ang maghahatid sa kanya, pauwi. Ngunit tatlumpung minuto na siyang nag-aantay sa binata ay hindi pa rin ito dumarating. Niyayaya na nga siyang sumabay ni Mildred kanina, sinundo kasi ito ni

