WHERE are you? Pauwi na kami ni Mildred, ayaw sumabay sa amin ni Zia. May usapan daw kayo na ihahatid mo siya. Umangat ang ulo ni Lucian mula sa pinipirmahang mga papeles nang masagap ng kanyang utak ang tinig ng kanyang kakambal. Tumiim ang mga bagang niya, ngunit hindi siya kumibo. Muli niyang isinubsob ang ulo sa ginagawa. Hey. Muling kausap sa kanya ng kakambal, maya-maya. Shut up, fvcker! Singhal niya rito sa isip niya. Wow! So may balak ka na hindi siputin ang girlfriend mo, ha? Bago 'yan, ah. Ano'ng ganap? Bakas na bakas sa tinig ni Lucero ang pangangantyaw, na lalong ikinainis ni Lucian. Will you just, fvcking leave my head? Napipikon nang muli niya singhal dito. Kanina pa nagtatalo ang kanyang kalooban kung bababain ba ang nobya, upang sunduin sa departamento nito at ihat

