Herson's POV. Everybody is wearing their big smiles. Today is a fine day, at nagkatipon ang lahat ng mahalagang tao sa buhay namin ni Mia. Para saksihan ang aming pag-iisang dibdib sa harap ng Panginoon. “Relax. It's not as if it's your first time Kuya,” sabi ng kapatid kong si Miguel na siyang tumayong best man ko. Nanatili pa ring nakapatong ang kanyang palad sa balikat ko. Hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko, tama nga naman—hindi ko naman first time magpakasal, pero iba pa rin ang kabang nararamdaman ko. Mia for me, is the person I can't afford to lose. I mean, hindi ko nakikita na magiging kagaya ng pagsasama namin ni Ellena ang magiging marriage namin. This time, I am so certain that what we have is for a lifetime. Nagpatuloy ang kaba ko nang magsimula nang lumitaw

