Herson’s POV. Ilang araw nang hindi nagpapakita si Attorney sa akin simula no’ng nakaraan. Napikon kasi siya sa sinabi ko. I know I was rude pero siya naman kasi ang nauna. I am her client. And she should have trusted me. Pero argh! Sinasabunutan ko ang sarili ko ngayon. Nababaliw na yata ako. I am so asshole. Kahit na ganoon ang ginawa niya. Hindi ko na sana siya pinatulan. “Matindi rin ang tama mo ano?” sabi ko sa sarili. Ilang araw na rin ako rito sa kulungan. Inilagay nila ako sa separate na selda na medyo kumportable—actually hindi siya mukhang selda, kundi isang kubol na naka-lock. Medyo kumapal na ng kaunti ang kamang hinihigaan ko, at wala na akong ibang kasamang preso. Kumbaga, VIP selda ang kinalalagyan ko rito. Kung tutuusin, pwedeng pwede kong gamitin ang pera ko para ma

