Mia’s POV Natapos na rin ang hearing ngayong araw. Sa tingin ko ay nakumbinsi ko naman si Judge sa witness na iprinisinta ko kanina. I know I was about to stow-away, pero naisip ko. Hindi ko talaga ma-imagine ang sarili ko na na iba ang ginagawa. Bata pa lang ako, pangarap ko nang maging isang abogado. This is the thing that I really want, nothing else. Kaya hindi ako susuko. Ipaglalaban ko ang dignidad ko. Hindi para ma-please sina Mommy at ang ibang tao. Kundi, para sa sarili ko. Kahapon naman eksaktong tumawag sa akin ang waitress na si Alma at sinabi miyang nakahanda siyang tumestigo para boss niya. “Sa susunod na hearing, malalaman na natin ang verdict ng Judge at ng jury,” paliwanag ko sa kaharap ko ngayon na si Herson. Simpleng tango lang ang itinugon nito sa akin. “Sila ang m

