Chapter 86

1558 Words

MALAPIT na sana si Lucian sa restaurant kung saan gaganapin ang luncheon meeting appointment niya nang tumunog ang cellphone niya, na nakalagay sa holder, sa tabi ng manibela. Nang makita ang pangalan ng sekretarya, na siyang tumatawag sa kanya ay kaagad niyang ikinonekta ang aparato sa earpiece na nakaka-kabit sa tainga niya. "Yes?" Sagot niya kapagkuwan, sa pormal na tinig. Wala siyang maisip na dahilan para tawagan siya nito. Dapat sana ay kasama niya ito na pupunta sa meeting nang oras na iyon, ngunit nagbago ang kanyang isip at ipinasyang maiwan na lamang ito at aralin ang isa pang proposal na kapapasok lamang. Nais niyang pasadahan muna nito iyon ng basa, at kung dito pa lamang ay hindi na iyon pumasa... walang dahilan para basahin niya pa iyon. "H-hello po, Sir," nangunot ang no

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD