PINANINGKITAN ni Zia ng mga mata ang nobyo na inangatan lamang siya ng isang kilay. Ilang sandaling nagtagisan ang kanilang mga paningin, bago wala nang nagawa ang dalaga kung hindi ang magmartiya pabalik sa sasakyan nito at padabog na sumakay doon. Pilit namang sinupil ng binata ang ngiting tagumpay, na gumuhit sa kanyang mga labi. Ibinalik niya ang pormal na anyo, bago umikot at sumakay na rin sa driver's seat. "Seatbelt." Paalala niya pa sa nobya, sa malamig na tinig, nang makaupo. Sinamaan naman siya nito ng tingin at saka inirapan. Gayun pa man, ay inabot pa rin nito ang seatbelt at ikinabit sa katawan. Lihim na lamang na napangiti ang lalaki. Para namang script sa isang pelikula, na pagkabuhay na pagkabuhay ng makina ng sasakyan ni Lucian ay muli rin namang nabuhay ang buong pa

