Mia's POV Pagkatapos ng insedenteng nangyari. Agad naming isinugod sa ospital ang sigatang si Jekjek. Mabuti na lang at hindi ito napuruhan at mababaw lang ang ibinaon ng bala sa balikat niya. Nakahiga siya ngayon sa Hospital bed at nagpapahinga habang si Herson naman ay nakahalukipkip na nakatayo sa gilid nito. Nakaupo naman ako sa couch na nasa malapit sa pinto ng private ward. Nagmulat ng mga mata si Jekjek at dahan-dahang itinuon ang sulyap kay Herson. “Patawarin niyo po ako Kuya Herson,” anito at napasulyap rin sa akin. “Ate Mia.” Nagkatinginan kami ni Herson nang lumingon siya sa akin at tila nagkaintindihan kami na manatiling tahimik at pakinggan ang paliwanag ni Jekjek. “Tinakot po kasi ako nong Ellena na iyon, ipapalipol daw niya ang pamilya ko at ang mga tao sa isla kaya wala

